PAGE 18

3.8K 86 0
                                    

Alexander's POV

Nagising ako nang maramdam ko na parang may mabigat na kamay na nakapatong sa beywang ko minulat mulat ko ang mata ko at nakita ko si mark na nakayakap saken, ang himbing ng tulog nya, ang cute nyang tignan. Naalala ko na inasikaso pala nya ako buong magdamag.

Maayos ayos na din ang pakiramdam ko, kaninang umaga kase eh ang sakit ng katawan ko at nilalagnat ako, buti nalang at pinuntahan ako ni mark.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na gumalaw na sya at nagising.

"Oh kamusta na pakiramdam mo?" tanong nya saken.

"Ah eto okay na ako, salamat ah" sagot ko.

"Mabuti naman kung ganun, may gusto kabang kainin? sabihin mo lang para mapasabi ko kay manang para makakain ka"

"Wala, busog pako eh. Tsaka wag kang mag alala ok na ako, magaling ka kaseng mag alaga eh"

nakita ko na bigla syang namula sa sinabi ko.

"Naku wala yun, syempre kaibigan kita kaya aalagaan kita nu, oh pano ba yan, mag gagabi na rin alex kailangan ko na ding umuwi"

"ah ganun ba? ayaw mo bang dito nalang matulog?"

umaasa ako na pumayag siya kaso sa kasamaang palad ay hindi kase di daw sya agad nakapag paalam sa mama nya.

"Hm mark salamat sa pag aalaga ah. buti nalang andyan ka, ipapahatid nalang kita kay mang pedro okay?"

tumango nalang sya at bumaba na kame sa baba.

"Bye mark,  ingat ka maraming salamat ulet!"

Ngumiti lang sya at pagkatapos nun ay tinanaw ko nalang ang sasakyan hanggang sa makaalis na si mark.

Pumanhik nako sa taas para makapag pahinga ulit At nakatulog naman ako pagkatapos ng ilang sandali.

NAGISING nalang ako ng may kumakatok sa pinto.

"Sir alex andito na po ang mama at papa nyo, baba na daw po kayo at kumaen na,may pag uusapan daw po kayo"

Pagkarinig ko non ay bigla nalang akong nawala sa mood, alam ko naman ang pag uusapan namen, at yun ay ang pagpapa kasal ko sa isang babae na di ko pa nakikita para lang maisalba ang kumpanya nina mama at papa.

Bumaba nako at nakita ko sina mama at papa sa dining area at halatang hinihintay nila ako.

"Hi ma Hi pa" sabi ko sabay halik sa pisngi nila.

"oh how's your feeling anak? sinabi kase ng yaya mo na masama raw pakiramdam mo kaninang umaga ha?" tanong ni mama

"Okay napo ako ma, pinuntahan napo ako ng kaibigan ko dito at inasikaso po nya ako kaya okay nako."

"oh thats good at mababaet naman pala ang mga naging kaibigan mo sa bagong school mo"

Habang kumakaen kame ay napansin ko naman si papa na seryoso ang mukha nya na bigla ko naman ikinabahala.

"Anak tungkol pala sa napag usapan naten, bukas ay makikipag kita tayo sa future wife to be mo kasama ang parents nya, i know its hard for you to take this anak but i have no choice, we have to do it para na din ito sa kinabukasan mo"

Pagkatapos sabihin yun ni papa ay bigla akong nawalan ng gana sa pagkaen, eto na ang pinaka ayokong mangyare ang makita ang papakasalan ko na hindi ko naman mahal.

"Opo pa, mahal ko kayo ni mama kaya ginagawa ko to, gusto ko din po kayong mapabuti kaya gagawin kopo lahat ng makakaya ko para lang matulungan kayo"

pagkatapos kong sabihin yun ay nag paumanhin ako at pumanhik nako sa kwarto ko at dun ko nailabas ang sama ng loob ko.

Eto na naman ako at umiiyak na parang tanga. Bukas mag babago na ang buhay ko. Bukas na ang araw na ayokong mangyare.

Ni hindi ko pa naipagtatapat ang nararamdaman kay mark, may hadlang na agad sa amin.

Iyak lang ako ng iyak dahil sa mga iniisip ko, diko na namalayan na nakatulog ako.

--------

Ano kaya ang mangyayare kay Alex?

Sino kaya itong babaeng nakatakdang pakasalan niya?

Maganda ba ang maidudulot niya kay alex? o magiging hadlang siya sa masayang buhay ni alex?

ABANGAN!

You and I both (boyxboy)Where stories live. Discover now