Page 23

6.3K 130 65
                                    

Kurt's P.O.V

Masakit pala ang ireject ka ng taong mahal mo, yung feeling na parang ayaw mo nang mabuhay, kasi siya ang tinuturing mong buhay mo.

Minsan lang ako mag mahal ng todo todo kaso dipa kayang suklian ng taong mahal ko, Kaya eto ako tinatanggap nalang ang katotohanan na wala talaga akong pag asa kay mark.

Andito ako ngayon sa gymnasium. Pumasok nako sa school, ayoko naman kasing maapektuhan ang pag aaral ko dahil sa nangyare, syempre ayoko din naman madissapoint ang parents ko, lalo na si mark.

Kasama ko ngayun si alex, drew at vince, kakatapos lang ng praktis namen ng basketball, yeah kasali nakami ni alex sa team dahil nakuha kaming dalawa nung try out.

"Oh pre, siguro naman ay sasabihin mo na samen ang dahilan kung bakit dika pumasok kahapon Tsaka yung dimo pag rereply sa mga txt namen? dika naman ganyan diba?" si drew. nako wala talaga akong kawala sa mga  ugok nato, kanina pa kasi nila ako kinukulit kung ano daw ba ang nangyare saken kahapon.

ayoko nama sabihin ang totoong dahilan.

"Masama kase pakiramdam ko kahapon mga pre, pasensya naman kung namiss nyo agad ang gwapo nyong kaibigan" pabiro ko nalang sagot sa kanila.

"Ulul! ikaw magkaka sakit? eh para ngang dika na tinatablan ng sakit dyan sa katawan mo eh" si vince.

tsk. di talaga yata ako makaka lusot sa mga to. sarap nilang pag uumpugin.

"Oh baka naman nabasted ka pre ng nililigawan mo? hahaha" si alex

"Di ah. tsaka wala naman akong nililigawan ngayun, tsaka kung meron man edi sana alam niyo dahil diko naman ugaling di mag sabi sa inyo diba?" sagot ko naman. totoo naman un eh, pag dating sa chicks ay wala kaming lihiman, ngayun lang talaga.

Sumang ayon naman sila sa sagot ko at dina nangulit pa ang tatlo.

Okay naman kami ni mark ngayun, medyo naiilang pako pag kaharap ko siya, syempre di naman ganun kabilis ang mag move on sa nararamdaman ko sa kanya pero pipilitin ko, ayoko kasing mwala siya bilang kaibigan ko, okay nako dun atleast nakaka sama ko pa din siya.

Alam ko naman ang dahilan kung bakit di niya ako kayang pag bigyan, dahil may gusto siyang iba, halata naman sa mga titig niya kay alex pag magkaka sama kame. Wala naman akong magagawa dun kasi kaibigan ko din si alex, ayokong magka sira sira kaming lahat.

Diko nga alam kung napapansin ni alex na may gusto si mark sa kanya. Parang manhid din ang mokong na yun. Hayy sana ako nalang siya para maramdaman ko rin na mahal ako ng taong mahal ko.

Siguro makaka hanap din ako ng taong mamahalin ako, dipa siguro ngayon pero alam ko darating din yun.

"Oh sige mga pre una nako ha? kita kits nalang bukas!"  pagpapa alam ko sa kanila at dumirecho nakong umuwi.

Nadatnan ko naman si mama sa kusina na nag luluto, si papa? wala nasa trabaho yun, gabi nalang yun umuuwi, may pagka workaholic kasi yun eh.

"Hm ang sarap naman nyang niluluto mo ma" bungad ko kay mama at hinalikan ko sya sa pisnge.

"Oh andyan kana pala, buti naman at okay kana anak, malapit nang maluto to, mag bihis ka muna at pagkatapos mo ay kumaen kana" si mama.

Umakyat nako ng kwarto ko, pagkapasok ko ay malinis na ang kwarto ko, ang kalat kalat kasi kahapon nito eh, siguro nilinis ni mama.

Pagkatapos kong mag bihis ay pumunta na ulit ako sa kusina at nadatnan ko si mama na nag hapag na ng pagkain.

"Oh maupo kana dito at nang makakaen kana,"

umupo nako at sabay na kameng kumaen ni mama.

"Ano ba ang nangyare sa iyong bata ka kahapon at nag kulung ka ng buong araw sa kwarto mo ng di kumakaen? kung may problema ka anak, wag kang mahihiyang mag sabe sa aken, mama moko, handa akong makinig at tulungan ka kasi anak kita"  sabi ni mama.

"ma kung sabihin ko ba sa iyo na bakla ako, di kayo magagalet?"  panimula ko kay mama na tinitignan ang mgiging reaksyon nya.

base naman sa kanya ay normal lang ang mukha nya, walang galit ang makikita sa mukha niya sa sinabi ko.

"anak, wala namang problema samin ng papa kung ano ka man, anak ka namin at mahal ka namin kaya kahit ano ka man at kung saan ka masaya ay tatanggapin ka namin, iyon ba ang problema mo anak kaya nagkulung ka sa kwarto mo khapon anak" si mama

"Hindi po ma, nagtapat po kasi ako sa taong gusto ko na mahal ko siya, kaso sabi niya hanggang kaibigan lang daw po ang maibibigay niya saken" pagkasabi ko nun ay lumungkot ako bigla at hinawakan ni mama ang kamay ko.

"si Mark ba anak?" si mama

nabigla naman ako sa sinabi ni mama, wala naman akong nabanggit sa kanya na may gusto ako kay kay mark pero bakit alam nya?

"so tama nga ako, nagtataka ka siguro kung pano ko nalaman na may gusto ka sa batang yun? anak kita, syempre bawat galaw mo ay alam ko, nakikita ko kung pano mo tignan at asikasuhin ang batang yun kaya alam kong mahal mo siya, mabait naman yung batang yun kaya dina ako mag tataka kung bakit nagustuhan mo siya." si mama

"Pero mama, wala naman akong pag asa sa kanya"  malungkot kong sabi.

"Anak, masakit talagang malaman na hindi kayang suklian ang pag mamahal mo sa kanya, pero minsan kailangan nating tanggapin na hanggang dun nalang, Alam kong mahirap pero kayanin mo, alam kong malakas ka, tsaka marami pa dyan anak, malay mo bukas makalawa makilala mona talaga ang taong para sayo" si mama

Niyakap ako ni mama at niyakap ko naman siya ng mahigpit, masaya nako kahit di man ako kayang mahalin ng taong mahal ko, andyan naman ang pamilya ko na di ako iiwan at andyan lang kahit anung mangyare.

Pagkatapos naming mag usap ni mama ay pumanhik nako sa kwarto ko para makapag pahinga.

-----

Thanks for reading!

I love you guys!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You and I both (boyxboy)Where stories live. Discover now