Part 1

1K 7 0
                                    


Ako si Jamie. 2nd year college taking up MassComm. I'm gonna start sharing kung paano ko ba nakilala ang totoong ako. 😊

Bago mag-end ang school year nung 2017, nagkaroon ng victory party yung volleyball team nila Ate Maan. Si Ate, ahead sya saken ng 2 years, pero same course lang kami. Medyo brusko yung ate ko na yun, barako kumilos, kaya laging natutukso sa bahay na tomboy. Pero sexy naman siya, at babaeng babae kung manamit, pero hindi mo siya makikitaan ng makeup or lipstick. Part siya ng volleyball team ng buong college, at nakuha pa siya para maglaro for regional meet.

So last year nga, nanalo sila ng mga ka-team niya, at bilang celebration, nag-overnight swimming sila sa Batangas. Sinama ako ni Ate Maan, wala kase akong ibang kasama sa dorm since nag-uwian na ng probinsya yung mga dormmates namin. Kami lang ni Ate yung mag-stay pa ng mas matagal kase madami pa siyang inaasikaso para sa scholarship niya as athlete.

First time ko makasama yung mga teammates ni Ate kase galing sila sa iba't-ibang schools. Dalawa lang sila na nakuha sa school namin eh, siya at si Anj. Ang galing nga eh, si Anj kase, siya yung bestfriend ni Ate. Parang friendship goals, pareho silang maganda, pareho pang magaling sa sports.

Nakilala ko si Anj nung nagstart ako sa college, best buddies kase silang dalawa ni Ate. Madalas din siyang nakikitulog sa dorm lalo kapag gabi na sila natatapos sa training.

Medyo nahihiya ako sa mga kaplayers nila, ako lang kase yung hindi ka-belong. Ako yung salingpusa dun. Okay lang naman sana magstay ako sa dorm pero pinilit ako ni Ate, responsibilidad daw niya kase ako. So, oo na lang ako.

Bago pumunta dun sa beach resort, nagkita kita muna kami sa park kung saan andun yung coach nila at may jeep na naghihintay samin, 3pm ata nun. Umupo ako sa dulo, left side, habang katabi ko naman si Ate Maan, at katabi niya si Anj. Sa jeep pa lang, may kakaiba na akong napansin. Nasa 15 siguro kaming nakasakay, tapos halos lahat by pair. Nung una binalewala ko, pero may dalawa sa kasama namin, napansin ko na magkahawak kamay. Maya-maya pa, naka-amoy na ako ng iba. May tatlong pairs siguro yun sa mga kasama namin na sobrang sweet. Deadma naman si ako.

Habang nasa daan, umimik yung nasa katapat ko. Nasa dulo din siya, sa right side. "Maan, eto ba yung kapatid mo?"

Ate: Oo, bakit? Maganda din noh? Parang ako?

Nagtawanan lahat sila. Ako naman napangiti lang, tapos napatingin ako dun sa nagtanong kay Ate. Ngumiti din siya saken. 😊 Ano kayang pangalan niya? Parang siya lang kase yung pinakaapproachable sa kanilang lahat. Mukha pang mabait. Nahihiya naman akong magtanong. 🙁

Tahimik lang ako buong byahe. Hanggang sa may napansin na naman ako. Yung kamay ni Ate Maan, nakahawak sa bewang ni Anj sa buong byahe. Ayoko sanang bigyan ng malisya pero kase, nakahawak naman si etong si Anj sa hita ni Ate. Napapaisip tuloy ako...🤔

Nung dumating kami sa resort, nagunload agad kami ng mga gamit. Lahat kami may dalang tents. Kanya-kanyang set up na agad, para makapagparty na din daw agad. Natapos din namin agad yung tent namin, ka-share ko yung dalawa ni Ate Maan at Anj sa tent.

Pumunta ako sa may side ng beach para umupo. 5 minutes na siguro akong andun nung dumating yung girl na nagtanong kay Ate kanina sa jeep. Pumunta siya sa tabi ko, pero nakatayo.

Siya: So, same college ba kayo nila Maan at Anj?

Me: Oo (sabay ngiti) 😊

Siya: Ano nga ulit name mo?

Me: Jamie, ikaw?

Siya: Shey. (Nakipagshakehands siya, tapos umupo sa tabi ko.)

Shey pala yung pangalan niya. Ang cute naman. Sabagay, cute din naman siya. Nalaman kong sa kabilang bayan pala yung school niya. At siya ang libero ng team nila. Sa katawan niya, halatang nagsports nga siya. Medyo morena siya, siguro dahil na din sa madalas siyang nakabilad sa araw during training, pero bagay sa kanya. Medyo matangkad pa siya.

Nagkwentuhan kami ng konti. Wala daw kase siyang masyadong kaclose sa mga teammates niya, puro daw kase magjojowa sila. So ayun, confirm na nga. Nagtatanong pa nga ako sa kanya kung sino sino ang magpapartner, pero hindi niya ako sinagot. Kay Ate ko na lang daw itanong.

Maya-maya, tinawag na din ako ni Ate Maan. Around 6pm, ready na daw yung food namin. So ayun, kainan na lahat. Mabilis kaming nakatapos, and nakaready na agad yung mga alak. For their victory daw. 🤣 Ako naman, hindi daw pwedeng uminom sabi ni Ate.

Kanya-kanyang pwesto na kami, may circle na table kase na malapit sa tent namin, na may chairs din. So magkakasama kami sa isang table, 10 siguro kami, tapos yung iba nagsswimming. Magkatabi yung dalawang magbff ni Ate Maan and Anj, tapos ako yung katabi nila, beside me nakaupo naman si Shey, nagrequest din ako na siya na lang tumabi saken kase siya lang ang kaclose ko so far. Then the rest yung mga magjojowa na, Rhea and Jing, Ali and Lyca, Mhai and Yanna, nakilala ko after iintroduce ni Shey.

Medyo gumagabi na din kaya nagstart na sila magshots. Ako naman nakikinig lang at nakikitawa sa mga kwentuhan nila. Minsan tinatanong din nila ako para maencourage akong magsalita pero isang tanong, isang sagot lang ako. Maya't-maya nga akong tinatanong ni Shey "Okay ka lang ba?" Sabi ko okay lang, wag na daw akong mahiya.

Mabilis nila naubos yung unang bote ng alak. Pero parang anlalakas naman nilang uminom. Lalo na itong si Shey. Nung sumunod na tagay niya, tinanong niya ako ulit kung okay lang ba ako. Hindi kase ako umiimik. Natatawa na lang ako, ilang beses na kase siya nagtanong. "Okay nga lang ako. Hindi naman ako nahihiya, di lang talaga ako pala-imik."

Shey: Basta wag ka na mahiya samin. Part ka na din ng barkada.

Nagshot ulit si Shey, pagkatapos hinawakan niya yung kamay ko. 😱

He's a SheWhere stories live. Discover now