Chapter 11

908 32 1
                                    

Ilang linggo rin kaming madalas magkita ni Aaron, palagi nya akong pinupuntahan sa bahay kapag wala syang pasok na ipinagtataka ni ate kung bakit si Aaron ang kasama ko instead of Alex.

Nang minsang hindi na nakatiis si ate prinangka na nya ako kaya wala na akong nagawa kundi sabihin Kay ate ang totoo na niloko nanaman ako ni Alex.

Aaminin ko nasampal nya ako dahil sa sama ng loob nya sakin dahil na rin sinuway ko sya at hindi pinaniwalaan pero anong magagawa ko mahal ko si Alex.

At ngayong niloko nya ako hindi ko to palalagpasin I will make sure na pagsisisihan nyang niloko nya ako.

Sa mga lumipas na araw ay hindi ko sinasagot ang text at tawag ni Alex lahat yun iniignore ko gusto Kong sya naman ang maghabol sakin.

Two weeks din ang itinagal bago ako kausapin ni ate at sa bandang huli nagkaayos ulit kami

Nagpunta ako sa restaurant para kausapin si ate about Kay Aaron ang sabe nya wala naman daw problema ang sabe pa nga nya nung minsang nagusap kami na mas bet nya daw si Aaron over Alex pero hindi ko na lang pinansin yun mas pinagtutuunan ko ng pansin ang paghihigati ko Kay Alex.

Alex POV:

Ano bang nangyare sa babaeng yun ni hindi sinasagot ang tawag o text ko nagpapapansin nanaman ba sya? Napaka useless kung ganon.

Nageffort pa ako na kunwari bumabawi ako sa kanya but the truth is pinaglalaruan ko lang sya otherwise umaasa pa rin sya na maayos pa ang lahat sa amin but no.

Stupid girl.

Irene POV:

Everyday kong tinitignan ang Instagram ni alex, talagang nagagawa pa nya ang mga ganitong bagay ang kapal.

Sandaling panahon pa..

"Ate mabuti pa umuwi ka na ako nang bahala dito sa restaurant magpahinga ka na sa bahay" masyado na kasing subsob sa trabaho halos wala na syang time for herself.

Nagbantay ako sa restaurant maghapon, OK naman ang naging sale kaya walang naging problema.

"9:00 pm na pala ah Sheryl magsara na tayo tapos umuwi na rin kayo" utos ko sa staff gabi na rin kasi.

After magsara ng restaurant, nagsialisan na isa isa ang mga staff at nag paalam sakin saka ko inayos ang gamit ko at lumabas na ng restaurant.

Paalis na ako ng "Irene!"
"Gush" hinampas ko sya ng bag ko at nang makita ko kung sino "Aaron?"

"Ako nga bakit mo ba ako hinampas ang sakit ha!" Hinihimas niya ang mga braso at ulo niya "ikaw naman kasi akala ko holdaper bakit kasi lagi mong ginagawa yan!"

"Masaba bang dalawin ka?"

"Eh bakit ka pumunta dito ng ganitong oras?" Pagsusungit ko

"Gusto sana kitang makausap" kumalma ako ano naman kaya ang sasabihin niya

"Tungkol saan ba?"

"Pwede bang dun tayo sa lugar kung saan tayo napunta kapag kailangan natin ng peaceful?"

"O sige mabuti pa nga"

Nag taxi na lang kami para makarating kami agad sa village tutal gabi na sure na wala nang traffic and then at least malapit sa bahay.

Pagdating namin sa place na lagi naming tinatambayan, umupo kami sa swing,

"Oh ano pala ang sasabihin mo" panimula ko "ah Irene may gusto sana akong sabihin sa tingin ko eto na ang perfect time" pa suspicious nyang sabi

"Ah-ano ba yung sa-sabihin mo?" Parang napakaseryoso nya. Tinitigan nya muna ako ng matagal saka sya tumayo sa kinauupuan nya at humarap sakin lumuhod sya para magkapantay kami,

"Irene gu-gusto kita!" Natulala ako sa sinabe nya gusto nya ako? O baka napapraning lang ako!
"A-anong sabi mo?"
"Gusto kita" ito na din yata ang perfect time para sakin, "Aaron sigurado ka ba baka-"
"Sigurado ako" putol nya sa sinabe ko,

"Pwede bang ako na lang ang mahalin mo at wag na si Alex" parang nagmamakaawa sya sa pagmamahal ko.

Hindi na ako nagsalita at niyakap ko sya "salamat Aaron" yun lang ang nasabi ko hindi ko alam kung tama bang gawin ko to napakabait na tao ni Aaron para gawin ko to sa kanya sa totoo lang hindi nya deserved ang tulad ko patawad Aaron pero kailangan Kong gawin to.

"Maraming salamat Irene hindi mo alam kung gaano ako nagtiyagang itago ang nararamdaman ko sayo ngayon napakasaya ko dahil hindi mo ako binusted, pangako hinding hindi ka magsisisi na minahal mo ako, mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko" tapos hinalikan niya ako sa noo.

Ayoko sanang paasahin ka..

Sobrang saya ang nadarama ni Aaron sa pagconfess niya ng feelings sakin at ayokong sirain yun sa ngayon dahil hindi deserved ni Aaron ang masaktan tanging si Alex lang.

Matapos ng mahaba habang pagsasama namin ni Aaron sa playground inihatid na nya ako sa bahay at bago sya umalis humarap sya sakin at hinawakan nya ang dalawang kamay ko at hinalikan nya

"Irene napakaswerte ko sayo" sabi nya at inilagay nya ang kamay ko sa dibdib nya nananatili lang akong nakatitig sa kanya

"Ikaw at ikaw lang ang laman ng puso ko kailanman ay hinding hindi ako magtataksil sayo" hinalikan nya ulit ang kamay ko saka hinalikan din sa noo "pumasok ka na sa loob at magpahinga goodnight"

"Goodnight" nagpaalam na kami sa isat isa at pumasok na ako sa loob.

Humiga ako sa kama at napabuntong hininga ako hindi kasama sa plano ko ang gamitin si Aaron dahil ibang lalaki sana ang gagamitin ko kaso dumating si Aaron sobra akong nagiguilty sana matapos agad ang revenge at pagkatapos palalayain ko na si Aaron,at hihingi ng tawad na sana ay mapatawad pa nya ako.

Sa ngayon no choice ako kundi gawin ang lahat ng ito, matatapos din to matatapos din.






(Hi readers sa tingin nyo  masama na ba si irene sa chapter na to? Or si Alex? At ano ang masasabi niyo Kay Aaron?

Tumitindi na ang conflict between them goodluck!)

Soon you'll be MINE (Completed)Where stories live. Discover now