Narinig niyang napahagikgik ang ina sa kabilang linya.

"Ikaw talaga. Watch your mouth, Ardin," pabirong saway nito. "So, nakita mo na ba iyong coffee shop na sinasabi ng lola mo?"

Mas lalong nagdikit ang kilay ni Ardin nang maalala na halos maikot na niya ang buong mall pero hindi niya pa rin makita ang coffee shop na sinasabi ng Lola niya kung saan mabibili ang paborito nitong sugar free graham balls.

"Hindi pa nga, 'Ma. Sigurado ka bang sa mall 'yon?" kunot-noong tanong niya.

Duda siyang sigurado ang ina dahil natagalan pa ito sa pagsagot.

"Sabi kasi ng Lola mo sa Intramuros daw, kaya akala ko sa Manila Mall. E, anak, i-Gugel map mo na lang kaya?"

He let out a sigh. "Okay, I'll get back to you later." Pagbaba niya ng cellphone ay itinipa niya sa Gugel search bar ang pangalan ng coffee shop.

Results: Espresso Your Love coffee shop is located at Victoria Street, Intramuros, Manila. A 5-minute walk from your location...

PAGKATAPOS mabili lahat ni Janessa ang mga pasalubong para sa pamangkin at para sa ama ay agad na rin siyang bumalik sa café. Nasa gitna na siya ng kalsada papunta sa gusali nang biglang may sumulpot na black luxury car sa daan.

Gulat na nabitiwan ni Janessa ang mga pinamili. Sa lakas ng busina ng sasakyan ay kamuntikan pa siyang mabuwal.

"Shit!" Tumingin siya nang masama sa nakahintong sasakyan sa harapan. "Are you going to kill me?!" sigaw niya kahit duda naman siyang maririnig siya ng driver nitong nasa loob.

Makalipas ang ilang segundo ay bumukas ang driver's door ng kotse at iniluwa ang nakasimangot na pamilyar na mukha ng lalaki.

Oh, the disheveled looking guy again, bulong niya sa isip at naalala ang ginawang pagtalikod nito sa kanya kanina nang magkabanggaan sila sa mall.

She arched a brow and propped her hands on her waist, trying to look as fierce as she can while throwing dagger looks on the scowling man beside an open driver's door.

"Ikaw na naman?" mababa ang tinig na sabi nito habang umiiling-iling.

"Aba, talaga naman..." napapailing na komento ni Janessa at pilit na pinahaba ang pasensya sa lalaking napakaarogante. Tinitigan niya muli ito nang masama nang magsimula itong maglakad palapit sa kanya.

At habang naglalakad ito palapit ay kusa namang naglumikot ang paningin niya sa kabuuan nito.

So he's not as really disheveled as I thought he was. He looks like a doctor–or a scientist–or what–with those slightly formal attire, and a little attractive with that undisciplined jet-black hair–

"Hey, are you just gonna stand there?"

Napakurap si Janessa at biglang naglaho ang animo'y mga bituin na kumikislap sa paligid.

"Ikaw, kanina ka pa, ha! Nananadya ka ba talaga? O baka naman sinusundan mo ako?" sa inis ay sunod-sunod na ratsada niya.

Napakunot-noo naman ito at parang hindi makapaniwala na tumitig sa kanya.

"Are you crazy?"

Nagpanting bigla ang tenga ni Janessa sa narinig.

"Excuse me?" nakataas ang isang kilay na balik- tanong niya. "Ikaw nga yata itong baliw dahil balak mo akong sagasaan!"

Nagsalubong na naman ang makakapal na kilay ng lalaki.

"Ikaw 'tong basta na lang tumatawid." Lalong nag-init ang ulo ni Janessa.

"Bakit? Sa'yo ba 'tong kalsada?!" She was fuming mad. Pero itong lalaking kaharap niya ay mataman lang na nakatitig sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin? Ikaw pa ang galit, gano'n?"

"You don't know me...?"

Sa tono ng boses nito ay hindi niya malaman kung question ba iyon o statement. Tinaasan niya ito ng isang kilay.

