Chapter 2

2K 41 0
                                    

watch the video in the multimedia if you want to but if not then you can continue reading ^_^

MAZEON KACE'S POV



Nagising ako sa alarm kong napakaingay.. Yes, you've read it right, nag-alarm na ko para di na malate. So, ginawa ko ang mga normal na ginagawa ko araw-araw at nang natapos ay kinuha ang susi ng aking sasakyan pati na rin ang bag ko tsaka lumabas para makapunta ng school.

Nang dumating ako ay bumaba ako at agad nakita na nag-usap-usap ang mga babaeng nakakita sakin. I'm pretty sure they're again talking about how handsome I am haha..

Agad naman akong sinalubong ng dalawa kong kaibigang si Zachery "Zach" Alexander Flores at Ethan "Ethan" Rio Fernandez.

"Orb! Long time no see!" Sabi nila Zach at Ethan at nag bro hug kami.

"Naks naman! Pumasok na siya!" Kantyaw naman ni Ethan.

"Loko! Na-late kasi ako nang gising kahapon eh haha!" Paliwanag ko.

"Tara na! Ano bang section mo?" Tanong naman niya.

"4A- Abditive" Sagot ko. Ang ibig sabihin ng abditive is hidden or secret. Apat lang ang sections namin. 4B- Bivious (means "splitting into two"), 4C- Calefacient (means "warming") at 4D- Dapocaginous (means "heartless"). Ewan ko kung ano naisipan nila sa names ng bawat section.

"Ayos! Magkakaklase na pala tayo ulit eh! Tara!" Masayang sabi ni Zach.

Tumunog ang bell hudyat na uwian na. Hindi ko alam ngunit parang napakabilis ng oras pag hindi pa nagsisimula ang klase.

Agad naman kaming lumabas nila Zach at Ethan.

"Bro! I saw a beautiful girl earlier!" Sabi ni Ethan at inakbayan ako.

"Pake ko?" Maikling sabi ko.

"Ang harsh mo talaga sakin eh noh!" Kunwaring nagtatampong sabi ni Ethan kaya natawa ako.

"Gago!" Sabi ko at binatukan siya.

"Pero seryoso , ang ganda niya. She looks like an angel." Dagdag naman ni Ethan.

"Hayaan mo na yan, Ethan! Later, he'll eat his words. Pake daw niya." Kampi ni Zach kay Ethan at nag smirk pa ang loko.

"Lul! Isa ka pa! I don't care and for sure I wouldn't care!" Ako.

"Well, let's see." Sabi ni Zach at bumulong kay Ethan. Nagkampihan nanaman ang dalawang ugok. Sanay naman na ko. Lagi nila akong pinagtutulungan lalo na kung tungkol sa babae.

"Oh, yan na pala sila eh!" Ethan at tinuro ang dalawang babaeng nag-uusap. Napatingin naman ako. Yung isang babae, she looks familiar. Sakto namang lumingon yung babae at parang nagulat. I saw Zach smirk.

"Love ko!" Sigaw nung babae at tumakbo papunta kay Zach at yumakap sakanya. Nakita ko namang bumulong si Zach dun sa babae at kay Ethan. Ano nanaman bang binabalak nitong ugok na toh?

"Arz, miss mo nanaman ako?" Zach.

"Siyempre. Ang tagal kitang di nakita noh!" Sabi nung Arz?

"Hey, Savannah." Bati ni Zach pero tinarayan lang siya nito.

"Uh. By the way, this is Ethan, love." So girlfriend niya tong babaeng toh? Nakita kong nakipag kamay si Ethan.

"Hi Ethan! The name's Arzaley." Pagpapakilala naman nung Arzaley.

"And this is Mazeon." Sabi ni Zach at lumapit sakin si Arzaley. Ang ganda niya. No! She's Zach's girlfriend. Ayokong mag-away kami ni Zach over a girl.

"Arzaley." Simpleng sabi niya and flashed her beautiful smile at inabot ang kamay niya. Tinanggap ko naman iyon pero agad ring binitawan. Nakita ko nanamang bumulong si Zach kay Ethan.

"I'm going." Seryoso kong sabi.

"Oh! Bakit naman? We're still going to hang out with our new friends." Ethan na nakangiting parang nang-aasar.

"I just remembered that I still have some errands to do." Sabi ko.

"Alright. Sige. Ingat ka." Sabi ni Zach at brino-hug ako.

