Chapter 4

1.3K 29 1
                                    

ARZALEY KAYLIE'S POV

Di ko alam kung bakit ang aga kong nagising... It's 3:00 AM for fuck's sake! Pero sabi nila, kapag daw nagigising ka ng saktong 3:00 AM may nakatingin daw sayo...geez! But no, hindi ako naniniwala sa mga ganun. Meron pang isang bagay na di mawala sa isip ko simula nung maalala ko yun kahapon. Si Mazeon, kahawig siya nung lalaking nakita ko sa park nung fisrt day and I also remembered Savannah saying na absent siya nung first day. Ewan, I should'nt give a damn about this pero yung puso ko kasi. Tuwing nakikita ko siya, malayo pa lang sobrang lakas na nang kabog ng puso ko. Nung nakita ko yung guy sa park, ganun din yung nararamdaman at naramdaman ko tuwing nakikita ko siya lalo na nung hinawakan niya yung kamay ko para makipag-shake hands. Gosh! Am I starting to be crazy?! Sa kaiisip sa nararamdaman ko hindi ko namalayang nakatulog pala ulit ako.

MAZEON KACE'S POV

Nasa school na ko, kasalukuyang naka upo sa isa sa mga bench at hinihintay yung mga bugok kong kaibigan nang may mahagip ang mga mata ko sa di kalayuan... Kahawig niya yung babaeng tinititigan ko sa park nung first day. Tulad nang nangyari sa park, di ko nanaman maialis ang tingin ko dun sa babae. Siya ba talaga yun? Tatayo na sana ako at maglalakad papunta dun sa babae pero may biglang nagsalita at humawak sa balikat ko.

"Hoy, tol! Tulala ka diyan!" Napabalikwas tuloy ako sa kinauupuan ko at di natuloy ang balak na pagpunta sa babaeng nakita ko.

"Gago ka, Zach!" Asar na sabi ko.

"Tulala ka eh. Lalim ng iniisip. Kanina pa kita tinatawag." Paliwanag niya.

"Oh, nasan nanaman si Ethan?" Bago ko na nang usapan.

"Malay ko dun! Late nanaman siguro ng gising." Sagot niya.

"Love ko! Good morning!" Yan nanaman siya. Akala ko ba hindi sila?

"Hi, Mazeon!" Bati sakin ni Savannah at nag-cling sa braso ko. Napatingin naman ako kay Zach.

"Tigilan mo na ko sa "Love Love" na yan, Arzy ah." Sabi ni Zach. Mukhang sumama nanaman ang aura niya.

"Mazeon, may kasabay ka mamayang lunch? Sabay tayo!" Masayang sabi ni Savannah.

"Kasama ko na kasi sila Zach. And you have Arzaley to eat lunch with you." Iwas kong sagot sakanya.

"Huy, Savannah! Nakakahiya ka! Tara na nga!" Pabulong na sigaw ni Arzaley pero narinig pa rin namin yun. Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinila na niya si Savannah ngunit tumigil siya at nagsalita, "Sorry dito sa kaibigan ko, Mazeon, Zach." at tuluyan na niyang hinila yung kaibigan niya.

"Ganun ba talaga yun? Ang clingy pala nun." Sabi ko habang pinagmamasdan si Arzaley na patuloy ang paghila kay Savnnah.

"Yeah, she's clingy but that's one of the reasons why I loved her." Sagot nito sakin.

"Crush na crush ka talaga nun. Minsan lang siya maging ganun, mahiyain kasi siya talaga. Sa crush lang talaga niya siya nagkakaganun." Dagdag pa ni Zach.

"Ang seryoso niyo ah!" Biglang sabat ni Ethan na kakarating lang at umakbay samiin.

"Sus! Ako bahala sayo, Zach. Kahit na sinabi mo saking di mo na siya gusto." Tawa ko at tinapik si Zach sa balikat. Binatukan ako ni Zach kaya agad kong hinimas ang aking batok at hindi pa rin pinapansin si Ethan. Nagsimula na kaming lumakad ni Zach at iniwan namin si Ethan.

"Hoy! Mga ugok! Iiwan niyo lang ako dito?!" Sigaw niya pero di na namin pinansin. Late late kasi dumating eh. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at di na pinansin ang sinabi ni Ethan.



ARZALEY KAYLIE'S POV

"Hoy! Bat mo ko nilayo kay Fafa Maze!" Reklamo ni Savannah. Hindi ko alam pero nairita ako sa pag-cling niya kay Mazeon kanina.. grr.

"Nakakahiya ka kaya alam mo ba yun! Gusto mo itakwil kita?" Biro kong banta sakanya. Siyempre di ko pinahalata na nairita ako kanina dahil interrogation nanaman ang bagsak ko.

"Eh kasi crush ko yun eh! Alam mo naman na nagkaka ganun ako sa mga crushie ko, diba? Atsaka, minsan lang ako mapansin ng mga crush ko." Sabi niya at nagpuppy eyes. Hay nako tong babaeng toh!

"Wag kang magpuppy eyes diyan ang panget mo. Atsaka, sige na! Wag ka lang masyadong madikit. Naiinis ako eh." Sabi ko pero pabulong na lang yung huling sentence na mukhang di naman niya narinig.

"Oo na, oo na! Alam ko naman nakakahiya na yung ginagawa ko pero di ko kasi mapigilan eh." Sabi naman niya.

*uwian*

Pagkatapos nang klase ay lumapit samin sila Ethan.

"Hey, girls. Sabay-sabay na tayo." Sabi niya.

"Sige ba!" Pagsang-ayon naman ni Savannah.

"Nasan si Mazeon?" Tanong ko nang mapansin wala pala siya.

"Uyyy!! Hinahanap-hanap!" Asar ni Zach sakin.

"Ang epal mo eh noh, Zach!" Sabi ko at tinignan ng masama si Zach.

"Oh ayan na pala siya eh." Nakangiting saad ni Ethan at tumingin sa pintuan.

"Bakit? Anong meron?" Tanong nito at napatingin sa direksyon ko. Ang gwapo niya pala talaga. Ang tangos ng ilong tas ang ganda ng ngiti niya.

"Baka matunaw yan." Bumalik ako sa realidad ng bumulong si Zach sakin kaya naman agad ko siyang hinampas sa braso.

"Ah wala yun, ano, tara na?" Tanong na ni Ethan.

"Sige, tara!" Sagot ko.



MAZEON KACE'S POV

"So, Arzaley, kailan mo aamining crush mo si Mazeon?" Tanong ni Zach na mukhang inaasar si Arzaley.

"Alam mo ikaw love, tigil-tigilan mo ko ah." Nakangiting sabi ni Arzaley at pinisil si Zach sa pisngi ng mahigpit na ikinatawa ko.

"Gusto mo bang ilabas ko ang baby pictures mo?" Dagdag pa niya.

"Ilabas mo nga yung mga pictures niyan." Pagsang-ayon ko naman.

"Yes naman! Nagkakampihan sila! Close na kayo?" Asar naman ni Ethan sakin. Gago.

"Manahimik ka diyan." Sabi ko nalang.

"Ooh, may kasalanan ka pa naman sakin Zach." Arzaley.

"Ano nanaman yun?" tanong ni Zach.

"Yung binatuhan niyo ko ng bolang papel." Sagot ni Arz at sinamaan ng tingin sila Ethan.

"Maze, anong meron sainyo ni Arz?" Biglang tanong sakin ni Savannah pero pabulong lang.

"Huh? Wala naman. Kakakilala ko nga lang sainyo, diba?" Sagot ko na ikinangiti niya. Masayang ngiti.

"Buti naman." She said feeling relieved at nakangitin pa rin.

"Tss. Nag-sorry na ko dun okay?! At hindi ako yun, si Ethan yun." Zach na parang iritado.

"Oh? Bat parang ikaw pa galit? Gulo mo ah." Nairita na rin si Arzaley.

"Tama na yan." Awat ni Ethan.

"Oo nga, let's just call it a day. Bye na!" Paalam ni Savannah at hinila si Arzaley na mukhang nabad trip na nang tuluyan.

"Yeah. Savannah's right! Magpahinga na tayo. Sa sobrang init ng araw umiinit na rin ang ulo niyo." Ethan.



Pagkatapos ay nagpaalam na kami sa isa't-isa at nagkani-kaniyang alis na kami para umuwi.
















Love at First Sight?! [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon