Chapter 5

252K 6K 882
                                    

WALANG imik si Geallan mula sa sasakyan hanggang sa madala niya ito sa kanyang bachelor's pad. Nagmadali siyang bumalik sa guest room kung saan niya iniwan si Geallan matapos niyang kumuha ng pamalit ng dalaga. Isang puting T-shirt at boxer short  ang kanyang kinuha  mula sa kanyang closet.

Kung paano niyang iniwan si Geallan sa silid ay ganito pa rin niya ito nabalikan. Nakaupo sa gilid ng kama at wala pa rin imik. She was staring blankly at the floor. Dock placed the stuff on the bed before sitting beside her. Nanghawakan niya si Geallan sa balikat ay napapitlag ito, nasa mukha ang matinding takot nang ibaling sa kanya ang tingin at bigla na lang itong umiyak.

Marahan niyang kinabig ang dalaga at masuyong niyakap. Mukhang may matinding pinagdaan ito.

"Ano ba ang nangyari? Ano ang ginagawa mo sa lugar na 'yon? Geallan, hinintay kita. Magdamag akong naghintay."

"Sorry... kasi pinasama ako ni Nanay sa Maynila para raw magtrabaho sa barko. Club naman pala..." tuluyan itong humagulhol.

Dock pulled back  to see her face. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat pero dumaing ito na parang nasaktan. Inalis ni Geallan ang kamay niyang nakahawak sa kabilang balikat nito.

"What's wrong?" Hinawi niya ang jacket para makita ang balikat ng dalaga. May paltos ang balat nito na parang pinaso.

"Ano ang nangyari dito?" Nang ibalik niya ang tingin sa mukha ni Geallan ay noon niya napansin ang sugat nito sa sulok ng labi. Hinawakan niya ang panga  nito.

"Sino ang may gawa nito sa 'yo, Geallan?"

"Si Rex. Ang anak ng may-ari ng club. Pinagtangkaan niya akong gahasin. Pinatakan niya ako ng kandila, sinampal at sinuntok sa tiyan. Dumating lang 'yong kapatid niya kaya hindi natuloy. Nakakatakot siya! Para siyang halimaw!" Nagtagis ang mga ngipin ni Dock sa narinig.

"Si Rex Atanante?" Ang rapist na 'yon! Nabalita ang panggagahasa ng hayup na 'yon sa isang menor de edad na anak ng katulong ng pamilya  nito. Sinadista ang bata pero pinapalabas ng kampo nito na bayaran ang bata at binugaw ng sariling ina.

"Kanina, gusto ng foreigner na 'yon na makipagtalik ako sa dalawang lalaki sa harapan nila. Kung hindi ka dumating siguradong may nangyari ng masama sa 'kin."

Masuyong ikinulong ni Dock ang mukha ni Geallan sa palad niya at pinahid ang luha.

"Dapat malaman 'to ng pamilya mo. Gusto mo bang tawagan ko sila?" Marahas na umiling si Geallan.

"Hindi! Alam ni Nanay na club ang pupuntahan ko. Sadya niya akong ipinangbayad sa pagkakautang niya. Ayaw kong maniwala kay Santina n'ong una pero tinawagan niya si Nanay at pinakausap sa 'kin. Ang sabi ni Nanay dapat raw na pagtrabahuhan ko ang pagkakautang niya dahil kung hindi ko raw pinatay si Tatay hindi siya mababaon sa utang." Tila bukal ang mata nito dahil sa walang katapusang pagbulwak ng luha mula sa mata nito.

"Nagawa ng nanay mo 'yon?" Hindi niya makapaniwala! May gan'ong  klase bang ina para hayaang mapahamak ang sariling anak.

"Bakit ganito... bakit ganito ang kapalaran ko? Lahat ng kamalasan nasalo ko na... Mabait naman ako, eeeh!" Muling niyakap ni Dock si Geallan nang pumalahaw ito ng iyak. Mariing ipinikit ni Dock ang mata at masuyong  hinaplos ang likod ng ulo ng dalaga. Matinding awa ang naramdaman niya para rito at nasasaktan siya para sa dalaga.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko! Saan na ako pupunta? Ayoko nang bumalik sa lugar na 'yon! Ayoko nang bumalik sa isla."

"Dito ka sa 'kin. You can stay here as long as you want. Tahan na. Tahan na!" Inilayo ni Geallan ang sarili kay Dock.

"Talaga? Aampunin mo ako?" Dock's face slowly broke out into wide grin. Sa kabila ng pagkaawa rito at galit na nararamdaman  sa mga hayup na muntik umabuso kay Geallan ay napangiti siya dahil ka-cute-an ng babaeng ito.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon