Chapter 27

223K 6.2K 718
                                    

"BUO, walang galos, kagat ng insekto at lalong kagat mong iuuwi ang anak ko." Bilin ni Seg kay Brent na halata ang nerbiyos. Nasa tono nito ang pagbabanta kaya naman parang hindi mapaanak na pusa itong si Brent. Panay ang pisil sa kamay at hugot ng malalim na hininga.

"Y-yes, sir!" Mabilis na tugon ni Brent. Niyaya siya nitong lumabas at pinaunlakan naman niya. Kasama nila si Nadia. Pupunta raw sila sa isang club. Gusto raw ni Brent at Nadia na ma-experience naman niya ang night life. Nakapag-club na naman siya noon. Ang unang punta niya ay nang isama siya ni Dock, at ang mga sumunod ay si Lyca ang kasama niya. Kaso lang nang magbuntis ay pinagbawalan na ito ni Alford at maging ng kanilang magulang.

Bahagyang kumunot ang noo ni Geallan nang mapansing may tao sa madilim na bagahi ng labas ng kanilang bahay. Nakakubli sa Leyland cypress.

"Daddy, parang may tao po banda doon?" Hinayun ni Seg ng tingin ang direksyon kung saan nakatuon ang paningin ni Geallan.

"Let me check."

"Sandali po. Baka mamaya masasamang tao 'yan," pigil niya sa ama.

"I can handle this, don't worry." Pinagsalikop na lang ni Geallan ang mga kamay habang may kabang  sinusundan ng tingin ang papalayong ama.

Mukhang hindi naman masamang tao. Wala namang nakakabahalang kilos maliban sa pagkukubli sa halamanan. Hindi naman sinaktan ang kanyang ama habang kinakausap ang mga ito. Tinapik pa ni Seg ang isa sa balikat bago bumalik sa kanila.

"Sino po 'yon?"

"Nothing. Malalaking lamok lang. Just go para makabalik agad kayo."

"Okay po." Humalik siya sa pisngi ng ama bago lumulan ng sasakyan na pinagbuksan ni Brent.

Nilingon niya ang likod ng sasakyan. Noon niya nadiskubreng apat na lalaki ang nakakubli. Nag-unahan ang nga itong tinakbo ang sasakyang nakaparada sa kabilang kalsada at pawang naka-hoody.

Sino ba 'yon? Naputol ang pagmamasid ni Geallan nang maramdaman niyang kinuha ni Brent ang kamay niya at kinintalan ng munting halik.

"Thanks, Brielle." Isang munting ngiti ang ibinigay niya rito.

HINDI niya akalain na matindi ang gusto sa kanya ni Brent. Handa raw itong maghintay at manligaw nang matagal at tingin niya ay unfair iyon sa parte ni Brent dahil kaibigan lang ang tingin niya rito. Iniharap niya ang kinauupuang bar stool  kay Brent. Kinuha niya ang dalawang kamay nitong nakapatong sa mga hita nito.

"Makinig ka, Brent. Isa ka sa mababait na nakilala ko simula nang mag-aral ako sa Primrose. Kung papasok man ako sa isang relasyon, gugustuhin kong ikaw na lang. Pero..."

"Pero! A word that can slice my heart," Brent growled. Pinisil niya ang kamay ni Brent.

"Hindi pa kasi ako handang magmahal ulit. Medyo hindi maganda ang experience ko sa dalawang past relationship ko kaya medyo nadala na ako. Gusto ko munang mag-focus sa pag-aaral at pamilya ko." Matamaan siyang pinakatitigan ni Brent. Nanunuri ang titig na ibinigay nito sa kanya.

"Isa ba sa dalawang nakarelasyon mo ay si Coach del Fierro?" She was completely taken aback by his query. Paanong nalaman nito?

"It was obvious. The way he looked at you. The way you scolded him kapag walang nakakakita. Parang kilalang-kilala niyo ang isa't isa. Parang may nakaraan kayo." Binitawanan ni Geallan ang kamay ni Brent at mapait na ngumiti.

"And you still love him. Don't  you?"

"Hindi! Hindi na!" Deny niya.

"It's easy to slip out of your mouth, but your eyes can't hide your true feelings. You still love him." Geallan lowered her head as she gnawed her bottom lip.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon