Chapter 37

870 21 6
                                    

Continuation of party...

Pinili ko na lang lumabas ng banyo, sa hindi ko malamang kadahilanan, nakita ko si Aaron di kalayuan sa pinipwestuhan namin, katabi nya si jean ang kapal talaga...

"Oh anong nangyare sa mukha mo? Bakit ka nakasimangot, nag banyo ka lang pagbalik mo ganyan na?" Gulat ni ate, umupo ako sa tabi nya at uminom ng tubig

"Wala lang ito ate may nasalubong lang ako na impakta" inis kong sagot, na pati sila Alex at cheska nagtinginan sa isat isa na may halong pagtataka

"Sinong impakta naman ang sinasabe mo?" Halos pagpipigil na tawa ni Alex, dahil ayoko sumagot tinuro ko na lang yung nasa likuran nya gamit ang nguso ko, kaagad naman nyang nilingon yun at saka binalik ang tingin sakin

"M-may nasabi na ba sya sayo o ano?" Paguutal nyang tanong, "its a non sense" bored kong sagot nagkibit balikat na lang sya at tumahimik...

"Good evening to all of you, welcome to my party" panimula nung nagsasalita, kaya natuon ang attention naming lahat,
Nagkaroon pa ng mahaba habang usapan until nagkaroon ng sayawan sa may gitna kung saan malaki ang space at mukhang dance floor ang tawag wala ako sa mood para sa mga ganung sayawan

"Tara sayaw tayo Irene" aya sakin ni Alex pero tanging pag iling lang ang isinagot ko kaso nakatayo pa rin sya sa harapan ko.."Alex si cheska na lang ang isayaw mo wala ako sa mood" pilit kong ngiti "sige na bhest ikaw muna kain muna ako ang sarap ng food dito eh" sambit ni cheska bago sumubo

"Ayoko nga bhest" mas gusto kong manuod na lang pero... "No one can escape me" at bigla na lang akong hinawakan ni Alex sa wrist ko at hinila ako sa gitna ng dance floor, dahil sa ginawa nya hindi na ako nakatanggi pa "I said-"

"We already here" putol nya sa sinabi ko at ngumiti "it's just a once OK kaya smile na" pagpipilit nya kaya napangiti na lang ako sa sinabe nya,

Kahit na minsan na nya akong sinaktan, eto sya ngayon at bawing bawi sakin, nakita ko ulit ang Alex na nakilala ko nuon at mukhang nahigitan pa nya yun..

"Pasalamat ka at kaibigan kita kung hindi-"

"What?" Putol nya

"Never mind" nagsimula na kaming sumayaw, maganda naman sa pandinig ang music, nakakarelax may Ilang minuto din kaming sumayaw ni Alex until may nagsalita na "Change partner" dahil sa hindi ako aware bigla na lang akong inikot ni Alex at binitawan ang kamay ko, unexpected na lumanding ang kamay ko sa isang lalaking bigla kong nakaharap,

At bigla na lang nyang ipinulupot ang kaliwang braso nya sa bewang ko na syang ikinagulat ko, tinignan ko sa likod si Alex  pero wala na sya at nakabalik na sa pwesto namin, what the meaning is that, expected ko na magsasapakan sila dahil sa past namin but nothing happen?

"Hindi ka pa rin nagbabago ang ganda mo parin" sambit nya at nakangiti "stop being nice Aaron" pagpipigil ko gustuhin ko na sanang umalis pero hinigpitan pa nya lalo ang hawak nya sa bewang ko, ayoko namang mag iskandalo sa ganitong event

"Hindi na ba talaga magbabago ang Turing mo sakin?" Biglang lumungkot ang mata nya pero hindi ako nagpatinag "tama na pwede bang tigilan mo na ako lalo mo lang pinalalala ang sitwasyon-"

"Sitwasyon? Do you think na ginagawa ko yun?"

"Oo ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nakikipagsayaw ka sakin habang kasama mo si jean?"

"Why don't you try listen to me?, may explanation?" May halong inis na ang tono nya

"No need, ever!" Hindi ko na sya hinayaang magsalita pa at pilit akong kumawala sa pagkakahawak nya, hindi ko na nagawang magpaalam kela ate at dumiretao na ako sa labas kung saan wala nang tao

Soon you'll be MINE (Completed)Where stories live. Discover now