Chapter 1

113 11 0
                                    


💋💋Here is the first chapter. Kindly press the vote button then add this story to your library. Hahaha. Charaught lang! Pero kayo pa rin masusunod kong pagbibigyan niyo ako sa aking kahilingan.💋💋




***

BAEKHYUN POV

"H-hindi! Wag! Wag!" masakit ang lalamunan ko ng maidilat ko ang aking mga mata. Parang ang tagal-tagal kong natulog at para din akong kinakapos ng hininga. Naguguluhan akong tumingin sa isang may katandaan na babaeng nasa aking harapan. Bakas sa mukha nito ang labis na tuwa at gulat.

"Baekhyun, anak. You're awake! Salamat sa Diyos at nagising ka na."

"M-mmy?" nanghihinang tawag ko sa pamilyar na mukhang aking namulatan. Tuyong-tuyo rin ang aking lalamunan kaya hirap pa rin akong magsalita.

"Mommy. Ikaw si Mommy ko?" litung-lito ako sa aking nabungaran. Bakit parang nag-iba ang mukha nito? Bakit bigla itong tumanda? Although namumukhaan ko ang ginang na nasa aking harapan, gusto ko pa ring makasiguro.

"Oo, anak! Ako ito si Mommy mo! Ano ba yang pinagsasabi mo, Baekhyun?"

"Para kase--"

"Mahal, Baekhyun! Gising ka na." gulat ako na napatingin sa pintuang bumukas.

Chanyeol?

Chanyeol? I can't believe this! Oh, no!

"Chanyeol?! What are you doing here? Demonyo ka"

"Mahal!" bakas ang gulat sa mukha nito sa aking reaksiyon. Sino ba ang hindi magagalit kong ang lalaking kaharap mo ngayon ay ang lalaking kumidnap sayo at dinala ka sa isang abandonadong lugar.

"Anak, anong nangyayari sayo? Bakit ka nagkakaganyan?" ani ng ginang na mommy ko raw. Gulong-gulo pa rin ako.

"Mommy, I wanna stay away from him. Paalisin mo siya! I hate him! He's a monster. Paalisin mo siya sa harap ko." histerikal kong sigaw na mas lalo nilang ikinagulat.

"Anak!"

"Chanyeol, Mahal!" magkasabay nilang bigkas.

"Halimaw ka. Napakasama mo. Stay away from me!" pinaghahaltak ko na ang tubong nakakabit sa aking katawan, pati na rin ang dextrose na nakatusok sa aking kamay. Galit na galit ako habang umiiyak. Litung-lito pa rin ako sa mga nangyayari. Bakit siya nandito? Dapat nasa kulungan na ang pesteng lalaking yan.

"Baek, itigil mo 'yan. Sinasaktan mo ang sarili mo." tangkang lalapitan sana ako ni Chanyeol dahil sa labis na pagwawala ng may nadampot akong kutsilyo sa ibabaw ng fruit basket saka marahas na iwinasiwas para hindi ako nito mahawakan.

Akin ka lang, Mahal (Exo-FanFic)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora