Second Chapter

1K 39 4
                                    

Kathryn

     Simula nung gabing nag-away sila Daniel at Enrique, hindi ko na sila nakita. Iisang linggo na din ang lumipas. Ikinulong ko ang aking sarili sa kwarto ko. Yan lang ang tanging magagawa ko ngayon kasi summer vacation namin ngayon. Sa Hunyo, magiging college senior na ako. Ibig sabihin, sa susunod na school year, magtatapos na ako, pero sa tingin ko hindi ako aabot hanggang sunod na taon. Hindi kasi ako sigurado kung aabot pa ba ako sa graduation day e. Pero sana nga makatapos muna ako bago ako mamatay.

Sa ngayon, maraming bagay ang bumabagabag sa isipan ko. Ano bang gagawin ko upang magkabati ang aking bestfriend at boyfriend na parehong mahalaga sa buhay ko? Paano ko ba mapapatunayan kay Daniel na wala talagang "kami" ni Enrique? Na kaibigan ko lang siya? Makakayanan pa kaya akong pansinin ni Daniel kung maglalakas-loob akong lapitan siya at humingi ng patawad? Mahal niya pa kaya ako hanggang ngayon? Paano ko sasabihin kay Daniel ang tungkol sa sakit ko?

Dahil sa mga bagay na yun, mula sa kakaupo sa kama, humiga ako. Napatingin ako sa kisame, at napansin kong unti-unting tumutulo ang aking luha. Pinahiran ko ang bawat pagpatak nito.

Maya-maya'y biglang tumunog ang aking cellphone. Nakatanggap ako ng isang mensahe. Kinuha ko ang cellphone kong nasa ibabaw ng bedside table at tinignan ang laman ng text. Kay Katsumi pala galing.

"Kath? Nakita mo ba si Daniel? Ilang araw na kasi namin siyang hindi nakikita e. Napag-isipan ko lang na baka pumunta siya diyan sa condo mo. Hihi. May gig na naman kasi kami, at hindi siya nakakadalo sa mga practice namin. Please textback, asap."

Hindi ko muna siya nireplyan. May pumasok na naman kasi sa isip ko. Saang lupalop ba ng mundo inilagay ng Diyos si Daniel? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Okay lang ba siya? Masama pa rin ba ng loob niya sa'min ni Enrique?

Nireplyan ko na lang si Katsumi. Baka matulungan niya ako sa paghanap kay Daniel.

"Hindi e. Ewan ko kung saan siya nagtungo. Wala ba siyang sinabi sa inyo kung saan siya pupunta?"

Agad naman akong nakatanggap ng sagot mula kay Katsumi. "Magtatanong ba ako kung sinabi niya sa amin ang lugar na pupuntahan niya?"

Leche 'to. Nag-aalala nga yung tao dito, nakayanan pa niyang magpaka-pilosopo. Tch.

"Umayos ka nga, Kats. Tulungan mo na lang kaya akong hanapin si Daniel? Nag-aalala na ako sa kanya ngayon."

"Sige. Pupuntahan kita diyan." tipid niya namang reply.

Di na ako sumagot. Ibinalik ko ang aking cellphone sa ibabaw ng bedside table. Nakita ko yung larawan namin ni Daniel, yung magkasama kami. Naaalala ko pa yung araw na yun. Nagpakuha kami ng litraro sa isang photobooth. Nakasuot ako ng maikling wig sa buhok nun. Pareho kaming nakasuot ng nerd glasses. Props kasi yun kung magpapapic.

That was a year ago. Dati, masaya pa kaming nagsasama. Di pa niya gaanong inaasikaso yung ensayo nila sa banda kasi hindi pa nabuo ang banda nila nun. Ibang-iba na sa nangyayari sa aming dalawa ngayon. Sa araw nga ding yun e, ibinigay niya ang isang kwintas na hugis puso sa akin. Hanggang sa suot-suot ko daw yun, walang makakaagaw sa akin mula sa kanya kasi siya daw ang nagmamay-ari sa akin. Ang korni niya, ano? Pero sa totoo nga, nami-miss ko na ang kakornihan niya.

Hinaplos ko ang kwintas na suot ko ngayon. Napaiyak na naman ako dahil naiisip ko na naman siya. Kinakabahan ako. Nararamdaman kong may masamang nangyayari sa kanya. Feel ko lang naman yun e, subalit malaki talaga ang kutob kong meron nga.

Biglang tumunog ang door bell, kaya nagulat ako. Pinahiran ko ang aking luha at agad na tumayo. Nakalimutan kong nakalagay pala yun sa hita ko. Tinignan ko ang nahulog na picture frame. May crack sa bahagi ng larawan kung saan ako nakapwesto. May kutob din akong may masama ding mangyayari sa akin. 

𝐁𝐫𝐞𝐚𝐭𝐡𝐞 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧Where stories live. Discover now