“Why are you so determined ba kuya na hindi matuloy yung kasal na magaganap between Z.A and Chanelle?” tanong ni Pierrine pero hindi siya sinagot ni Kiel kaya she started nagging like a child hanggang sa mapahinto kaming lahat nang sumigaw si Kiel.

“Because I love her! Okay na? Damn it!” at nagsuot na siya ng earphones at di na kami pinansin pa.

Puta, in love nga ang gago.

Chanelle's POV.

Simula nang mabasa ko yung note na yun, hindi ko na magawang magalit o kamuhian si Zico. Nagmahal lang siya and he doesn't deserve all the things that happened to him.

Pero I didn't let him to sleep beside me kagabi. Hindi sana siya papayag pero nakagawa ako ng pinaka-nakakakilabot na excuse na ginawa ko sa buong buhay ko.

“Buntis ako, Zico. Baka madaganan mo yung baby natin, gusto mo ba yun?”

At dahil alam nga niyang ako si Nikka, pumayag naman siyang hindi tumabi sa'kin. Kita sa mukha ni Zico na sobrang saya niya and I really don't know what to feel. Awang-awa ako sa kalagayan niya.

Muntik na 'kong mapatayo sa gulat nang kumalabog ang pinto at biglang pumasok si Zico na tarantang-taranta. “What happened? Why ar—OUCH! ZICO!” bigla na lang niya akong hinila palabas habang may sukbit-sukbit siyang malaking bag.

“Zico, ano ba! Masakit yung hawak mo!” napalingon siya sa'kin at biglang niluwagan ang pagkakahawak niya sa'kin pero patuloy pa rin niya 'kong kinakaladkad. “Where are we going?”

Paglabas namin, duon ko lang nalaman na nasa tabing dagat pala kami. Never kasi akong sumilip sa maliit na bintana sa kwarto ko dahil nasa bandang itaas iyon at hindi ko naman abot. “They're on the way here, we need to hurry! Ilalayo ka nanaman nila sa'kin!” tarantang-taranta siya habang tinatahak namin ang garahe ng bahay.

“They? Sino?” nang makita niya ang van na ginamit namin sa pagpunta dito, marahas niya 'kong hinila at tinulak sa loob.

Pumasok naman siya agad sa driver seat at pinaandar ang kotse. Papaliko na sana kami nang isang van ang humarang saamin kaya muntik na kong sumubsob sa harapan dahil sa lakas ng preno. Pagtingala ko, may isang lalaking lumabas sa van na matagal ko nang gustong makita.

It's Kiel. Kitang-kita sa mukha niya ang galit. Dahil hindi naman heavy tinted itong kotse, kitang-kita niya ko. His face became soft nang makita niya ko at feeling ko gusto nang umiyak anytime.

Damn. I missed him so much.

Nagulat ako nang yakapin ako ni Zico kasabay nang pagbukas ni Kiel ng pintuan ng kotse sa side ko. “No! No! She's mine! Ilalayo mo nanaman sa'kin si Nikka and our baby! Ayaw ko! Ayaw! Go away!” my eyes started to fall seeing Zico nagging like a baby again. Nasasaktan ako para sa kaniya dahil alam kong hindi niya tanggap ang pagkawala ng mag-ina niya.

Marahas akong hinila ni Kiel palabas ng kotse dahilan para kumalas si Zico sa yakap niya sa'kin. “You fucking psycho! This girl is not Nikka, you idiot!” sigaw ni Kiel at nilagay niya ko sa likod niya. “And to remind you, she's not yours because she's fucking mine! Baliw!” sabay sara niya ng malakas ng pinto kaya napatalon ako sa gulat.

Hinarap ako ni Kiel sa kaniya at nagtama ang mata namin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon, miss na miss ko na siya.

Hinaplos ni Kiel ang pisngi ko dahilan para mas lalo akong maiyak. “I fucking missed you so much, baby.” napapikit ako ng ilang segundo nang halikan niya ako sa noo. “Let's talk later, lagot ka talaga sa'kin.” sabay hawak niya sa kamay ko at hinila papunta kila kuya Eros na nakababa na ng van.

Papalapit na sana kami sa pwesto nila kuya Eros nang may humila sa'kin at kasunod nun ay ang pagtutok ni Zico ng baril kay Kiel. “Z–zico...”

“You stay there, Kingscotte! Hindi na 'ko papayag na kuhanin mo pa sa'kin si Nikka! Akin siya! Akin!” ang higpit ng yakap sa'kin ni Zico. Napalingon ako kila Pierrine na aligaga at parang may tinatawagan.

Tinignan ko si Kiel na walang emosyon ang mukha na nasa harapan ko ngayon. How can he stay calm gayong may nakatutok sa kaniyang baril?!

“Fuck! Zico! She's not Nikka!” sigaw ni Kelvin sa di kalayuan pero hindi siya pinansin ni Zico at mas lalong hinigpitan ang hawak niyang baril na nakatutok kay Kiel.

“Z–zico... stop doing this. Hi–hindi ako si Nikka. Please, stop.” pagmamakaawa ko pero wala siyang pinapakinggan niisa saamin.

“Zico Cray Fournier.” tawag ni Kiel sa kaniya. “Do you really think that Nikka really took her own life and the baby?” napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kiel.

Napanood ko yung video and its really clear na nagpaka— What the hell.

Hindi ko nga pala tinapos ang video. Ibig sabihin...

Before I even utter a word, biglang may dumating na itim na SUV. Nagulat ako nang biglang lumabas si Soigné. Nagtama ang mata namin at nanlaki ang mata niya nang makita niya ang sitwasyon namin ngayon.

“What the hell, Zico?!” sigaw niya at lumapit saamin. “Nasisiraan ka na ba talaga ng bait?!”

Hinila ako paatras ni Zico. “What are you doing here, Soigné? Nandito ka rin ba para kunin sa'kin si Nikka?” ramdam na ramdan ko ang higpit ng hawak ni Zico sa baril na hawak niya. “Pwes, di ako papayag! Magkakamatayan muna tayo bago niyo siya makuha sa'kin!”

“Nikka... Ano?” naguguluhang tanong ni Soigné. “What the fuck, Zico? She's not Nikka! Nababaliw ka na talaga!”

“Stop saying that she's not Nikka because she's Nikka! She's pregnant and we will going to have a baby!”

“What the fuck?! Tarant—” lalapit na sana si Kiel nang lahat kami ay napahinto sa isang maliit na boses na sumisigaw papalapit saamin.

“Papa! Papa!” nanlaki ang mata ko nang bigla lumapit ito kay Zico at niyakap ito. Nawala ang pagkakayakap sa'kin ni Zico kaya mabilis ako nahila ni Kiel at niyakap.

Lumingon ako kung sa direksyon kung saan nanggaling ang bata at nanlaki ang mata ko sa mga pares ng mga mata na nakatingin sa'kin ngayon.

Lumingon ako kung sa direksyon kung saan nanggaling ang bata at nanlaki ang mata ko sa mga pares ng mga mata na nakatingin sa'kin ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Nikka... buhay ka?”

humpyducknie.

MISSION: BREAK THE PRINCE RULEWhere stories live. Discover now