"Why should I know you?"

Hindi ito sumagot. Nagbalik ang kunot nito sa noo habang nakatingin sa kanya.

"Pwede ka na bang umalis sa kalsada?" Nasapo na niya ang noo.

"Juicecolored. Bakit ba may ganitong tao?" Isa-isa na niyang dinampot ang mga paper bags na nagkalat sa daan, ni hindi man lang siya tinulungan ng lalaki.

Walang pagdadalawang isip itong sumakay muli sa sasakyan at pinaharurot ang sasakyan. Siya naman ay naiwang magliliyab na sa labis na inis.

__

"TITA Janessa!"

Sabay-sabay na sumalubong sa kanya ang apat na makukulit niyang pamangkin. Pumalibot ang mga ito sa kanya at isa-isang kinuha ang dala niyang paper bags.

"O, walang mag-aaway, ha? Lahat kayo mayroong pasalubong kay Tita," natatawang sabi niya sa mga batang anak ng Kuya Viktor niya.

"May pasalubong din ba ako, Janessa?"

Napalingon siya sa pamilyar na boses ng nagtanong. Nang makitang ang Lola Imelda niya iyon ay agad siyang tumakbo at niyakap ito nang mahigpit.

"Lola! Na-miss ko po kayo!" parang bata na sabi niya sa matanda. "Mabuti naman po nakauwi kayo. Malapit na ang Pasko."

"Inagahan ko talaga. Alam kong abala ka sa trabaho pagdating sa ganoong buwan. Kumusta ka naman ba?"

"I'm doing great, 'La," nakangiting sagot niya.

"May boyfriend ka na ba uli?"

Kung may kinakain siguro si Janessa ngayon ay baka naibuga na niya. Umuwi pala ang lola niya rito sa Pinas para lamang kumustahin ang lovelife niya.

"Wala ka pa ring boyfriend, Janessa?" kunot-noong ulit nito.

Lumayo siya nang bahagya sa matanda.

"Lola, naman. Umuwi ka ba rito para lamang itanong 'yan sa 'kin?"

"Oo. Iyon lang talaga ang rason ko sa pag-uwi," deretsahang sagot nito. "I'm worried about you. Baka tumanda kang dalaga."

Umiling-iling siya. "Wala namang masama sa pagiging mag-isa, Lola–"

"That's a lame excuse!" kaagad na putol nito. "Look at yourself, hindi ka na bumabata–"

"'Ma, kauuwi mo lang hina-highblood mo na naman ang sarili mo," putol ng ama niya na kanina pa pala sila pinagmamasdan mula sa bukana ng kusina. Naka-apron pa ito at nakabalot ang mga kamay ng pot gloves. "I cooked your favorite rollatini pasta, Janessa."

Patakbo niyang tinungo ang kusina para yakapin ang ama. "May binili ako para sa'yo." Iniabot niya rito ang isa pang paper bag na hawak.

"Ang sweet naman ng baby girl ko." Sinilip nito ang laman ng paper bag. "My favorite color."

Nang ilabas ng ama ang polo sa paper bag ay bigla niyang naalala iyong arogante at napakayabang na lalaking nakabangga niya sa mall–siyang muntikan na rin makasagasa sa kanya kanina.

The best 'Panira of the Day' goes to...

Napapailing na lumapit ang lola niya sa kanila ng Daddy niya.

"Oo nga pala, Edmundo. Nasabi mo na ba sa kanya ang–"

"Hindi pa, 'Ma. I think it's better na ikaw na ang magsabi sa kanya," maagap na putol ng Daddy niya. "I'll leave you two muna. Ihahanda ko lang ang specialty ko." Muli na itong pumasok sa malawak nilang dirty kitchen.

Naiwan silang dalawa ng lola niya sa bukana ng kusina. Base sa mga tingin ng lola niya sa kanya at sa tono ng pananalita ng daddy niya kanina ay may pakiramdam siyang hindi niya magugustuhan ang kung ano mang sasabihin nito.

Shades of ArdinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon