An Unexpected Adventure

Comenzar desde el principio
                                    

 

Kaya naman as soon as nakalabas na si Diwata sa banyo, sinalisihan ko na…

Pero wala.. hangin lang talaga. Dala siguro ng kaba ‘yung feeling na natatae ka pero ‘pag nasa banyo ka na, wala naman pala.

“O? Nakatae ka na?” tanong niya nang makalabas ako.

Kumunot ang ilong ko. “Ayos lang. Parang kambing lang.”

“Tang-ina, Ate. Nai-imagine ko,” tumatawang komento niya. “Eto ang hirap ‘pag writer ka eh, hahahaha.”

At ‘yun na nga, umalis na kami. Nagpaalam ako kay boypren na hindi muna ako mag-a-attend ng Body Combat training dahil mahalagang makabili kami ng Miss Astig Season 1 Book 1 sa araw na inilabas ito sa Precious Pages stalls. Tinanong lang niya kung anong oras ako uuwi, edi sabi ko mga alas-nueve ng gabi. Tumango siya at gumora na kami.

“Anong sasakyan natin?” tanong ko kay Diwata habang pababa kami.

Taxi nalang, Ate.”

Nagulat talaga ako! Kasi si Diwata ang tipo ng taong last option talaga ang taxi. Ibig sabihin, sobrang eksaytment siguro niya! Kaya na-excite na rin ako nang tuluyan, hahaha. Pero actually, kanina pa ako nae-eksayt. O baka mas transparent lang talaga ako sa mga emotions kong wala nang pagsisidlan kaya mukhang ako ang mas excited hahaha..

Tapos habang nasa biyahe papuntang SM North, kapalitan niya ng comment si Bel na siyang espiya (espiya talaga?) namin kung saan pang mas malapit na Precious Pages Store ang may naka-display nang libro ng Miss Astig. Nakakatawa diba? Susugod kami sa laban na hindi naman alam kung saan magaganap, hahaha.

At dahil natagalan ako sa comment-comment, tinawagan nalang namin si Bel na nasa duty pa. Ang kapal ng mga feslak namin, ginambala talaga namin siya para tanungin kung saan meron dahil apparently, WALA PA sa Precious Pages sa SM North. Eto namang si Bel, ayaw sabihin kung paano namin mako-kontak ‘yung mga stores. Isa pang nakakatawa… kami yung LIB authors, tas kami yung hindi nakakaalam kung paano tumawag sa mga branches, hahahaha.

Tinanong namin kung meron na ba sa Fisher Mall dahil ‘yun ang pinakamalapit sa LIB Office at Warehouse. Kasi naman! Sa Ortigas pa kami galing… tas dadayo pa kami sa FARview para sa libro? Edi siyempre mas gusto namin kung mas malapit diba?

Pero sa kasamaang-palad, wala raw doon, huhu. No choice talaga. Sa SM Fairview ang bagsak namin. Ang mahirap pa, hindi raw pwede doon si Kuyang Taxi Driver! Kaya nagpababa kami sa Philcoa.

Tapos, ni-confirm pa namin kay Bel kung pwede na bang bumili sa SM Fairview. Siyempre gusto naming makasigurong meron na dun ‘no! Baka naman mamaya dinayo pa namin ang dulo ng kabihasnan tas wala pa rin kaming mapapala!

Medyo natagalan mag-reply si Bel dahil kumakain pala, paumanhin naman sa kanya, hahahaha. Kaya habang naghihintay, napagkasunduan naming pumunta nalang sa UP para kunan ng larawan ang makasaysayang (makasaysayan talaga?) puno ng Akasya ng Team MaLou. Para naman may napala kami sa pagdayo namin sa Norte.

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora