First Chapter

1.5K 47 2
                                    

Kathryn

     Kasama ko ngayon dito sa ospital si Enrique, ang aking pinakamatalik na kaibigan. Dinala niya ako dito dahil sumikip ulit yung dibdib ko kanina. Maraming beses na itong nangyayari sa akin, pero ngayon ko lang napag-isipang magpatingin sa doktor kasi mas masakit na siya kesa nung mga nakaraang araw. Saka, ang mas matindi, unang beses kong umubo ng dugo.

Sa ngayon ay kausap namin ang doktor na kumonsulta sa akin. Nakaupo kami sa tapat ng kanyang mesa. May hawak-hawak siyang papel. "Based on the tests conducted, you have tuberculosis, at ang mas malala, stage four na yang sakit mo. Sooner or later, may posibilidad na ikamatay mo ito. Tignan niyo pa nga 'to.." Ipinakita niya sa amin ang papel na naglalaman ng results sa pag-check up sa akin, at totoo ngang may tuberculosis ako.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot sa maaaring bunga ng sakit kong ito. Marami kasing mawawala at magbabago kapag malalaman ng lahat ang tungkol dito, pero sigurado akong mas lalong maapektuhan ang boyfriend ko.

Hinawakan ni Enrique ang aking kamay, kaya napatingin ako sa kanya.

"Kath? Okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Tumango lang ako at nginitian siya. Tinignan ko ang aking relo dahil may naaalala akong napakaimportanteng bagay na kinakailangan kong gawin ngayong araw na ito.

"Ah, oo nga pala, Quen. Kailangan ko pang puntahan si Daniel. May date pa kami mamaya e, pagkatapos ng gig nila ng Parking Five." wika ko sa aking bestfriend.

"Hmm, ganun ba? Sige." Nauna na siyang tumayo, at sumunod naman ako. Kinapa niya ang kanyang bulsa at kumuha ng perang pambayad sa pagpatingin sa karamdaman ko. "Dok, salamat nga pala. Heto po yung bayad." Inabot niya ang pera at tinanggap naman ito ng doktor. Ibinigay din naman ni dok sa amin ang resulta sa check-up ko kani-kanina lang. Umalis na kami pagkatapos nun.

                                        * *

     Kasalukuyan kaming magkasama ni Enrique sa loob ng kanyang sasakyan. Papunta kami ngayon sa bar na pinaggaganapan ng gig nila Daniel. Nakatingin lang ako sa labas ng binatana ng kanyang sasakyan. Gabi na nga pala. Tahimik lang akong nakatingin sa langit habang pinagmamasdan ang mga bituin sa ulap.

Inihinto ni Enrique ang kanyang sasakyan sa may gilid ng kalsada, kaya nagtaka ako. Tumingin ako sa kanya. Hindi ko naiintindihan ang badya ng kanyang mukha. Hindi ko maipaliwanag. Ewan ko ba kung kinakabahan ba din siya, natatakot o nalulungkot, at sa kung anong dahilan din.

Nilapitan niya ako ng konti at hinawakan ang mga kamay ko. "Kath, alam ko kung ano ang iniisip mo, at sana naman, wag kang magkakaganyan for the rest of your life. Nalulungkot din ako sa tuwing nakikita kitang malungkot. Ayokong makita kang nagkakaganyan knowing that your life is in danger. Gets mo? Magpakasaya ka habang may lakas ka pang gawin ang anumang nais mong gawin. Don't let your sickness hinder you to do whatever you want to do." sabi niya at nginitian ako.

Napatawa ako ng konti sa sinabi niya. "Aba. Nalaman mo lang na may sakit ako, nagdadrama-dramahan ka na diyan? Gusto mo ding mawala na agad ako sa mundong ito, ano? Kaya mo pala nasabi yun. Tsk." Nag-pout ako.

"Hindi naman sa ganun. Totoo din naman ang sinabi ko e. Hanggang sa buhay ka pa, live life to the fullest. Hindi yung magmumukmok ka na lang diyan. Walang maitutulong yan sa pagpapagaling ng sakit mo."

Bumuntong-hininga na lang ako. "Dami mo talagang alam, Quen. Syempre, I will live my life to the fullest noh! Ayokong pumunta sa langit na walang baong masasayang remembrance patungo dun. Saka, ayokong sumalangit kung hindi ko maggugugol ang mga huling araw ko dito sa mundo kasama si Daniel."

𝐁𝐫𝐞𝐚𝐭𝐡𝐞 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧Where stories live. Discover now