CHAPTER 15: Acquaintance Bloody Party

Start from the beginning
                                    

Nang matapos akong umihi ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Well, I’m still pretty.

Palabas na ako ng restroom nang may marinig akong nag uusap kaya pumasok ulit ako at nakinig sa pinag uusapan nila.

"Alam niyo na ang gagawin niyo. Hayaan niyo munang mag enjoy sila. Exactly at one o’clock am mangyayari ang palabas." Rinig kong sabi ng isang familiar na boses.

"Makakaasa kayo, Master."

One o’clock? Palabas? Anong mangyayari mamaya? Anong binabalak nila? Kailangan kong malaman kung anong pinaplano nila.

Nang maramdaman kong umalis na sila ay lumabas na ako ng restroom at bumalik sa kinauupuan ko kanina. Pinagmasdan ko lang ang paligid. Maingay, magulo pero masaya. Pinagmamasdan ko ang bawat kilos ng mga tao. Mapa-students, professors and waiters.

May napansin akong mga taong kahina hinala ang kilos. Paniguradong kasama sila sa mga nagbabalak sumira ng gabing ito.

May napansin akong isang lalaki na lumapit sa isang waiter at may iniabot sa kamay. Maya maya ay may lumapit na isang estudyante sa waiter at nanghingi ng wine.

Napansin kong nakangisi ’yong lalaki.

"May I have this dance?" Napatingin ako sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko. Si Zach. Tumingin muna ako sa paligid bago ko tinanggap ang kamay niya. Marami na ring nagsasayaw ng sweet. Aaminin ko, hindi ako sanay makipagsayaw ng ganito. Ang corny kaya pero tinanggap ko pa rin naman ang alok niya.

Naglakad kami papunta sa pinakang center ng mga nagsasayaw na tao. Nang tumigil kami doon ay inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya at inilagay naman niya ang mga kamay niya sa bewang ko. Nakita ko si Sandy na kasayaw ang pinsan niyang si Jeff. Sweet talaga ng magpinsang ito. Si Zils naman ay may kasayaw na iba.

"You look stunning."

"I know right." Confident kong sabi dahilan para mapangiti siya.

Nang matapos na ang isang kanta ay umupo na kami.

Lumapit naman sa ’kin si Jeff at inalok akong magsayaw. Hindi naman ako choosy kaya go lang at tsaka kaibigan ko din naman itong lalaking ’to eh.

"Ang ganda mo pa rin talaga Amira kahit kailan." Nakangiting sabi ni Jeff.

"Sus! Ito naman, maliit na bagay." Sabi ko at masaya lang kaming nagkwentuhan hanggang sa naisip ko siyang asarin.

"You miss her, right?" tanong ko na ikinakunot bahagya ng noo niya.

"Who?"

Kunyari pang hindi niya alam kung sinong tinutukoy ko.

"Sus, kunyari pa."

"Of course, lahat naman kayo na-miss ko."

"Ah okay." I said sarcastically habang patango tango.

Umupo na rin kami pagkatapos nung kanta.

Maya maya ay nagkumpulan ang mga tao sa parteng gitna kaya naki usyoso ako..
Nakita ko ’yong lalaking estudyante kanina na nanghingi ng wine. Bumubula ang bibig.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siguro akong may inilagay na lason sa wine.

Agad na kinuha nung guard ’yong estudyanteng lalaki at dinala sa hospital.

"Parang may mali." Sabi ni Sandy. Malakas din pakiramdam nito eh.

"I think so." Pagsang ayon naman ni Zils.

Lumapit ako ng konti dun sa dalawa.

"Siguraduhin niyong hindi kayo iinom ng wine." Bulong ko na ipinagtaka nila.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now