Special Chapter

122K 3.1K 442
                                    

Busy ako sa pagbabake ng cookies at paghahanda ng mirienda. Pabalik balik ang mga kasambahay para tulungan ako sa paglalabas ng mga inihanda kong pagkain para sa mga bata at sa tutor nila. Pinagaaral kasi sila ni Alec para matuto silang mag salita ng Spanish language.

Halos nasa spain kasi ang mga bussiness nila kaya naman hindi impossibleng kailanganin din nilang matutuhan ang lahat ng iyon.

Rinig na rinig ko ang sabay sabay nilang pagsunod sa salita ng kanilang tutor. Tatlong taong gulang na ang mga ito at kitang kita kong matatalino talaga sila. Manang mana kay Alec, pati na din ang paguugali.

"Good afternoon" nakangiting sambit sa kanila ng kanilang Teacher Sue.

May kanya kanya mga ginagawa ay sabay sabay pa din silang sumagot dito.

"Buenas tardes" sambit ng mga ito kahit paminsan minsan ay nabubulol pa.

Napangiti ako dahil sobrang cute talaga nilang apat. "Piero...Buenas tardes" pakuha nito ng pansin sa pinakamakulit at pilyo sa kanilang apat.

Nakangiting umiling ito at napahagikgik pa. "No! I dont like it!" Pangaasar nito sa kanilang teacher kaya naman napasapo na lamang ako sa aking noo.

"Piero, just do it!" Panghihikayat ni Tadeo sa kanya.

"Bad bad bad!" Sabi ni Cairo sabay turo sa kapatid.

Kaagad na napatawa si Kenzo sabay turo sa kanilang teacher Sue. "Teacher teacher!" Pagtawag ni Kenzo dito na parang nangaasar pa.

"Don't want" nakasimangot na sambit ni Piero at tsaka tumalikod sa mga kapatid kaya naman kaagad niya akong nakita at mabilis na nagliwanag ang kanyang mga mata.

"Mommy!" Tawag niya sa akin, ngiting ngiti.

"Good afternoon po, Mrs. Herrer" bati sa akin ng tutor nila kaya naman kaagad ko siyang nginitian.

"Magmirienda muna kayo, pasensya ka na kay Piero medyo makulit talaga at matigas ang ulo" nahihiyang sabi oo dito pero nginitian niya lamang ako.

"Naku, wala po iyon may mga ganyang bata talaga pero wag po kayong magalala matututo si Piero kagaya ng mga kapatid niya" paninigurado nito sa akin na kaagad ko namang nginitian.

"Amor!" Tawag na turo sa akin ni Kenzo.

He sometimes call me love. Naririnig niya kasi sa Daddy niya, sa kanilang apat. Si Kenzo ang pinakaobservant, lalong lalo na sa mga kinikilos, ginagawa at sinasabi ni Alec. He really admires his Dad. Kita ko at ramdam ko iyon.

Napatawa tuloy ako. "Kanina pa niya tinatanong sa akin kung paano sabi ang salitang love sa spanish" nakangiting kwento sa akin ng kanilang tutor kaya naman mas lalong lumaki ang aking ngiti.

Nagpaalam na ako sa kanila dahil hindi titigil ang mga iyon kaka-Mommy hangga't nakikita nila ako. Lalo na si Piero na hanggang ngayon ay nagpapababy pa din sa akin. Lahat naman sila ay ganuon pero si Piero ang pinakagustong nilalambing siya palagi.

"Ma'm Brenda may naghahanap po sa inyo" salubong sa akin ng isa sa aming mga kasambahay kaya naman kaagad akong nagtungo sa may gate.

Napakunot ang aking noo ng mamukhaan ko siya. "Ate Eva?" Tawag ko dito, walang pagdadalawang isip kong binuksan ang gate namin.

"Brenda..." tawag niya sabay yakap sa akin na ikinagulat ko.

Nakiramdam muna ako, pero ng maramdaman kong totoo iyon ay ginantihan ko din naman siya. Umiiyak ito at nanghihina.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang