"Actually, hindi. Alam kong kaya mo na ang sarili mo at hindi na kita dapat pakitaan ng concern. Baka bigyan mo pa ng kakaibang meaning." Al answered.

Nalaglag ang panga ni Sue. "So, pinapalabas mo ba na assuming ako? Ganun ba? Ha?"

"Ikaw nag isip niyan." Sabi ni Al at napabuntong hininga. Nakita ko naman ang pagtama ng masamang tingin ni Sue kay Al. Oo, sige. Ano bang meron sakanila? Akala ko ba ayos na sila? Bakit mukhang mainit parin ang ulo nila sa isa't isa? Atsaka sabi ni Al sakin maayos na sila diba? Ini-expect ko na hindi na sila ganyan magturingan sa isa't isa.

"Anong problema niyong dalawa?" Sa wakas ay nagkaroon narin ako ng lakas na loob para magsalita. Kanina pa ako tahimik dito at nanonood sakanila eh.

Parehas silang napatingin sakin at sinabing, "Wala!"

Kumunot ang noo ko. "Sabay pa talaga kayong nagsabi niyan ah?"

"Wala naman talaga kaming problema. Maayos na kami, Lyk." Mabilis na sagot ni Sue sabay inom ng tubig. "Anyways, ano? Payag ka sa sinabi ko kanina? Punta tayo sa kung saan para naman makapag-relax tayo. Ano? Payag ka na."

"Ahm," Napatingin ako kay Al at nakita kong napailing siya. "Busy kasi—"

"Oh c'mon! Akala mo ba hindi ko alam ang ganap mo sa buhay? Syempre alam ko! Hindi ka busy! Nagpapaka-busy ka lang!" Singhal ni Sue sakin. "Pumayag ka na!"

"K-Kasi ano.."

"What?"

I gulped. "S-Sige. Payag na 'ko."

Narinig ko ang singhap ni Al kaya hindi ko na siya kayang sulyapan. Bantay sarado niya kasi ako. Ayaw niyang kung saan saan ako pumupunta nitong mga nakaraang araw dahil baka magkita kami ni Luijin. Ayaw niya na talaga akong palapitin kay Luijin dahil nakakasama daw ito.

"Great." Masayang sabi ni Sue at napasulyap kay Al. "Hmm. Do you wanna come with us? I'm sure you're not busy."

Napabuntong hininga si Al, "Wala naman na akong ibang choice kundi sumama."

"Okay. Bukas na agad ang alis natin so be ready." Sabi ni Sue at napangisi pa. Nanlaki naman ang mata namin ni Al dahil sa sinabi niya. Bukas na agad?

"Bukas?!"

"Yes. Bukas na agad. Don't worry, napaghandaan ko na ito noon pa." She answered.

Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami upang magtrabaho. Syempre hinabilinan nanaman ako ni Al tungkol kay Luijin. Ang sabi niya, kailangan ko daw unahin ang makakapagpabuti sa sarili ko para hindi na magkagulo. Lagi niya 'yang sinasabi sakin bago ako magtrabaho. Wala naman akong ibang magawa kundi tumango lang at sundin kung anong sasabihin niya.

Sabay kaming umalis ni Sue sa bahay at dumiretso kila Senior Ry. Magkakasama ulit kaming magtatrabaho ngayon. Kasama sina Kee at sina Luke.

"Apat na tao ang mamatay sa araw na ito. It's a car accident." Usal ni Senior Ry habang nilalakad namin ang daan papunta sa lugar kung saan mangyayari ang aksidente. Nang makarating kami doon, nag stay kami sa waiting area kung saan malapit na mangyayari ang aksidente.

Habang nag aantay kami ay binigay sa amin ni Senior Ry ang death card na aming susunduin. Inabot ko ito at hindi muna binuksan. Inayos ko ang suit at pulseras na suot ko at tinutok ang tingin sa kalsada.

"Maghanda na kayo, guys." Habilin ni Senior Ry samin, nagsitanguan naman kami at naghanda. Biglang nag red light ang poste sa gilid ibig sabihin ay hihinto ang mga kotse. Maya maya'y napasulyap ako sa isang pamilyar na kotse. Kumunot ang noo ko at inisip kung saan ko ba unang nakita ang kotse na 'yon.

Fuck!

Unti unting nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung kaninong kotse ang masasama sa aksidente ngayon. Nanginginig na binuksan ko ang death card na hawak ko ngayon. Mas lalong nanlaki ang mata ko at bigla nalamang bumuhos ang magkabilang luha sa aking mata.

Luijin Delacroix. 29 years old. Cause of death, Car accident.

Hindi makapaniwalang nandito ang pangalan niya sa card na ito. Kailangan kong iligtas si Luijin. Hindi ko kayang mamatay siya sa ganito. Wala na akong pakealam sa iisipin nila Sue at Al sakin. Wala na akong pakealam. Ang ayoko lang mangyari ngayon ay 'yung mamamatay ang isang taong mahalaga sakin. Ayokong mawala si Luijin sakin. Ayokong kunin siya ng panginoon sakin. Makasarili na kung makasarili pero hindi ko talaga kakayanin kung siya ang mawawala sakin.

Mabilis 'kong binigay kay Sue ang death card na hawak ko. Nagtatakang napatingin siya sakin.

"Teka? Anong problema?" Tanong niya. Hindi ko siya pinansin. Mabilis akong tumalikod at hinubad ang pulseras ko. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ng mga kasama ko.

"Lyk! Anong ginagawa mo?!" Galit na sigaw ni Senior Ry. Hindi ko rin siya pinansin at mabilis akong tumakbo sa kalsada. Nakipag patentero ako sa mga sasakyang dumadaan at ng sa wakas ay nakalapit na rin ako sa kotse ni Luijin.

Mabilis kong kinatok ang salamin ng kaniyang kotse at bigla nalamang 'yung bumukas. Nakita ko ang mukha ni Luijin. Bigla nanlaki ang kaniyang mata ng makita ako.

Sorry sainyo guys, pero kailangan ko talagang iligtas ang lalaking 'to. Hindi ko kakayanin kung mamamatay siya tulad ng nangyari sakin.

"Cherry?!"

Sunod sunod na luha ang bumuhos sa aking mata habang kaharap siya. I really missed this man. I really missed him.

"Luijin, listen! K-Kung saan ka man pupunta ngayon, 'wag ka ng tumuloy." I said firmly.

Kumunot ang kaniyang noo at tatangkaing buksan ang pinto ng kaniyang kotse pero pinigilan ko siya. Hindi ko pwedeng patagalin ang pakikipag usap sakaniya. Ang kailangan ko lang gawin ay iligtas siya sa ngayon. Hindi pa siya pwedeng mamatay.

"B-Bakit?"

"Please! Makinig ka nalang sakin! Simulan mo ng magmaneho at sa ibang direksyon ka dumaan! 'Wag kang dumaan sa direksyon na 'yon." Sabi ko sabay turo sa bandang kanang direksyon. Mas lalong nagkasalubong ang kilay niya.

"Hindi kita maintindihan, Cherry. Ano bang problema?" Naguguluhang tanong niya.

"Just do what I've said! 'Wag ka ng makulit sa sundin mo nalang ako!" Hindi maiwasang pagsigaw ko. Nakita ko ang pagkagulat sakaniyang mata. Sorry, Luijin pero kailangan ko lang talagang gawin 'to para sayo.

"O-Okay. Pero—"

"Tatawagan kita mamaya at sasabihin ko sayo kung anong nangyayari. So please, sundin mo nalang kung anong sinabi ko!" Sambit ko at medyo lumayo sakaniyang kotse. Ilang sandali pa siyang napasulyap sakin bago pinaandar ang kotse at nag U-Turn. Para akong nabunutan ng tinik sakaniyang ginawa. Thank you!

Nailigtas kita, Luijin.

The Girl Grim Reaper (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant