Chapter 11

977 21 1
                                    

Sorry for the long wait, guys!! Happy birthday Kim Jun Myeon!!



ARZALEY KAYLIE'S POV


"Arzaley." Tawag niya.






"Oh bakit? Ano meron, Zach?" Tanong ko nang tinawag ako ni Zach. Dismissal na at hinihintay na lang namin sila Mazeon at Savannah bago tuluyang umuwi. Kaming dalawa lang ni Zach ang nasa labas ng room dahil sabi ni Ethan ay may pupuntahan lang daw siya and babalik agad.

"Gusto mo sumama?" Balik niyang tanong sakin.

"Sumama saan?" Nagtataka ko pa ring tanong.

"Airport." Tipid naman niyang sagot.

"Ano gagawin natin dun?" Di yata ako mauubusan ng tanong eh. Putol putol naman kasi sumagot ang isang to.

"Susunduin sila Tita." Sagot niya ulit. Tita?

"Sinong tita?" Bakit ba ang bagal mag-process ng mga sinasabi niya sa utak ko err.

"Tita?? Nanay mo? Mom mo?" Frustrated niyang sagot na parang ako ng ang pinaka-bobong taong naka-usap niya.

"Oh my mom." Sabi ko at tumango-tango pa pero wait ANO DAW!! "Wait, what?! Nandito sila Mom? Oh my gosh! Let's go!!" Masaya at sobrang excited kong sabi nang tuluyang ma-process ng utak ko ang sinabi niya.

"Wait lang. Diba hihintayin pa natin sila Mazeon?" Paalala niya naman sakin.

"Wag na! Tara na! Sabihan mo nalang sila thru text." Sabi ko at hinila na siya. Sakto namang nakasalubong namin si Ethan kaya binilinan na siya ni Zach.

"Hoy Ethan! Una na kami ah! Di kasi makapaghintay tong isang to. Sabihin mo kila Mazeon may emergency lang." Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yun ay hinila ko na ulit siya. Excited na kong makita ulit sila Mom, Dad and Ate Alex!

Nang makarating kami sa parking lot ay pumunta agad kami sa sasakyan ni Zach. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto. Pagkasakay niya ay ini-start niya na ang engine and drove off. Ngunit bago pa kami tuluyang makalabas sa campus ay nahagip ng mata ko si Mazeon na nakatingin sa direksyon namin.

Ilang minuto lamang ang inabot namin bago marating ang airport. Nag-text kay Zach si Mom na sa labas na daw sila ng airport maghihintay kaya lumabas ako at nilibot ang mata sa lugar.

"Ley! Yun sila oh!" Sabi ni Zach at hinatak ang kamay ko papunta sa tinuturo niyang direksyon. Tinignan ko lang siya at nagpahila na. Bakit nga ba? Bakit di nalang si Zach ang nagustuhan ko? Bakit di ko siya naging crush dati? Edi sana kami na ngayon diba. Edi sana di ako nasaktan sa nakita ko kahapon. Hindi ko alam kung bakit ako tinawag ni Mazeon. Di ko alam kung nananadya ba talaga siya kaya in-ignore ko nalang siya at nagpaalam kay Savannah na mauna na kong magbayad bago lumabas ng Forever 21.

"LEY!!" Sigaw ni Ate Alex at niyakap ako na nakapagpa-balik sa wisyo ko. Na-miss ko to. Na-miss ko sila.

"Ate!" Ang tangi kong nasabi dahil tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Niyakap ko din siya pabalik.

"Ate Alex, pinaiyak mo nanaman si Arzaley oh. Ang iyakin mo talaga, Ley." Asar naman sakin ni Zach. Tumawa sila Mommy and Daddy kaya hinampas ko nang malakas si Zach.

"Mom! Dad!" Tawag ko at niyakap sila.

"We missed you, bunso." Sabi ni Dad at hinalikan ako sa noo.

"Tita, Tito, tara na po?" Tanong ni Zach at nag-gesture patungo sa kung nasaan yung kotse niya. Tumango naman sila Mama at Papa kaya pinasok na ang mga gamit nila bago sila sumakay sa likod. Sa shotgun seat naman ako umupo.

"So, kailan na ba talaga ang kasalan?" Asar ni Daddy saming dalawa ni Zach. Ugh. Yan nanaman sila. Tuwing nakikita nilang magkasama kami ni Zach, lagi nila akong inaasar. Kesyo, kami na daw ba, kung hindi bakit di pa daw ako ligawan ni Zach.

"DAD!!" Inis kong sabi at tinignan ko siya ng masama.

"Hay nako, Tito! Alam mo ba na may g─"

"Manahimik ka na nga lang at mag-drive!" Sabi ko pagkatapos kong hampasin ng mahina ang bibig niya.

"Dad, Mom at ikaw Zach! Wag niyo na nga asarin si bunso! Mamaya umiyak nanaman yan!" Saway ni ate at tumawa.

"UGH! BAHALA NA NGA KAYO!!" Inis kong sigaw. Tinawanan lang naman nila ako.

~~~~

Nagising ako ng may yumugyog sakin. Si Zach. Nakatulog pala ako.

"Nandito na tayo." Sabi ni Zach tsaka bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. 

"Bakit tayo nasa condo ko?" Tanong ko ng matanaw kung nasaan kami.

"I will stay here with you. Para naman makapag-bonding tayo noh!!" Excited na sabi ni Ate Alex.

"Eh kayo Mom, Dad?" Baling ko naman kila Mom.

"Sa bahay nalang kami." Sagot ni Dad.

"Puntahan nalang namin kayo ng ate mo bukas." Dagdag pa ni Dad.

"No dad! Kami na lang ni Ate pupunta sainyo tomorrow morning to bond with you guys. I missed you so much! Maga-absent na lang ako." Tanggi ko sa suhestyon ni Daddy.

"Oo nga po, pa." Pag-agree ni Ate.

"Don't you have quizzes tomorrow, anak?" Tanong ni Mommy sakin.

"Nope, mom. We don't have one. Diba, Zach?" Ako.

"Wala. Wala po, Tita." Sagot ni Zach at ngumiti.

"Oh sige, una na kami mga anak." Paalam naman ni Mommy samin.

"Sige po. See you tomorrow mom and dad!" Paalam ni Ate Alex.


"Thank you sa paghatid, Zach. Bye Mom and Dad!" Paalam ko naman. Kumaway sila Dad at nag-salute naman sakin si Zach na may kindat pa kaya natawa na lang ako.


I heard Dad saying na siya na magd-drive papuntang house namin bago sila tuluyang sumakay ng kotse at umalis.









[End of Chapter 11]

===========================================================

Will introduce Arzaley's sister next chapter :))

Love at First Sight?! [REVISING]Where stories live. Discover now