Chapter 19

847 28 7
                                    

Habang magkasama kami ni Aaron, Panay ang text sakin ni Alex para makipagkita, nagagawa ko lang makipagkita sa kanya right after my work nagdadahilan lang ako para hindi makahalata si Aaron

2 weeks na kaming nagkikita ni Alex since the night na umamin sya sakin

Nagkikita kami malayo sa lugar namin we spent time together sa lugar na walang nakakakilala samin at tanging si cheska lang ang may alam!

"Where you going?" Pigil sakin ni cheska "ah dyan lang" palusot ko

"Dyan lang ba oh si Alex nanaman!" Best friend nya talaga ako dahil kilala nya ako kung nagsisinungaling ako or hindi

"Fine makikipagkita ako Kay Alex!" Napaamin nya ako napahawak sya bigla sa noo nya "Irene naman hindi ka ba naaawa Kay Aaron na habang sya patuloy na minamahal ka, pero ikaw naman ano? Nakikipagkita pa rin Kay Alex"

Sermon nya sakin "but we both know na ito ang plano ko noon ngayon bumalik na si Alex"

"Pero pano si Aaron? Nagmumuka na syang tanga dahil wala syang kaalam alam sa ginagawa niyo"

"Pero-"

"Maganda siguro tell him the truth at makipaghiwalay ka tutal si Alex naman ang mahal mo, wag mo nang patagalin to" suggest nya

Napaisip ako sa sinabe nya pero "hindi ko kaya cheska"

"Either hindi mo kaya dahil natatakot ka na magalit sya or unless gusto mo na rin sya"

Hindi ako nakasagot sa kanya "OMG gusto mo na si Aaron?"

Napahawak pa sya sa bibig "hindi ko alam"

"Tell me nga may kakaiba ka bang nararamdaman kapag kasama mo si Aaron?"

Ano nga ba? Ah "ah kapag kasama ko sya parang nanghihina ako, tapos hindi ko matanggihan kapag nilalambing nya ako, naiinis din ako kapag may mga babaeng nalapit sa kanya? Ewan ko basta yun ang nafefeel ko"

Napahawak ulit sya sa bibig then "beshie in love ka na Kay Aaronnnnn!!!" Sigaw nya na nagtatatalon pa, pinigilan ko agad sya "hindi noh dyan ka na nga inaantay na ako ni alex"

Iniwan ko na sya bago pa man sya makapagsalita, kahit kelan talaga to si cheska!!

Nang makarating na ako sa place namin ni Alex nakita ko agad sya "Alex!" Tawag ko na nilingon naman agad "hi babe" hinalikan nya ako sa pisngi

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko natagalan kasi ako dahil Kay cheska "no sakto lang, saan mo gustong kumain?"

"Kahit saan" inakbayan nya ako at naglakad,

Dinala nya ako sa mamahaling restaurant at nagpareserve, pagkaupo namin, inabutan kami ng menu saka kami umorder,

Pero parang wala akong ganang kumain, what's matter on me?
After 10 minutes esinerve na samin ang order saka kami nagsimulang kumain,

"Parang wala kang gana, hindi ba masarap? Pwede naman tayong-"

"OK lang ako wag mo na lang akong pansinin" nginitian ko sya at nagkibit balikat lang sya saka nagpatuloy sa pagkain

Natapos na syang kumain Pero ang food sa harapan ko almost 1/4 lang ata ang nakain ko

Namasyal na kami kung saan saan pero hindi ko nafefeel na masaya ako, bakit ganon? Diba dapat masaya ako dahil kasama ko na si Alex?

Until nakauwi na ako at hindi talaga maganda ang pakiramdam ko

Pagpasok ko sa kwarto nahiga ako at nag isip,

"Bakit ganito ako ngayon?" Tanong ko sa sarili ko

*bbbrrrzzz* tumunog ang phone ko at hindi ko alam kung bakit pero biglang bumalik ang sigla ko ng makita kong si Aaron ang tumatawag kaya sinagot ko agad

Soon you'll be MINE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon