Chapter 36

64K 1.9K 277
                                    

Hindi ako nakapagsalita, nanatili lamang ang panlulumo ko sa kanyang harapan. Halos gusto kong matumba dahil sa matinding panghihina dahil sa mga salitang lumabas sa kanyang labi.

"It's not what you think, Maria...hindi ako ang ama" pahabol niya pero sa hindi ko malamang dahilan ay wala akong naramdaman.

I didn't even feel a bit of relief. Maybe my emotions have done too much that it caused me dumb. "She...she just need me, kasi natatakot siya na pagbumalik siya kay Tristan ay baka saktan siya nito" paliwanag niya sa akin.

Unti unting tumulo ang luha mula sa aking mga mata ng hindi ko namamalayan. Kasabay ng pagkamanhid ng aking buong katawan ay ang paginit ng gilid ng aking mga mata.

"Alec are you really sure about me?" Pumiyok nang tanong ko sa kanya.

He just stared at me. "Are you really sure that you want me for the rest of your life?" Tanong ko pa pero hindi niya pa din ako sinagot.

His response won't matter to me anyway, cause I feel na kahit anong sabihin ni Alec ay hindi ko paniniwalaan unless he'll answer the opposite one.

Ang bugso ng aking damdamin ay hindi ko na kontrolado. Naguumapaw na ito na para bang sasabog na lamang siya bigla. "Can you ask me the same question?" Pakiusap ko sa kanya pero mas lalo lamang nanlumo ang kanyang mga mata.

Umiling siya matapos na mapapikit ng mariin. "Don't do this to me Brenda..." pakiusap niya na para bang kasalanan ko pa.

"Do what?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita, nanatili siyang nakatitig sa akin. "I'm not sure about you..." diretsahang sabi ko sa kanya na ikinabagsak ng kanyang balikat.

Hahawakan sana niya ako pero mabilis akong umiwas. "If you can't let Ate eva go...then let me" tuloy tuloy na sabi ko sa kanya.

Looks like his tounge was cut or he just lost words dahil na din siguro sa pagkabigla sa mga sinasabi ko.

"Can you let me go, Alec...please?" Umiiyak na sabi ko sa kanya.

"No" madiing sagot niya sa akin kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"I'm not asking you, I'm begging you to please let me go..." pakiusap ko sa kanya.

"Babayaran ko lahat ng kinuha ko sayo, lahat ng ninakaw namin ng pamilya ko pero please spare myself...ito na lang ang meron ako" umiiyak na pakiusap ko sa kanya pero mabilis lamang ako nitong hinila at tsaka mahigpit na niyakap.

"I don't want to...mahal kita Maria, mahal kita" seryosong sabi niya sa akin kasabay ng mahihigpit na yakap.

Inilingan ko siya. "Ayoko na..." sambit ko na naging dahilan kung bakit lumuwag ang kanyang pagkakayakap sa akin dahil marahil sa kanyang panghihina.

"We're married Maria, this is just a challenge to our marriage" pagpapaintindi niya sa akin.

Inilingan ko siya. "Daddy is right...I'm too young to be married, hindi ako ang para sayo Alec, hindi ako" sabi ko sa kanya bago ko inilayo ang sarili ko sa kanya.

Dahil sa panghihina ay napaupo na lamang si Alec sa sahig bago ko naisara ang pinto sa aming kwarto. I already made a decision. I want myself back, I don't want to be married anymore.

"Bumalik ka na nga lang kay Alec!" Inis na sigaw ni Chatterley sa akin. Ngayon lang siya nagalit ng ganito sa akin. She was always the understanding one, pero mukhang I hit her limit.

"One week ka na dito, pero pinapatay mo naman ang sarili mo. Ang lakas ng loob mong maghamon ng hiwalayan kay Alec hindi mo naman pala kaya!" Galit na sabi niya sa akin pero ang lahat ng iyon ay pumasok at lumabas lamang sa magkabilang tenga ko.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Where stories live. Discover now