Chapter 8

1K 33 3
                                    


ARZALEY KAYLIE'S POV

Nagising ako dahil sa phone kong vibrate ng vibrate at tunog ng tunog. Tinignan ko ito at nakitang may messages si Zach sakin.

From: Zachery Alexander

Huy Arzaley! Gising ka na ba?

Reply ka naman.

Hoy may gala tayo ngayon babaita!

Tinext ko na si Savannah. Papunta na raw siya. Pumunta ka na dito kasi pag wala ka pa daw humanda daw ako sakanya!

Oy!!!

Malapit lang sa condo mo yung meeting place natin. Yung penthouse na nadadaanan papuntang park. Yun yung bahay ni Mazeon.

Kung tulog ka pa ABA BUMANGON KA NA PO! BAKA DI MO NA KO MAABUTAN KASI PARATING NA YUNG KAIBIGAN MO AT WALA KA PA RIN!!

PARANG AWA MO NA SUMAGOT KA NA! AYOKO PANG MAMATAY! MALAPIT NA DAW SIYA!

HAAHAHHAHAHA may saltik talaga to sa ulo eh. Ni replyan ko nalang siya habang natatawa.


To: Zachery Alexander

EDI SABIHIN MO NA ANDYAN NAMAN SI MAZEON! SUS! HINA NG UTAK MO EH NO!

Kakagising ko pa lang po. Pasensya na boss!

Maya-maya pa ay sumagot din naman siya.


From: Zachery Alexander

OO NGA NO, DI KO NAISIP YUN! SALAMAT!

PERO ANONG KAKAGISING MO LANG?! 10AM USAPAN TAPOS KAKAGISING PA LANG! BILISAN MO NGA KUMILOS!

Nandito na yung mahal ko! Hinampas ako pasalamat daw ako nandun si Mazeon! Langyah ka Arzaley!

Napatingin naman ako sa orasan. ANO?! 9:11 na! Dali-dali akong tumayo at niligpit ang pinagtulugan ko. Di ko na nireplyan si Zach at naghanap nalang ng isusuot tsaka pumasok sa CR.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na kong maligo at bihis na. 9:23 na. Binilisan ko na ang pagsusuklay, nang matapos ay kinuha ko ang bag ko at nilagay ang mga dapat ilagay. Di na ko kumain dahil sayang pa ang oras. Nilock ko na ang pinto ng unit ko at naglakad papuntang elevator.


To: Zachery Alexander

Malapit na po ako. Sandali lang. Nandyan na ba kayo lahat?


From: Zachery Alexander

OO! TAGAL MO TALAGA EH! TEKA TATAWAGAN KITA.

Pagkatapos kong basahin ang text niya ay tumawag nga siya kaya naman sinagot ko ito.

"Oh! Bakit ba?" Tanong ko naman agad.

"Anong bakit ba! Kailangan pa ba kitang sermonan para bilisan mo ang kilos mo? Kaya tayo laging nale-late dati eh! Ang bagal mo!" Reklamo niya.

"Ang arte mo! Para kang babae kung magreklamo eh. Tss." Napapairap kong sabi sakanya.

"Lagi namang yan yung sinasabi mo. Bilisan mo nalang!" Patuloy ako sa paglalakad ng mabilis ng may mabunggo ako dahilan para malaglag ang phone ko.

"Hala! Pasensya ka na, miss!" Sabi nung guy na nabangga ko at pinulot ang phone ko.

"Sorry din. Nagmamadali kasi ako eh." Paliwanag ko at kinuha ang phone ko sakanya.

"Parehas pala tayo eh. May hinahanap kasi ako." Sabi niya.

"Napansin ko nga. Are you lost?" Tanong ko.

"Kind of. Saan ba yung park dito?" Tanong niya naman.

"Sumama ka na sakin. Papunta rin naman ako sa direksiyon papuntang park eh." I said.

"Sige! Salamat! Uh.. taga dito ka ba sa condong to?" Tanong niya sakin.

