Taas-noong binitiwan ko ang bola. Proud ako sa ginawa ko na tinakot sila pero iyon nga lang, sobrang dumi ko na.

"Pancake."

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. I didn't dare to look back—hello?! Nakakahiya kaya ang hitsura ko! Teka, bakit ba ako mahihiya? Eh si Tatsulok lang naman iyan! I slowly looked back with my brow raised at nagulat na lamang ako nang bigla siyang tumawa nang malakas. Napahawak pa siya sa tiyan niya at may mga mumunting luha na namumuo sa gilid ng mga mata niya dahil sa katatawa. Problema niya?

"What?" I mouthed. Malala na talaga ang epekto ng tetanu niya.

"Welcome back," wika niya at tinangkang lumapit sa akin at napaatras ako. Huminto siya at nakakunot-noong tiningnan ako.

He took another step forward ngunit humakbang na naman ako paatras. He looked so done with it, at dahil hindi na naman yata maganda ang gising niya, pinukol niya ako ng masamang tingin.

"Don't f*cking step backward," he said in a firm voice. Nakakatakot ang tono niya, alright, but I have no time to spare for him and his whims.

"Neknek mo." Agad akong tumakbo at hindi man lamang lumingon sa kanya. Habol ko ang hininga nang marating ko ang classroom ng prep class.

Nagulat silang lahat nang makita ang hitsura ko.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Suri at nilapitan ako.

I shrugged my shoulders lazily at tila alam na nila ang sagot sa tanong ni Suri. Kumuha sina Margo at Iris ng pamunas at tinulungan akong maglinis.

Biglang tumunog ang broadcasting system ng academy kaya napatingin kami sa speaker na nasa gilid.

"Everyone is required to go to the stadium for the announcement of the Royal ranks. I repeat, everyone is required to be at the stadium for the announcement of Royal ranks."

Paulit-ulit na sinabi iyon ng announcer at napasimangot lang ako. Everyone daw kaya malamang kasali kami. Nang sulyapan ko ang mga kasamahan ko ay iniaayos na nila ang mga gamit at naghanda papunta sa stadium.

"Pupunta kayo?" tanong ko.

"Just in case you haven't heard, everyone daw kaya lahat tayo ay pupunta," wika ni Margo.

"Teka, hindi na kayo takot sa regular class?" Tumayo ako at pinakita ang sarili. "Look at me."

"Huwag kang mag-alala, the school director is present kaya malamang ay walang mangangahas na gumawa ng kalokohan," sabi ni Coco at iniayos ang pagkakasuot sa backpack.

Iginala ko ang paningin sa paligid at hinanap si Gon but he's nowhere to find. "Oh, nasaan si Pentagon?"

Suri shrugged her shoulders at gayundin si Jeff. The girls don't know too kaya tiningnan ko si Coco. "Hindi ko alam, basta nakita ko siya kanina na kinausap ng dalawang men in black," sagot ng kalbo.

"Men in black?" sabay-sabay na tanong namin.

"Yeah, men in black, literal na men in black. Naka-tuxedo at may mga suot na shades. Tatanungin ko nga sana kung where is the sun eh. Kay aga-aga, naka-shades."

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Hala, bakit kinuha ng men in black si Gon?

"Tara na?" pag-aya ko sa kanila.

Napanganga sila habang nakatingin sa akin.

"Ganyan hitsura mo?"

Tiningnan ko ang suot kong uniform. Marumi iyon dahil sa charcoal ball pero hindi naman marungis ang mukha ko. Anyway, sa dami ng tao ay hindi na ako pagtutuunan ng pansin ng mga estudyante roon.

RUN FOR YOUR LIFEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें