#Chapter01

5.6K 73 0
                                    

"Mr. Zyryl."

"Po?" napatayo ako bigla ng tinawag ako ng senior ko dalawa lang ibig sabihin pag tatawagin ako..

May nagawa akong mali at papagalitan ako o May iuutos na naman

"Pumunta ka ngayon na sa Diamond Corporation." malumay niyang sagot..

"Bakit?"

"May ninakaw na namang item." buntong hininga niya pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyon

"Wala ng bago di ba napapagod ang Red Riding Hood na yun kakanakaw?" bulong niya sa sarili niya pero naririnig ko naman. Nag bow ako at umalis sa quarter

"Red Riding Hood pag nahuli kita sisiguradohin kong di ka na makakalabas ng kulongan"

Masyado na akong puyat dahil sa sunod sunod niyang pag nakaw ng mga item na sobrang mamahalin nag hahalagang bilyon bilyon pa yung ninanakaw.

Bumaba ako ng kotse ng nasa harap na ako ng nasabing lugar ng senior ko.

May nakita akong mga media galing sa mga iba't ibang entertainment, bakit ba ang bilis nilang makahagilap ng balita? tsk! talagang mas nauna pa sila ah kaysa sa mga inbistigador at mga pulis iba din! napailing nalang ako.

Sumali ako sa kumpulan nila dahil nasa harap sila ng main entrance ng lugar, nakisiksik ako papunta sa harap ng biglang may humarang sakin na pulis kaya pinakita ko sakanya yung ID ko at pinapasok naman ako.

Ng malapit na ako sa opisina ng nag mamay ari ng lugar naririnig ko yung sigaw niya, kumatok nalang ako at pumasok

"Good Morning Mr. President I'm Zyryl Hilgen investigator of NBI" sabay pakita sa ID ko.

"Tsk anong maganda sa umaga nawawala yung Vase na pinakaiingatan ko" Napahagod yung kamay niya sa mukha niya.

"Inimbistigahan ka na po ba ng mga andito?" nilibot ko yung paningin ko nakita ko yung mga kapwa ko inbistigador na may sariling mundo kakahanap ng naiwang ebidensya ng nagnakaw dito.

Tumango naman yung nag mamay ari ng lugar.

"San po ba makikita dito ang CCTV records?"

"Sumunod ka."

Nauna siyang lumabas sa kwartong to kaya naman sumunod ako.

Kailan ba kita mahahanap Red Riding Hood! masyado mo ng ginugulo yung utak ko alam mo ba yun?!

Wala na akong tulog simula nung nag hasik ka ng masamang hangin dito sa Pilipinas!

"Andito na tayo."

Napabalik nalang ako sa reyalidad ng mag salita si Mr. President, nilibot ko yung paningin ko maraming sceen akong nakita

"Asan ang nagbabantay dito?"

"Sabi niya nakatulog daw siya nung oras na yun." napailing nalang ako sa narinig ko nananadya talaga siya huh!

"Pwede ko bang makuha yung copy?"

"Sige pero siguradohin niyong maibalik sakin yung ninakaw ng taong yun." bigla nalang siyang umalis sa kwartong san niya ako dinala

Nilabas ko yung usb ko at isinaksak ko yun sa pc at kinopy lahat ng record kahapon.

Ng matapos itong makopy kinuha ko at lumabas na ng kwartong iyon.

May dumaang kapwa ko inbistigador nilapitan ko agad siya

"May Balita ba?"

"Isang ebidensya lang ang nakita."

"Ano yun?"

"Ito" ipinakita niya yung naka zipper bag na naglalaman ng tulad ng dati. Lage siyang may iniiwang ebidensya pero yun lang cookie note kung tawagin dahil sa desenyo nitong cookie na papel at may note niya don.

"Tulad ng dati?" tumango yung kausap ko kinuha ko sakanya yung ebidensya

"Ako na hahawak." tumango siya at umalis na bumuntong hininga nalang ako at umalis sa lugar na yun at bumalik sa opisina.

Nilatag ko yung bagong ebidensyang nakuha, tinignan ko yung note

'Hi! A Contracted Thief steal the contracted million thing. -Red Riding Hood'

Contracted

Contracted

"Contracted " bulong ko

"Contracted" paulit kong bulong

huminga ako ng malalim so ibig sabihin non napag utosan lang siya?

"Pinagsasabi mo?"

"Huh" nilingon ko agad yung boses yung kasamahan ko lang pala

"Wala wala" bumalik ako pagharap sa table ko.

Nilabas ko yung mga nauna niyang mga naiwan, huminga ako ng malalim at itinago yung lahat ebidensya.

"Aalis muna ako."

"San ka pupunta?"

"Papahinga.." tumayo ako at lumabas ng opisina namin.

Masyadong drain yung enerhiya ko dahil wala pa akong tulog. Masyado talagang sinisira ang bait ko nitong taong to..

Pumasok na ako ng kotse at umalis sa lugar na iyon.

-

Alice POV

Napadilat ko ng dahan dahan yung dalawang maganda kong mga mata dahil sa sinag ng araw galing sa bintana ko at sa naririnig kong ring ng cellphone ko

"Ayst!" Bumangon ako bigla sabay gulo sa buhok kong magulo na at nilingon na sabay tingin ng masama sa side table ko kung saan nandon ang cellphone ko..

Kinuha ko yun na may masamang damdamin sarap na sarap na yung tulog tapos didisturbohin lang ako?!

Sinagot ko yung tawag, at pinindot yung loudspeaker.

Bumangon na ako at simulang mag ligpit ng kumot ko at kung ano ano pa na nasa kama.

"Oh!"

"Alam mo bang masyado ng magulo ngayon ang opisina ng NBI?"

"Oh paki ko sakanila?"

"Alam kong wala kang paki, nagkagulo lang naman sila ng dahil kay Red Riding Hood Ms. Alice in the Wonderland uhm.."

"Tsk."

"500 Million para sa 100,000 Billion funny right?"

"Tsk shut up Ms. Nerd!" kinuha ko yung cellphone ko at binaba yung tawag.

Humiga ulit ako at nakipag paligsahan ng tutokan sa kisami.

Masyadong mahaba ang gabi ko at sobrang inis ko din sa nalaman ko pag ako talaga mainis sisipain ko talaga lahat ng taong makikita ko.

Kahit maliit lang to yung binti ko matigas din to eh no!

Bumangon nalang ulit ako sa sobrang inis, pumasok ng cr at naligo.

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now