Chapter 3

5 0 0
                                    

Mysterious guy

Nagising ako sa alarm ng aking cellphone ngunit pagkatapos kong patayin ay napagpasyahan ko na matulog ulit saglit dahil maaga pa naman at tinatamad pa akong bumangon.

Wag kayong ano, ganyan din kayo HAHAHAHA! Aminin!

Ilang minuto lang ang lumipas ay tinignan ko ulit ang oras at napatayo ako sa aking kama at dali-daling nagpunta sa banyo para maligo. 7:15 na at 15 minutes nalang ay simula na ng klase.

Jusmiyo marimar! Gandang umaga neto. Matapos kong maligo ay nagpalaman nalang ako ng sandwich at agad kong nilagay ito sa aking bag.

"Oy hatid na kita" sabi ni kuya at kinuha agad ang susi ng kanyang mio.

Gusto ko sanang sumabay nalang kay kuya para makatipid ng pamasahe kaso male-late na ko kaya tumanggi nalang ako.

"Next time nalang kuya, pakisabi kay mama nauna na ko pagka gising niya no? Byeeee!" Pagmamadali ko. Sabay labas ng bahay at nagpunta na sa mga tricycle.

Hindi na ko magkanda ugaga dito. Ayokong ma-late. Kasisimula lang ng klase namin kahapon kaya kailangan mag sipag sipagan muna ako HAHAHAHAHA! Oy ano kayo? Masipag talaga ako no!

Buti nalang at nakasakay na ako ng tricycle. Pinabilisan ko na kay kuya para makarating agad. Yung tipong lilipad na yung sasakyan.

At hulaan niyo kung anong itsura ko pagkababa ng tricycle.

Mukha akong kinuryente. Nagtaasan lahat ng buhok ko! Mukha akong mangkukulam sa itsura ko ngayon.

Dali dali kong kinuha yung suklay ko at dumating si Lea

"Hoy lukreng! HAHAHAHA mukha kang hito!" Pang aasar ng bruha.

Tignan mo to. Ang aga aga binabadtrip ako hays.

"Che. Manahimik ka nga. Asan si Trixie?" Masungit kong tanong.

"Nasa room na. Tara akyat na tayo." Aya niya sa akin

Habang palakad kami ay may mga nakakasalubong kaming mga babae na nakapalibot doon sa naka paskil sa bulletin board.

Nung tignan namin ay audition pala ito sa mga gustong sumali ng theatro. Meron ding audition para sa mga kantahan.

Hindi ko na ito pinansin dahil ayoko nang sumali ulit sa mga ganoon. Marami kasing nagagalit pag sumasali ako sa ganon. Ewan ko ba.

Nilagpasan na namin ang mga kumpol ng ilang estudyante duon at sinabi ko naman kay Lea na samahan muna niya akong mag cr dahil gusto kong makita kung ayos na ba yung sarili ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko naman ay nandoon yung babaeng kasama ni Arjon kahapon. Bago siya lumabas ay tinanong siya ni Lea kaya kinabahan ako.

"Ahm tapos ka na?" Tanong ni Lea

"Oo sige kayo na" sabay ngiti nito at lumabas na sa cr

Nag ayos lang ako doon at walang tigil dumaldal tong kasama ko. Kung may tape lang akong dala ay matagal ko na sigurong natapalan yung bibig niya.

"Uy bes nga pala may nagtanong sakin nung number mo" singit niya.

"Huh sino?" Tanong ko

"Di ko rin kilala eh"

"Binigay mo number ko?" Tanong ko habang naka kunot yung noo.

"Ahm, ano. Oo eh" sabi niya sabay nag peace sign.

Aggghhh!!! Walangya tong babae na to!! Bat binigay niya number ko sa hindi naman namin kilala? Abnormal talaga to hays.

"Pero bessy gwapo siya at mukhang mabait" puri ni Lea sa lalaking nanghingi ng number ko

Bitter to SweetWhere stories live. Discover now