Na ikinagulat ng lalaki dahil imbis na matakot siya sa sinabi nung lalaki ay hindi niya ito pinansin at pinagsawalang bahala

'Sino ba tong babae na ito? Hindi man lang natakot sa sinabi ko' Isip-isip ng lalaki

Magsasalita na sana yung lalaki kaso nagsalita ulit na naman si Axzhea

"Hala! Yung susundo sa akin baka nandun na! Lagot ako kay mommy at daddy! Huhuhu!" Mangiyak-iyak na si Axzhea habang sinasabi ito

"What's your name?" Biglang sambit ng lalaki

'Hala bat niya tinatanong pangalan ko?!? Huwaahhh!' Hysterical na isip-isip ni Axzhea

"Ayoko sabihin! Sabi ni mommy at daddy "Don't talk to strangers"! At bakit ko naman sasabihin sayo?!" Sabi ni Axzhea at nagpout bigla

"Ako ang susundo sayo" Maikling sambit ng lalaki at may pahabol pang sabi

"Wag ka nga mag pout mukha kang pato" Nakasimangot na sabi ng lalaki

'Ang cute niya' sambit ng lalaki sa isip niya

"Ay! Ikaw po susundo sa akin? Hehehe! Ako po si Axzhea Kim" pakilala ni Axzhea

'Phew! Akala ko kung sino si kuya, siya pala susundo sa akin. Medyo napahiya ako konti dun. Huhuhu!' Sambit ni Axzhea sa kanyang isip

"Halika na sundan mo ko" sabi ng lalaki at naglakad na papunta sa gate ng Hellvianna Academy

Habang naglalakad sila biglang nagsalita si Axzhea

"Kuya?! Ano po name niyo? Hihihi!" puna naman ni Axzhea at childish na nagsalita

"Max" maikling sabi ni Max

"Huwaw! Ang ganda po ng name mo" manghang sabi ni Axzhea

Nang asa tapat na sila mismo ng gate ay kumatok si Max at may kung anong lengwahe ang sinabi at biglang bumukas ang gate

'Hala ang galing automatic' Manghang sabi ni Axzhea

Nang mabuksan ito ng tuluyan ay mamamangha ka sa masisilayan mo. Sobrang linis ng paligid at makikintab ang mga desenyo ang natatangi dito ay puro itim, pula, puti at ginto ang makikita mong kulay.

"Hala! Shet ang ganda dito" Ani ni Axzhea

Sinusundan lang ni Axzhea si Max hanggang sa nakarating na sila sa isang pinto.

Kumatok si Max sa pinto na nakalagay ay 'Head Master Office'

"Come in" sabi ng isang lalaki mula sa loob ng kwarto

Hellvianna AcademyWhere stories live. Discover now