Chapter 3

259K 5.1K 921
                                    

Hindi mapigilan ni Geallan ang mapangiti habang nagda-drive ng bangka kapag naaalala si Dock.  Hapon na siyang umalis sa yate ng binata. Ayaw siyang paalisin agad.  Nakipagkwentuhan pa ito. Napag-alaman niyang may tatlo itong kapatid, isang lalaki at dalawang babae. Tingin niya ay protective ito sa mga kapatid dahil kahit sa kanya ay naging protective ito kanina. Pagsakay niya kasi ng bangka kanina ay inilipad ng hangin ang suot niyang bestida,  pinakamaganda at pinakamabangong bestidang naisuot niya buong buhay niya. Ang kapatid  ni Dock ang may-ari nito.

At ayon nga! Tinakpan ni Dock ang mata ni Nognog gamit ang palad dahil nakatingin din sa kanya si Nognog. Nakagalitan siya ni Dock, ipitin daw niya ang bestida niya dahil nasisilipan siya. Malaking halaga  rin ang ibinigay sa kanya ni Dock para sa bayad sa isda. Sampong libo. Sobrang laki. Dapat dalawang libo lang ang kikitain niya sa nahuling isda. Napakalali na niyon dahil madalas ay limang daan hanggang pitong daan lang ang kita niya, at kapag malas-malas ay dalawang daan hanggang  tatlong daan lang. Swerte lang talaga kanina at medyo madami ang huli. Magagandang klaseng isda pa nahuli niya. 

Ngayon lang siya nakatanggap ng buong sampung libo. Ayaw niya sanang tanggapin iyon dahil kalabisan iyon pero nagpumilit si Dock. Bayad na raw nito iyon para sa huhulin niyang isda bukas. Kung maaari raw na huwag na muna siyang mangisda. Samahan daw niya itong mag-ikot sa mga karatig isla. Pumayag naman siya. Bukod sa perang bayad sa kanya  ay gusto niya rin itong makita ulit. Gusto niyang  makasama ulit. Masarap kasama si Dock. Masarap  kausap at sandali niyang nakalimutang isa siyang taong pasan ang lahat ng problema mundo. Medyo nahihirapan lang siya minsan kapag nagsasalita ito ng Ingles. Ang bilis at nagkakaroon ng accent. Hindi niya maintindihan. Tatango-tango na lang siya.

Napag-alaman niyang may islang pag-aari si Dock dito sa lugar nila. May beach house daw ito roon. Napakayaman! Bagay na ipinagkait sa kanyang pamilya.

Nang maihinto ang bangka ay kinuha niya ang perang  nasa sobre, nakaipit sa kanyang panties. Kumuha siya ng tatlong libo at muling ibinalik sa pagkakaipit. Tatlong libo lang ang ibibigay niya sa nanay niya. Itatago niya ang iba. Lihim siyang nag-iipon.  Medyo marami-rami na rin iyon.

"Mga talakitok!" Sigaw niya at sinabayan na wagayway ng kamay. Nagsilingunan naman ang pitong lalaking nakaupo sa putol na punong niyog. Malapad na ngumiti at nagsilapitan sa kinaroonan niya. Tumalon siya mula sa bangka at patakbong tinungo ang baybayin.

"Kamu na bahala sa baroto nako, ha?"

"Way problema, Geallan," tugon ni Bert isa sa mga kababata niya.

"Kagwapa nimo karon, ah?" Puri sa kanya ni Bert.

Namaywang si Geallan, "Karon lang?"

"Boot nako pasabot mas ni gwapa ka karon. Nindot man gud imo sanina karon murag dili trapohan."

Malakas na tumawa si Geallan. Sabagay mukha ngang basahan lagi ang damit niya at ngayon ay nag mukhang kaayaaya ang kanyang anyo. Mukha talaga siyang maganda ngayon.

"Kamo na bahala diha , ah?"

"Oh, sige! Kanina ka pa pala hinahanap ni Javan. Nag-alala sa 'yo."

Mga kaibigan niya ang karamihan sa lalaki rito. Mas marami siyang kaibigang lalaki kumpara sa kababaehan. Hindi niya nga alam kung bakit pero parang halos lahat ng babae rito mainit ang ulo sa kanya. Lagi siyang sinisiraan. Ilan lang ang maituturing na kaibigan.

Iniwan niya sa mga kaibigan ang bangka. Ang mga ito na ang bahalang humila niyon patungong baybayin. Habang malalaki ang hakbang patungo sa kanilang bahay ay natanaw na agad niya si Javan, ang kanyang ex boyfriend na asawa na ngayon ng kapatid niyang si Alice. Isa pa ito sa araw-araw na pasakit sa kanya. Ang makasama sa iisang bubong ang lalaking sobra niyang minahal, ang lalaking kasama niyang nangarap at nangakong mamahalin siya habang buhay. Ang lalaking kasama niya sa pangisngisda araw-araw.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon