Chapter 18

16.2K 293 45
                                    

After making sure na dala na namin ang lahat ng kailangan namin para sa pagpunta namin sa falls, umalis na kami ni Dwight sa resort. Nag-rent na rin kami ng habal-habal for half of the day and we proceeded with my punishment.

Pagdating namin sa entrance no'ng lugar, nagulat ako kasi ang daming mga turista. Hindi ko kasi ine-expect na marami pala talaga 'yong mag-a-attempt na i-try 'yong zipline. I mean, ako nga, muntik pang makipaghiwalay sa asawa para lang hindi gawin 'to, e. So bakit sila ginagawa nila?

Pagkabayad namin sa entrance fee at para sa zipline, naglakad-lakad muna kami ni Dwight papunta sa ibang areas para tingnan nang mas malapit 'yong iba sa falls. Sabi no'ng guide, Hikong Alo raw 'yong name no'ng unang falls.

"May meaning po ba 'yong name no'ng falls?" hindi ko napigilang itanong.

"Ang ibig sabihin po ng Hikong Alo ay passage," sagot naman no'ng guide sa amin then he proceeded with talking about the falls and the area.

"Kung gusto n'yo pong makita 'yong falls nang mas mabuti, mas okay po kung sasakay kayo ng zipline."

Bumilis bigla 'yong pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi ni kuya. Alam kong pumayag na ako na subukan 'to pero parang nagdadalawang-isip pa rin ako sa naging desisyon ko.

"What's wrong, G?" tanong sa akin ni Dwight. Napansin niya siguro na bigla na lang akong tumahimik.

"Wala. Tinitingnan ko lang 'yong view. Maganda pala talaga rito, 'no?" sagot ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa falls. Well, half lie lang naman 'yong sinagot ko kay Dwight. Sure, parang gusto ko na lang mag-stay dito buong araw dahil sa ganda ng view. Nare-relax din ako sa tunog ng agos ng tubig pero hindi pa rin talaga kasi mawala sa akin 'yong takot.

"Yup, maganda nga," sagot ni Dwight and when I looked at him, just like every cliche in the world, he was looking at me the whole damn time.

Nag-init tuloy ang pisngi ko dahil doon. "Seryoso kasi ako, Dwight!"

"Seryoso din naman ako? Sino bang may sabing hindi? Tara, punta na tayo sa zipline," sagot ni Dwight sabay ngiti nang nakakaloko sa akin. Jusko po. Pasalamat talaga 'tong lalaking 'to at nasa public area kami ngayon. Kung hindi, nako. Nabugbog ko na 'to nang wala sa oras!

Maglalakad na sana kami papunta sa zipline nang pigilan ko at hiniling ko sa guide na kuhanan muna kami ng picture. Pagkatapos ng ilang shots, handa na akong harapin ang isa sa pinakatatakutan ko—heights.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang kabahan ulit. Alam ko namang saglit lang 'yong parusa este ride na 'to pero feeling ko kasi talaga, 'yong buhay ko 'yong nakasalalay dito. Bakit ba kasi nagkaroon pa ako ng asawa na ganito ka-adventurous?

"Ready ka na ba, G?" tanong ni Dwight sa akin pagkatapos naming mag-fill out ng waivers.

At that time, feeling ko umiikot na 'yong tiyan at paningin ko. Hindi ko alam kung epekto lang ba 'to ng kaba ko or what. Nung napansin ni Dwight na iba na 'yong itsura ko, nilapit niya ako sa kanya at saka niya ako kinausap nang maigi.

"Okay ka lang ba?"

"Feeling ko magkakasakit ako, Dwight. Nanghihina na yata ako," mahina kong sagot sa kanya.

Hinawakan naman niya 'yong mga kamay ko at saka siya nagsalita ulit. "We're in this together, G. Hinding hindi ko bibitiwan 'yong kamay mo. Higpitan mo lang 'yong hawak mo sa akin kapag natakot ka. Okay?"

Hindi ko na alam kung ano ba talaga 'yong sinasabi ni Dwight pero tumango na lang din ako sa kanya bilang sagot.

Nang matapos na si Dwight sa pep talk niya sa akin, sakto namang tinawag kami no'ng lalaking in charge sa zipline. Hinawakan ulit ni Dwight 'yong kamay ko at saka niya ako nginitian na para bang nagsasabi na hindi niya ako pababayaan. Sinubukan kong ngumiti pabalik sa kanya pero feeling ko, mukha na siyang ngiwi na ewan.

Moving Into the Monster's HouseWhere stories live. Discover now