Chapter 4

5 0 0
                                    

Singer

Kakalabas lang namin ng gate ng school at nakita ko agad si kuya na nag aabang sa labas dala yung mio niya. And as usual marami nanamang mata ng babae ang nakatingin sa kanya. Ang hot kasi niya tignan sa suot niya ngayon. Tapos naka shades pa siya.

"Kuya bakit nandito ka?" Nagtatakang tanong ko ng nakakunot ang noo.

"Syempre sinusundo ko yung maganda kong kapatid" sabay tawa.

Minsan hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya. Lagi niya kaseng sinasabayan ng tawa eh. Kainis. Edi siya na pogi. Cute naman ako. Wag na kayong umangal. Please.

"Hindi mo kasama si Ate Carla?" Tanong ko

"Nope. She's busy" sagot niya.

"Bessy una na kami ni Trixie ah? Byeee!" Singit ni Lea at hinug na nila ako pareho. Nagpa alam na din ako sa kanila at humingi ng pasensya dahil hindi ko sila makakasabay ngayon.

Umangkas na agad ako kay kuya dahil gusto ko nang umuwi. Bago pa man umandar ang sasakyan ay nakita ko si Arjon kasama yung gf niya. Nakatingin siya sa akin. Nainis nanaman tuloy ako.

"Kamusta naman school mo?" Tanong ni kuya habang umaandar ang mio.

"Ahm.. Okay naman" tipid kong sagot.

"Kayo pa ba ni Arjon?" Nagulat ako sa tanong niya at naalala kong hindi ko nga pala nasabi sa kanya ang ginawa ni Arjon.

"Huy. Hindi mo na sinagot tanong ko." Dagdag ni kuya

"Hindi na kuya"

"Bakit? Kailan pa? Ano nangyare?" Sunod sunod ang tanong ni kuya kaya hindi ko alam kung ano ang uunahin kong sagutin.

"Oo nga pala. Kuya kilala mo ba kung sino kapatid ni Ate Carla?" tanong ko. Gusto ko kasing siguraduhin kung alam niya na kapatid ng girlfriend niya si Arjon.

"Alam kong may kapatid siya pero hindi ko pa nakikita. Pag kasi nagpupunta ako sa bahay nila wala lagi yung kapatid niya eh" sabi nito.

Sa wakas ay nakarating na kami sa bahay namin. At pagkapasok na pagkapasok ko doon ay madaming pagkain sa lamesa. Nagtaka ako dahil wala namang okasyon pero ganito karami ang pagkain.

Nagmano ako kay mama at dali daling pumunta sa kwarto ko para itabi ang aking bag at para makapag bihis na din.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko ay bumungad sa akin si Papa. Napakalawak ng ngiti niya. Agad ko siyang sinalubong ng yakap.

"Pa.. Namiss kita" yan lang ang tangin lumabas sa bibig ko. Miss na miss ko na siya. Dahil ilang buwan na siyang hindi nakaka uwi dahil sa trabaho.

"Pasensya ka na anak at ngayon lang nakauwi ang papa" sabi ni papa at niyakap din ako.

"Kailangan ko kasing magtrabaho anak.." Dugtong pa ni papa.

Nasa labas na din ng pintuan ng kwarto ko sina mama at kuya. Masaya silang nakatingin sa amin ni papa. Ang kaninang lungkot na nangyari sa school namin ay napalitan ng saya dahil sa nangyari ngayon.

"Oh tara na sa ibaba at kumain na tayo" singit ni mama sa amin

"Oo nga nagugutom na ko, tsaka ang sarap kaya ng mga niluto ko ngayon" sabi ni kuya sabay tawa.

Tumawa din kami ni Papa at sumunod na sa ibaba para kumain ng mga niluto ni kuya.

"Wow! Baked mac!" Sabi ko sabay kuha nito at lagay sa plato.

"Abaaa. Meron na pala akong anak na chef" natutuwang sabi ni papa.

"Chef na gwapo papa" dagdag ni kuya sabay kindat sa akin

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bitter to SweetWhere stories live. Discover now