PAGE 9

9.3K 194 22
                                    

Pagkatapos naming mag ka text ni Alexander at sinabi niyang mag dadate kame este mag mamall ay bumangon nako sa kama at dali daling naligo, tinagalan ko ang paliligo ko dahil gusto ko mabango at malinis ako pag nag kita kami ni alex, so after 24 hours ay natapos na din akong maligo hehe. Pumasok nako sa kwarto at pumili nako ng damit na isususuot ko. Napagpasyahan ko nalang mag t shirt na kulay green at mag jeans na fit, bumagay naman yun sa kulay gray ko na sapatos. Pagkatapos kong mag bihis ay tnignan ko na ang oras saktong 1:45 pm, 15 minutes nalang at susunduin na niya ako,  dali dali naman akong lumabas ng kwarto at inilock na ang pinto.

Naglakad nako papuntang kanto namen at ilang sandali lang ay dumting na din si alex. Sumakay na agad ako, nabigla ako nang makita ko ang suot niya, at nagkataon pa talagang green din ang suot niyang t shirt, parang couple lang kame hehehe! ''ikaw ah gaya gaya ka ng damit'' biglang sabi niya saken. ''hm hndi ah, ikaw kaya ang gaya gaya hehe'' sabi ko naman sa kanya. Mas gwapo pala siya  pag simple lang ang suot niya, naka jeans lang din kasi siya at rubber shoes na vans. 

Ilang sandali lang ng byahe namen ay nakarating na agad kame sa mall dimirecho agad kame sa kfc pra kumaen. Nag order siya ng isang bucket ng chicken at krushers, mag shashare sana ako ng bayad pero hindi niya tinaggap, siya daw kasi nag aya kaya treat daw niya lahat. ''Naku mauubos ba lahat naten to?'' sabi ko sa kanya ''oo naman kaya naten niyan'' sagot naman niya at ilang sandali pa ay kumakaen na kame at diko akalaing mauubos namin ang lahat ng inorder namen. ''oh diba sabi ko sayo mauubos naten lahat eh hehe'' sabi niya saken ng naka ngiti '' ah oo nga eh, grabe nabusog ako ng sobra'' sbi ko naman sa kanya, ''oh san nyan tayo pupunta? tanong ko ''hm punta tyo sa timezone laro tayo ng basketball'' sabi niya god basketball? eh di nman ako marunung nun e pero try ko na din. 

Pagkatapos naming magpa hinga ay dumirecho na kame sa time zone medyo marami ding tao weekends kasi eh, ''wait lang ah, hintayin moko dito bibili lang ako ng token naten'' tumango nalang ako at umalis na siya, ilang sndali lang ay bumalik na siya dala ang binili niyang token. ''oh ano ready kana ba? tara!'' ''sige tara!'' pumunta na kame sa mga laro na basket ball si alexander muna ang unang nag laro at pinanood ko lang siya, grabe walang sablay ang mga shoot niya, pasok lage, kaka bilib , mas lalo akong naiinlove sa kanya hehe. Pagkatapos niyang maglaro ay may lumabas na mga ticket at medyo madami din. ''oh mark , ikaw naman ang mag laro'' ''ah sige'' kabado ako kasi baka wala akong ma shoot kahit isa, baka pag tawanan niya lang ako huhu. At nag start na rin akong mag laro, first shot? sablay! second shot? sablay na naman, sabi ko na nga ba hindi ako marunong eh, nakita ko naman si alex na tumitingin lang saken at parang sinasabi niya na ituloy ko lang, at sa wakas sa last ball ay na shoot ko din! sa wakass! hahaha pagkatapos nun ay hinihintay kong may lumbas na ticket kaso ni isa wala! ''okay lang yan mark hehe, tara dun na tayo'' sabay turo niya sa maraming coins na hulugan sakto naman marami kaming coins na dala at ayun nag laro na kame.

Seryosong seryoso si alex sa paglalaro, halatang focus na focus hehe ako naman ay tinitignan ko lang siya na para bang support lang, ilang sandali din ng paglalaro namen ay ang dami na niyang nakukuhang ticket na lumalabas sa machine, ang galing niya! pinagtitinginan na kame ng mga tao kasi naman ang dami na naming ticket na nakukuha, pagkatapos naming mag laro dun ay kinuha na namin ang mga ticket, ''grabe alex gaing mo ah, ang daming ticket ang nakuha mo'' sabi ko sa kanya, ''naku sisiw lang yun  nu, di man lang ako pinagpawisan hehe'' sagot niya ''wow yabang ah, ako di talaga ako sanay sa mga larong yun e'' ''halata nga e hehe tara i redeem na naten ang kapalit ng tickets na to sa counter''. At pumunta na nga kami sa counter pra ipagpalit ang nakuha namen, at binigay samen ang isang stuff toy na monster cookie, ang cute hehe. ''oh mark para syo'' biglang sabi niya sabay abot saken nung napanalunan namen ''ha? naku bat binibigay mo yan saken eh ikaw lang naman ang nag laro eh'' sagot ko naman ''basta kunin mo na, sige ka magtatampo ako sayo pag hindi moto tinaggap'' sabi naman niya at  nagpa cute pa ang loko pero infairness kinilig naman ako hehehe ''hm sige na nga salamat :)'' at tinaggap ko na ang binigay niya sabay ngiti.

''oh tara na may pupuntahan tayo'' aya niya saken ''san naman tayo ulet pupunta?'' tanong ko ''basta tara na'' pagkatapos nun ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko at naglakad na kme, nabigla ako sa ginawa niya pero dina ako nag salita, gusto ko naman eh, may mga ibang tao na pinagtitinginan kame kasi nga eh magka holding hands kame while walking hehe ganda ko no? at tumigil kame sa isang photo booth ''tara pasok na tayo picture tayo para may remembrance hehe'' sabi niya saken binitiwan na niya ang kamay ko, ako naman ay patay malisya lang at sumagot ''ah sige tara'' pumasok na kme sa photo booth at nag simula na kameng magpa picture. Sa unang pose ay simple lang, naka akbay lang si alex saken at ako naman ay naka ngiti lang, sa pangalawang pose naman ay nag wacky pose kame, natawa ako sa itsura niya na naka dila at nag duling dulingan , ako nman ay naka peace sign lang hehe. At sa pangatlong pose ay nabigla ako sa ginawa ni alex, bigla niya akong hinalikan sa pisngi habang nag click yung picture namen, nabigla ako sa ginawa niya kaya nagtanong ako ''oh para san naman ang yun?'' ''ah eh wala akong maisip na gawing pose eh kaya yun nalang hehe'' pautal utal niyang sabi ako naman ay kinilig ng sobra sa loob loob ko dahil hinalikan niya ako sa pisngi hehe. Pagkatapos nun lumabas na kame para kunin yung picture namen sa counter. ''heto napo yung picture niyo'' sabi ng babaeng nag abot ''hm pwede po bang magtanong?'' tanong ng babaeng nag abot samen ng picture namen ''hm mag boyfriend po ba kayo?'' nabigla ako sa tanong ng babae pero mas nabigla ako sa sinagot ni alex ''oo hehe mag couple nga kame, sige miss thank you'' at umalis na kme, grabe bat sinabi niya yun? hala totoo ba to ''uy alex bat sinabi mo nmaan sa babae na mag boyfriend tyo?'' ''ah wala lang halatang nag papa cute kase saken yung babae na yun kay sinagot ko na mag boyfriend tayo hehe sensya na ah'' ;;ah ganun ba?, okay lang sige'' sagot ko nman na parang dissapointed pero okay lang naman atleast nag enjoy akp ngayun. ''Inabot na pala tayo ng gabe, tara na at ihahatid na kita sa inyo'' sabi niya saken pagkatapos nun ay lumabas na kame ng mall at sumakay na ng sasakyan.

Habang nasa byahe kame ay bigla siyang nagsalita ''salamat mark ah, grabe nag enjoy ako hehe'' ''wala yun nag enjoy din naman ako eh, salamat dito ah sabay hawak dun sa stuff toy na binigay niya'' ''ah wala yun, ingatan mo yan ah hehe'' '' oo iingatan ko to hehe'' ilang sandali lang ay nakarating na din kame sa kanto namen.

''Sige alex, salamat, ingat kayo'' ''sige mark, ingat ka din! bye'' at naglakad nako papunta sa bahay namen. Sakto naman na wala pa si mama buti nalang, nag bihis nako at nag hilamos. Pagkatapos nun ay humiga nako sa kama, grabe ang saya ko nagyung araw, para talagang nag date kame ni alex , hays, ano kaya ang ibig sabihin nung pag hawak niya sa kamay ko? may maeaning kaya yun sa kanya? kase para saken meron eh. Tinitigan kong mabute ang mga picture namen sa photobooth kanina, nakita ko agad yung pose namen na hinalikan niya ako sa pisngi, grabe hindi ko talaga inaasahan na gagawin niya yun, parang dream come true! tinignan ko din yung stuff toy na bigay ni alex saken kanina, feeling ko tuloy totoo yung sinabi niya kanina na mag boyfriend nga kame hehe hays eto na naman ako sa mga ilusyon ko.

Pagkatapos nun  ay kinuha ko ang cellphone ko at dali daling tinext si alex. ''hi alex, naka uwi kana?'' message sent.. FROM ALEX: ''oo naka uwi nako hehe anung ginagawa mo?'' ''eto naka higa na ikaw?'' message sent. FROM ALEX: ''ah nakahiga din, hm mark may sasabihin ako sayo'' pagka basa ko nun ay bigla akong kinabahan ''ano yun?'' message sent.. ilang minuto din bago nag reply si alex. FROM ALEX: ''ah wala hehe kalimutan mo na yun, sige tulog na tayo ah, good night mark!'' pagkabasa ko nun ay bigla akong napa ngiwi, labo nman ng lalakeng to, may sasabihin pero wala nman daw adik lang ah. ''ah sige goodnight din'' message sent. Pagkatapos nun ay nakatulog nako na yakap ang stuff toy na binigay saken ni alex.

ITUTULOY....

-----

SANA NAGUSTUHAN NIYO ANG CHAPTER NA TO GUYS! MORE VOTES PLEASE! :)

PAG MARAMI AKONG VOTES NA NATANGGAP AY MAG UUPDATE TALAGA AKO AGAD AGAD!

GODBLESS! :***

You and I both (boyxboy)Where stories live. Discover now