"Oo. Ikaw? Masasabing kong di ka taga-dito dahil naliligaw ka. Bakit ka nandito?" Ako.

"Ah may kaibigan lang akong hinahanap. Di kasi niya sinabi kung saan siya banda dito eh. Tas ngayon sabi niya sa park na lang daw kami mag-meet." Sagot niya.

"Nako, baka nadadaldalan ka na sakin ah. Sorry! By the way, I'm Keith Alvarez!" He said lending his hand for a hand shake.

"Ano ka ba, hindi naman no! Okay lang! I'm Arzaley Gomez." I answered at nakipag-shake hands.

"So, may we?" Tanong niya.

"Okay! Let's go!" Sagot ko.

Naglalakad na kami ng nag-text si Zach. Oh, I forgot about him.

From: Zachery Alexander

BAT MO KO BINABAAN NG TELEPONO?! SUMBONG KITA KAY TITA AH! mAY JOWA KA NA!

To: Zachery Alexander

Sira! May nabangga kasi akong guy! Nahulog phone ko. Namatay siguro pagka pulot niya.

From: Zachery Alexander

Hays! Oo nalang. Lagi ka talagang may dahilan eh no! Alis na kaya kami? Hmm.

Di na ko sumagot dahil natanaw ko na sila sa harap ng penthouse.

"Yun na yung park." Sabi ko kay Keith at tinuro kung nasaan ang park habang naglalakad pa rin.

"Ah, salamat, Arzaley. Mauna na ko ah. Nice meeting you." Sabi niya at ngumiti.

"Welcome. Nice meeting you too!" Sagot ko rin at ngumiti bago siya tuluyang maglakad papuntang park.

"Hmm.. Naaamoy niyo ba yun? Amoy merong nagseselos?" Bungad ni Ethan pagharap ko sakanila. Naabutan kong siniko siya ni Zach at tumingin sila kay Mazeon kaya naman ay napalingon rin ako sa kanya.

"Sino yun?" Seryosong tanong ni Mazeon at tinitigan ako.

"Just someone." Sagot ko atsaka umiwas ng tingin. Bakit ba ang awkward?

"Babaita! Ang tagal mo!" Sigaw ni Savannah at nakipag-beso sakin. Buti na lang at maingay tong si Savannah. Nakakatakot yung pagiging seryoso ni Mazeon at yung katahimikan nila eh.

"Ang tagal mo talaga kahit kailan!" Si Zach pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan at inakbayan ako tsaka kinotongan.

"ARAY KO!" Reklamo ko bago siya hampasin sa ulo at irapan.

"Tara na nga! Harot!" Badtrip na sabi ni Savannah pero binulong niya na yung huli. Hay nako! Si Zach kasi nabaliw na naman. Selos tuloy tong kaibigan ko. Kaya naman kinurot ko si Zach sa tagiliran. Agad siyang nagreklamo sa sakit at hinimas ang kanyang tagiliran.

Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan na hindi ko alam ang dahilan kung bakit ay hinila na ako ni Zach dahil sakanya daw ako sasabay. Tapos si Savannah naman ay hinila ni Ethan so, walang kasabay si Mazeon.

Nagreklamo pa nga si Sav na gusto niya daw kay Mazeon sumabay. Tinignan ko naman si Mazeon na mukhang wala sa mood at tulala. May problema kaya siya? Nang tuluyan na kaming makasakay sa kanya-kanyang kotse ay biglang nagsalita si Zach.

"Selos."

"Huh?" Nagtataka kong saad.

"Wala! Ang manhid mo na nga, ang bingi mo pa! Sabihin ko nga kila tito na ipacheck-up ka na." Sagot niya kaya naman batok ang inabot niya.

"Ewan ko sayo!"Sabi ko na lang bago niya pinaandar nang tuluyan ang kotse niya.




Ano ba kasing ibig niyang sabihin dun? Selos? Sino?











Love at First Sight?! [REVISING]Where stories live. Discover now