Chapter 25

778 28 9
                                    

Pregnant?

Aaron's POV:

"Aghhhm" ang sakin ng ulo ko, siguro dahil sa marami akong nainom kagabe dahan dahan akong tumayo ng maramdaman ko ang nakabalot sakin

Kumot? At bakit wala akong damit? Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ko ang mahimbing na natutulog na si jean? Top less din sya

Teka! Nasaan ba ako? Nilibot ko ang tingin ko

"Jean gumising ka" sinubukan ko syang alugin "mm" yun lang ang sinagot nya inalog ko ulit sya "jean gumising ka" napalakas na ang boses ko dahil naguguluhan ako sa nangyayare maling mali toh

Tumayo na sya na parang nagulat din "bakit ako nandito bakit pareho tayong walang suot? May nangyare ba satin?" Sunod Sunod kong tanong alam kong nag away kami ni Irene pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magtaksil din sa kanya!

"Hindi mo ba naaalala ang nangyare?" Habang inaayos ang nakatapis sa kanya

"Bakit ako nandito anung lugar to?" Inis kong tanong tumayo na ako at magbibihis ng bigla nya akong pigilan

"May nangyare satin kagabe, dinala muna kita dito sa hotel dahil sobrang bagsak ka na, tapos bigla mo na lang akong hinalikan at.....at nangyare to!"

Sambit nya at niyakap ako Pero agad ko rin syang inilayo sakin "ano? Alam mong girlfriend ko si Irene pero hinayaan mo to?"

"Niloko ka nya isn't enough para hindi mo sya hiwalayan-"

"Pero mali to maling mali-"

"Gusto kita Aaron,.....gusto kita matagal na" umiyak sya bigla napahawak na lang ako sa mukha ko sa sobrang inis

"Best friend kita, at hanggang dun lang yun, hindi mo dapat hinayaang nangyare satin to-"

"Ano bang meron si Irene na wala ako?"

Yumakap parin sya "hindi ko alam, sa ngayon pabayaan niyo muna ako" hindi ko na sya hinayaang magsalita pa at agad na akong umalis

Mali ang nangyare to samin, parang wala na rin akong pinagkaiba Kay Irene kung nagtaksil din ako, sa ngayon uuwi muna ako sa bahay alam kong nag aalala na sakin si mama at ang kapatid ko dahil hindi ako nakauwi kagabe..

"Ma?" Tawag ko pagpasok ko sa bahay pero "Aaron" tawag sakin ni Irene, bigla syang lumapit at niyakap ako, lumayo agad ako sa kanya, sariwa pa sakin ang mga nangyare kahapon.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang gana kong tanong
"Please Aaron mag usap naman tayo-"

"Wala tayong dapat pag usapan umalis ka na"

"Aaron naman subukan mo naman akong pakinggan"

"Anak anong nangyayare dito? Nag away ba kayo ni Irene?" Sambit ni mama na lumabas sa kwarto

"Please Irene umalis ka na" hindi ko man gustong taasan sya ng boses pero kailangan,
"Kung yan ang gusto mo, sige pero hindi pa rin ako titigil hanggat hindi kita nakakausap" yun lang at umalis syang umiiyak saka ko hinarap si mama

"Wala po yun mama, magpapahinga muna ako"

"Alam kong may problema kayo ni Irene, kaya sabihin mo sakin ano yun?" Pinilit ako ni mama na sabihin ang totoo, kaya bigla na lang tumulo ang luha ko at lumapit sakin si mama para yakapin ako

"Tahan na anak nandito lang si mama, sabihin mo sakin kung anung pinag aawayan niyo ni Irene" tuloy pa rin sya sa paghagod ng likod ko,

Sandali akong humiwalay at humarap sa kanya...

"M-mama a-ang s-sakit ang sakit ng ginawa nya sakin" sobrang bigat ng nararamdaman ko "niloko lang ako ni Irene, ginamit nya lang ako, a-ano bang Mali sakin? Dahil ba mahirap lang ako? Dahil ba hindi ko kayang i-ibigay ang kayang ibigay sa kanya ng gagong Alex na yun ano?"

Soon you'll be MINE (Completed)Where stories live. Discover now