"Ingat, par." Bati din ni Ethan. Nagsimula akong maglakad papuntang sasakyan ko. Nang makasakay ako ay agad kong stinart ang engine at nag drive paalis.

Ano ba tong nararamdaman ko? Nagseselos ba ko? Eh? Ang baduy man pero na love at first sight ata ako.

ZACHERY ALEXANDER'S POV

"Mukhang gumana, bro!" Tuwang tuwang sabi ni Ethan sakin.

"Syempre. Akalain mo yun si Arzaley lang pala kailangan natin eh." Sabi ko at inakbayan si Arz. Nakita ko kasing nag-iba ang aura ni Mazeon kanina kaya tinignan ko kung tama ang hinala ko. Hinayaan ko lang si Arzaley na tawagin akong "Love" kahit nakakairita pero para sa nagbi-binata kong kaibigan ginawa ko hahaha.

"Ano bang trip niyo?" Tanong naman ni Arzaley.

"Samin na yun. Atsaka yun na ang huling tatawagin mo kong love ah. Nakakairita eh." Ako.

"Sus! Kanina nga gustong-gusto mo eh!" Asar naman niya.

"Teka! Kailan pa ba kayo magkakilala?" Tanong ni Ethan.

"Matagal na. Magkaba-bata kami. Lagi niya akong tinatawag na love kasi naaasar ako. Kaya hanggang ngayon yun pa rin ang pang-asar niya sakin." Sagot ko kay Ethan.

"Pero hanggan ngayon di niya pa rin inaaming gusto niyang tinatawag ko siyang love." Sabi ni Arzaley at tumawa sila ni Ethan.

-_-

"Hoy babaita, uuwi na tayo sabi mo!" Singit ni Savannah. Hay ang ganda niya talaga tas ang cute niya pag nagagalit. Oo, yan ang babaeng gusto kong tatawag sakin ng "Love" at hindi si Arz. Gusto ko siya noon at ngayon ay hindi pa rin iyon nagbabago. Niligawan ko siya dati pero sa hindi malamang dahilan ay nagalit siya sa akin at binasted ako. Humingi ako ng tawad sa kung ano mang nagawa ko pero wala talaga eh. Siguro ay hindi pa ito ang tamang panahon para sa aming dalawa.

"Ay hehe. Tara na. Sige Ethan, Zach, mauna na kami. Bye!!" Paalam niya.

"Sige, bye Savannah and Arzaley!" Bati pabalik ni Ethan. Nginitian ko nalang sila.

ARZALEY KAYLIE'S POV

"Hay buti naman umalis din tayo dun. Di ako makapag-react eh. Shocks! Ang gwapo ni Mazeon!" Biglang sigaw ni Savannah paglabas namin.

"Huy! Nakakahiya ka talaga! Ang ingay ingay mo!" Saway ko naman sakanya.

"Okay from now on may bago na kong crush!!" Kinikilig pa ring sabi niya. Naiirita na ko ah. Hindi dahil sa ang ingay niya, pero dahil sa nagkaka-crush siya kay Mazeon? Ewan!

"Manahimik ka na diyan! Pinagtitinginan na tayo dahil sayo eh!" Ako at hinila na siya paalis ng eskwelahan.

Maya-maya ay umimik ulit siya at buti naman may saysay na yung sinabi niya hahahaha

"Kain tayo! Treat ko!" Yan ang sinabi niya and of course, who am I para tanggihan siya. Minsan lang manlibre yan.

"Sure!"

*After 30 minutes*

Pagkatapos namin kumain ay bumili pa kami nang ilang clothes at umuwi na rin. Ngayon ay naglalakad na ko papuntang condominium kung saan ako nakatira. Nahagip nanaman ng mata ko yung magandang penthouse. Pag dumadaan ako dito di ko maiwasang hindi mapatingin. Pero di tulad ng dati, merong lalaking nakatayo sa may balcony at nakita kong napatingin siya sakin kaya umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makapasok ako sa condo unit ko ay agad akong nagbihis at humiga sa kama ko. Ewan ko pero naiinis pa rin ako sa thought na crush ni Savy si Mazeon. Ngayon ko lang toh naramdaman so ewan ko kung anong nangyayari sakin. Hayyy. I decided to sleep nalang but pero nagdasal muna ako then turned the lights off at natulog.





Love at First Sight?! [REVISING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant