Chapter 41

1K 26 5
                                    

Bagong umaga, bagong simula sa aming lahat, hindi ko inakalang Darating sa buhay ko ang matinding problema, pero ang isang bagay at desisyon na kailanman ay hindi ko pinagsisisihan,

Ay ang nakilala ko si Aaron, at minahal ko ng totoo, na tanging nagpahalaga sakin sa kabila ng ginawa ko sa kanya, marahil kung sa iba ay sasabihing hindi ko deserve ang tulad ni Aaron dahil sa ginamit ko but believe me yun din ang gusto kong iparealize sa sarili ko

At yun din ang bagay na sobra kong pinagsisihan sa buong buhay ko, dala ng revenge nagawa ko yun sa taong hindi deserve na madamay sa gulo

Pero isa lang ang masisiguro ko, yun ay ang mahalin sya habang buhay at iparamdam kung gaano sya ka especial sakin

As usual maaga akong pumasok sa class ko and wonderful surprise, this is my last day dahil matatanggap ko na ang certificate, halong saya at excitement ang nararamdaman ko, bakit? Kasi papasok ako ng matiwasay yung wala ng iniiwasan at kinaiinisan dahil everything's OK

Namiss ko agad si Aaron kaya naman inagahan ko ang pasok, pagdating ko dun nagtaka ako kung bakit....walang tao?, nasaan sila o baka naman nasobra ang aga ko?

Habang hinihintay sila naglibot muna ako sa kitchen, kahit papaano mamimiss ko ito, mga araw na nag uumpisa pa lang ako, sa mga bagay na tinuturo nila sakin, hanggang sa magandang pakikisama nila sakin, at ngayon last day ko na,,

"Alone?" Napalingon ako sa nagsalita, "ikaw pala Aaron" binitawan ko ang hawak ko at pareho kaming lumapit sa isat isa "b-bakit wala pa dito yung mga kasama ko? Napaaga ba ako?" Tanong ko

"Parang" may kakaiba sa ngiti nya, yung ngiting natural na para bang maeenganyo kang nngumiti rin, ngiting namiss ko ng sobra, ngiting huli kong nakita bago masira ang lahat

"Ang ganda ng ngiti mo ngayon ha" puri ko sa kanya at lalong pa nyang nilapadan yun "syempre kasama ko na ang my Queen ko, ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito" sambit nya at halata nang namiss rin nya ng sobra ang ganitong setup namin

"Ngayon natupad na" ngumiti rin ako, lumapit pa sya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko "I hope it'll never end forever" sabay halik sa kamay ko

"Oo naman mahal na mahal kita" sambit ko "mas mahal kita, kaya I'll do anything para lang hindi na tayo magkahiwalay pa" bigla nyang hinwakan ang pisngi ko hanggang gumapang ay kamay nya papunta sa batok ko

"Me too" at unti unting lumapit ang mukha nya sakin hanggang sa 1 inches na lang ang pagitan ng mga labi namin

"Ehem ehem ang tamis naman ng dessert"

"Oo nga ang daming langgam" nagulat ako kaya agad na humiwalay Kay Aaron pero sya, nananatiling kalamado

"Here they are" turo ni Aaron sa mga kasama ko "ang aga mo yata Irene" bungad sakin ng isang chef "o-oo nga eh" nahihiya kong sagot at halos ayoko nang tumingala sa kanila, "OK ngayong nandito na ang lahat, I have an announcement" sambit ni Aaron at pumunta sa unahan

"Today is the last day of training some of you, so congratulations, and syempre hindi mawawala ang celebration right?" Sambit ni Aaron na pumalakpak kasabay din kami

"Yeah" sagot naming lahat "pero sir, saan naman po ang venue?" Tanong ng head chef namin, oo nga noh saan naman ang venue? Paano yun!

"I have a better idea" nakataas pa ang daliri sa ere at parang may light bulb sa ulo "saan po?" Halos sabay sabay naming tanong

"Sa Samonte restaurant" sambit nya na ikinagulat ng lahat syempre number one ako dun "samonte restaurant? Saan po yun?" Tanong ulit ng isa

"Sa resto ni Irene" sagot nya ulit dahilan para magtinginan sila sakin Napa "Ooh" na lang sila "pero ba-bakit sa resto namin? Pwede naman sa iba?" Halos taka ko pa rin "dahil masarap ang pagkain at dessert dun" taas noong sambit nya at Napa "ooh" nanaman sila

Soon you'll be MINE (Completed)Where stories live. Discover now