Prologue

10 0 0
                                    

Bitter ako. YES. Tama ang  nabasa ninyo. Bitter nga ako. Well, hindi naman dahil sa hindi pa ako nagkaka boyfriend ha?

Cute kaya ako! Oh siya hindi ko na ipipilit dahil hindi naman kayo maniniwala. Pero cute talaga ako, promise.

Bakit ako bitter?

Dahil naniwala ako sa mga salitang sinabi niya na akala ko'y totoo. Pero hindi pala. Shunga ba? Sorry naman, nagmahal lang ng maling tao.

Siya kasi ang first boyfriend ko tapos niloko na agad ako. Swerte diba? At dahil doon sa nangyari ay nabago yung paniniwala ko. Hindi na ko naniniwala na meron pang lalaking nagmamahal ng totoo. Napalitan na lahat ng manloloko. Di ko nilalahat ah? Sorry naman.

Alam naman natin na lahat ng bagay ay may dahilan. May dahilan kung bakit tayo nasasaktan, nalulungkot, umiiyak, tumatawa, at nagiging masaya.

Pero may tanong ako. Yung mga manloloko, anong dahilan at bakit hindi sila makuntento? Hindi pa ba sapat yung isa?

Ako nga pala si Janna Elaine Francisco at basahin niyo ang aking kwento.

Bitter to SweetOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz