PAGE 4

10.7K 263 10
                                    

GUYS! I NEED MORE READS AND VOTES! PAGBIGYAN NIYO NAMAN AKO OH, PLEASE? PLEASE? PLEASE? :) I LOVE YOU GUYS!

-------

MARK'S P.O.V.

Hays! umaga na naman! tsk tinatamad pa akong bumangon eh,  napagod kasi ako ng sobra kahapon dahil sa kumag na lalaking yun eh. Hm kamusta na kaya siya? sana magkita kami ulet para makita ulet ang gwapo niyang mukha na hindi nakaka sawang tignan, hays umiiral na nman ang pagka maharot ko tsk. erase! erase!. Nako makaligo na nga at baka ma late pa ako sa pasok ko. Ilang sandali lang ay nakaligo na din ako at naka bihis then lumabas nako ng kwarto ko. ''oh anak mag almusal kana dito, baka gabihin pala ako ng uwi mamaya ha? birthday kasi nung bestfriend ko nung college eh, parang reunion na din namen yun kaya mag lock ka nalang ng pinto, mag dadala nalang ako ng susi para hindi na kita gisingin mamaya'', ''sige ma'' tugon ko.

Pagkatapos kong kumaen ay nagpaalam nakong pumasok,  kinuha ko ang cellphone ko, itetext ko sana si Cloe, itatanong ko kung nasa school naba siya pero nakita ko sa messages ko na tinext pala niya ako na di daw siya makakapasok ngayun kasi may pupuntahan daw sila ng parents niya. Hindi lang naman si Cloe ang kaibigan ko sa school eh, may iba rin akong kaibigan sa klase namen pero mas close lang talaga kame ni Cloe kasi nga BFF ko siya. Naalala ko pa nga nung 1st day of Classes namen nung hindi pa kame magkakilala eh nagpapa cute siya saken, halatang crush niya ako hahaha! pero nung nalaman niyang paminta din ako eh inaapproach na niya ako tapos yun naging close na nga kameng magkaibigan.

Agad naman akong nakarating sa school tapos dimirecho naman ako sa Room 201. Psycology ulet ang 1st subject namen ngayun kaya discussion lang ang gagawin namen sa araw na to. Pagkapasok ko sa room ay umupo na agad ako, tinabihan naman ako ni jen, isa sa mga kaibigan ko dito sa klase. ''Ui teh, may chika ako sayo'', alam kong tungkol sa lalake nanaman tong sasabihin niya saken, may pagka malandi din kasi tong si jen eh, madami na din siyang naging boyfriend, hindi ku nga alam kung virgin pa tong babaeng to e hahaha!. '' oh ano? lalake na na naman ba yan? naku ke aga aga lalaki yang nasa isip mo' 'natawa nalang siya sa sinabi ko. ''Oo teh, alam mo ba? nakita namen kanina yung  mapupunta saten mamaya sa klase naten, naku ang gwapo niya sobra! napaka yummy niya! pinag aagawan na nga namen siya kanina eh, kausap niya kasi si mam monneth''. Hindi ko naman pinakinggan ang mga sinabi ni jen kasi di naman ako interesado eh. Napansin niya siguro na hindi ako nakikinig sa kanya kaya iniwan na niya ako at bumalik na siya dun sa upuan niya, sakto naman ang dating ng prof/adviser namen at dali dali naman kaming nagsipag ayusan ng upo.

Napatigil, natulala, at nagtataka ako sa nakita ko, nananaginip ako ako? kinurap kurap ko ang aking mata para malaman kung nananaginip ba ako pero totoo eh. Bakit siya andito? Bakit kasama niya ang Adviser namen? wag mong sabihing, hindi ko na naituloy ang sinasabi ko sa isip ko nang magsalita ang Prof namen, ''Good Morning Class, by the way, kasama ko nga pala ang bago niyong classmate na sinabi ko sa inyo kahapon, galing siya sa states kaya naninibago pa siya dito sa school naten''. God gulat na gulat ako sa nakita ko, si Alexander ang transferee na sinasabe ni mam! oh my god! di ako makapaniwala!. ''Sige iho, magpakilala kana sa kanila''.

''Good Morning classmates! im alexander montenegro, but you can call me alex, im from states and  hope most of you guys will be my friends'' pagpapakilala ni alex, medyo nagsitilian naman ang mga ibang babaeng kaklase ko kaya sinuway sila ni mam, halatang na starstruck sila sa mokong na to. Ako naman ay medyo gulat at tulala pa sa nakikita. ''Sige iho, mamili kana kung saan mo gustong umupo'' may ilang girls na nag alok na dun nalang siya umupo pero ngumingiti lang siya. Inikot niya ang mga mata niya at tumigil sa direksyon ko at dumirecho siya papunta sa kinauupuan ko, umupo siya kung saan nakaupo si Cloe kaso absent si cloe kaya naka bakante ang upuan niya. Nang maka upo na siya ay hindi ako makatingin sa kanya kasi magkatabi lang kame e tsaka nahihiya ako sa kanya. Nag focus nalang ako sa lesson namen at hindi ko nalang pinahalata na naiilang ako sa kanya.

''Pst! Pst!'' bigla ko nalang narinig na may sumisitsit sa tabi ko, at nang lumingon ako sa kanya ay nakita ko agad ang ngiting nakatitig saken, ngumiti naman ako tanda ng pag response ko sa kanya at ibinalik ko na ulet ang atensyon ko sa discussion namen. Napansin ko nman ang mga mata ng iba kong kaklaseng girls na naka tingin saken, yung tingin na waring naiinis at naiinggit hahahaha! sorry nalang sila talo sila sa beauty ko! ''Hey mark! kamusta na? akalain mo yun klasmeyt pala kita!'' nag aalangan akong tumingin sa kanya, baka kasi makita kami ng prof namen e tapos pagalitan pa kame. ''Huy bakit di mo ako pinapansin?''Uy!''. hays ang kulet naman ng lalaking to harapin ko na nga. ''Ah okay naman ako, oo nga e ikaw pala yung transferee na sinasabe nila'', ''oo hehe nice meeting you again mark' sabe niya sabay ngite. Shit wag mokong ngitian ng ganyan! kinikilig ako! hhaha. ''ah sige, maya nalang tayo mag usap ah baka kai mahuli tayo ni mam e'' pagkatapos kong sabihin yun ay ibinalik ko na ulet ang tingin ko sa harap, hindi na niya din ako kinausap hanggang sa matapos ang klase namen. Palabas nako ng room nang makita ko ang ibang kaklase kong girls na nilapitan si alex, ayun naman ang loko parang nag eenjoy pa sa paglalandi sa kanya ng mga haliparot na yun. hays bakit ba ako affected? tsk, maka alis na nga lang! tsk oo aaminin ko gusto ko nga siya! kaya nga naiinis ako kasi parang gustong gusto pa niya yung nilalapitan siya ng mga girls na yun.

ITUTULOY.......

-------

GUYS! VOTE LANG KAYU NG VOTE AH!

PLEASSSSE! :)

MUAH!

You and I both (boyxboy)Where stories live. Discover now