Chapter 14

263K 6K 1K
                                    

Nagrevise po ako sa chapter 13.. don't mind na lang sa differences. Binuhay ko lang naman si Mr. Swift. Hehe! It will affect the next story.  Thank you!

---

Dock and Javan went out with Dock's friends. Ayaw niya sanang lumabas pero sinundo siya ni Wilson at kinaladkad patungong club. Kaya sa ayaw at gusto ni Javan ay isinama niya ang lalaki. Hindi niya gustong maiwan ito at si Geallan sa condo. Mahirap na. Baka pagbalik niya wala na si Geallan at isinama na  ni Javan.

Tumayo si Dock mula sa kinauupuan at nilapitan si Javan sa bar counter. Umupo siya sa katabing high stool na kinauupuan nito. A cut crystal glass of some amber liquor was clutched loosely in his hand. 

"Kailan mo balak umalis?" Bumaling ng tingin sa kanya si Javan habang siya naman nakatuon ang mata sa hawak na alak. Sumimsim mula sa alak bago bumaling kay Javan.

"Bilib ako sa kompiyansa at diskarte mo. Pero 'yon nga lang, hindi 'yan uubra sa 'kin." Sabay na dinala ng dalawang lalaki ang mga baso sa kanya-kanyang bibig habang nakatingin sa isa't isa.

"If do you think I'm gonna let you steal my girl. Puwes nagkakamali ka, Javan. From the moment she entered into my life, she's already mine. So better to fuck off because I'm not gonna give up on her without putting a goddamn fight."

Matalim siyang tinitigan ni Javan. Sapat ang malikot na ilaw ng club para masabing nakalabit niya ang tinitimping galit nito base sa ekspresyon ng mukha ni Javan.

Javan tried to relax his expression. He took a swig of his drink and asked for  another drink to the bartender before he spoke without looking  at him.

"Alam mo, pare. Geallan is craving for freedom since  then. Pero hindi niya magawa dahil sa pagiging mabuting anak at kapatid. Ang pagsakay sa barko ang gusto niyang gawin. Magiging malaya siya sa paraan na makakatulong pa rin siya sa pamilya niya." Javan lifted the glass from the counter and took another gulp of amber  liquid before  snapping his eyes to him.

"Kailangan ka lang niya ngayon dahil sa tulong na ipinangako mo pero ako ang mahal niya."

Dock's face slid into sardonic grin.

"Ikaw ang mahal niya pero ako ang kailangan niya. And love doesn't  always really matter, but money and power does, and those are Geallan's needs right now.  It just happened that I was the only one who can provide what Geallan's needs. And I will use my advantage just to keep her. I won't give you even a single chance to take her away from me. Mark my word!" He downed the remaining content of his drink before placing the glass on the counter and left.

Kung kinakailangang gipitin niya si Geallan ay gagawin niya manatiling kanya lang ito. Wala ng karapatan ang Javan na 'yon kay Geallan dahil unang-una ay sinaktan na nito si Geallan. Geallan is his now.

Bumalik si Dock sa kanilang mesa kung saan naroon ang tatlong kaibigan, Tres, Alford and Wilson. Tinapik ni Wilson ang hita ni Dock at may itinuro ito sa pinakamadilim na bahagi ng bar.

"Si Nyke 'yon 'di ba?" Dock squinted his eyes to get a better view of the  smooching silhouettes in the dark.

"Damn, Pare! He was fucking dating Samantha's step mom. Nasisiraan na ba ang kapatid mo? Kapag nalaman 'to  ni Mr. Swift delikado siya. Mr. Swift is a dangerous man." Kung may nakakakilala man kay Mr. Swift ay si Wilson iyon dahil kaibigan ng pamilya nito ang Swift family. Kasosyo sa negosyo. At financier ng lolo at ama ni Wilson sa eleksyon.

That kid must be out of his fucking wits. Tatayo sana si Dock para lapitan ang nakababatang kapatid nang lumapit naman si Javan sa kanila.

"Uuwi na ako," imporma nito.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon