Page 22

3.6K 79 3
                                    

Mark's P.O.V

Andito ako ngayon sa Gymnasium ng school, Vacant kasi namen eh, napili ko munang mapag isa andami kong iniisip, parang absent minded ako, iniisip ko kase ang mga nangyare sa pagitan namen ni kurt eh.

Diko lang kasi expect na may gusto pala sya saken, ganun na ba ako kamanhid para diko mapansin na may pag tingin yung tao saken?. tsk kaka stress.

Hindi ko tuloy alam kung paano ko sya haharapin, parang bigla kasi akong nailang pagkatapos ng naganap sa pagitan namen eh. Syempre naman parang nasaktan ko sya.

Gwapo naman si Kurt eh, habulin nga sya ng mga babae kaso ewan ko ba, parang naka tatandang kapatid lang ang turing ko sa kanya.

"Oh mark andito ka lang pala, hinahanap ka namen bigla ka kasing nawala kanina ah" biglang naputol yung pag iisip ko, nakita ko namang palapit sa lugar ko sina dew, vince at alex, absent ngayun si kurt, siguro nga nasaktan ko sya sa nagawa ko kaya di sya naka pasok ngayun. ugh -_-

"Parang emo ka ngayun ah" may problema kaba mark? tanong saken ni alex nung naka lapit na sila saken.

"Ah wala naman, trip ko lang mapag isa ngayun, alam mo na, nag iisip isip ng mga bagay bagay" sagot ko na may pilit na ngiti

nakita ko naman si alex na para bang hindi nakumbinsi sa naging sagot ko, pero di na siya nag tanong pa.

"sya nga pala alam mo ba kung bakit di pumasok si kurt ngayun? di kasi siya nag rereply at sumasagot sa mga tawag namen eh." biglang tanong ni vince saken.

Nagtapat kasi siya saken kagabe na may gusto sya saken kaso wala  ako maisagot dun sa pag amin niya ng pag ibig saken, nasaktan siguro siya kaya di sya nakapasok ngayun. Sabi ko lang sa sarili ko.

"Ah eh hindi eh. Di rin naman sya nag ttxt saken" sagot ko nalang sa kanya.

"Naku, ano naman kaya nangyare sa mokong na yun, ang alam ko lang eh pag di siya pumapasok at di siya nag ttxt at nag rereply eh nabasted siya sa nililigawan nya, pero wala naman siyang nililigawan ngayun diba?" si alex

Bigla naman akong napayuko dahil natamaan ako sa sinabi ni alex kay kurt. Oo alam kong nasaktan ko yung tao, ang bait bait nya saken kaya nga parang nakukunsensya ako. hayyy :/

"Oo nga, ano kaya problema ng gagong yun" sabat naman ni vince

"yaan nyo na siya, sigurado papasok din sya bukas o kaya mag ttxt din yan" si drew.

Pagkatapos namen mag usap usap ng kung ano ano pa ay pumunta na kame sa susunod na klase namen, diko na nagawang makapag miryenda kanina. Dumirecho agad ako sa gymnasium kanina para mapag isa.

------------------

Pagkatapos ng klase namen ay nagpa alam nako kina drew, vince at alex mag papraktis pa kasi sila ng basket ball eh, oo nga pala, nag try out sina kurt at alex para makapasok sa team ng basketball ayun dahil sa magaling sila kaya agad sila nakapasok at naging parte na sila ng basketball team ng school.

Dumirecho nako sa gate ng school, napag pasyahan kong pumunta sa bahay ni kurt, nag aalala kase ako sa kanya dahil sa di niya pag pasok ngayung araw, syempre kahit papano kaibigan ko yun.

Alam ko namang puntahan ang bahay ni kurt kasi pumunta nako dun nung nagka ayaan kaming mag bonding na mag babarkada. Mabait naman ang mga magulang ni kurt kaya dina ako kinakabahan pag kaharap ko ang mga magulang niya.

Dalawa lang silang magkakapatid ni kurt, yung kuya niya ay nasa states at dun na nanirahan kasama ang sarili niyang pamilya kaya su kurt at ang mama at papa nalang siya ang magkaka sama sa bahay.

You and I both (boyxboy)Where stories live. Discover now