Chapter 1

4.2K 88 38
                                    

Chapter 1

Chanelle's POV.

“Oh anak, bakit gising ka pa? Maaga pa ang unang pasok mo sa K.U bukas diba?” sabi ni mom pagka-pasok pa lang niya sa kwarto ko. Hindi man lang kumatok!

Pinagpatuloy ko lang ang pagkakabisado sa University ng Kingscotte na binigay sakin ng guard nung nanghingi ako nung isang araw.

“Matutulog na rin ako, mom. Kinakabisado ko lang yung buong University bukas baka kasi maligaw ako, mahirap na.” sa laki ba naman ng K.U ewan ko na lang kung di ka pa maligaw non, noh!

Wala talaga akong balak mag-transfer sa Kingscotte University kasi nandun yung kuya kong ubod sa demonyo yung pag-uugali! Kaya nga di kami close non, pinaglihi kasi sa sama ng loob. Pinagbigyan ko lang si mom sa gusto niya para daw maging close kami ni kuya kung doon na 'ko mag-aaral. Huh! Asa ka pa, mom.

“Oh sya, sige. Kapag tapos mo diyan, matulog ka na anak okay? Goodnight.” she kisses my cheeks at lumabas na ng kwarto. Napatingin na lang ako sa pinto ko na pinaglabasan ni mom, I wished that dad is here. I'm sorry mom.

~*~

“Baaaaaaaaaakla!!!” kakababa ko pa lang ng kotse, boses na ng kaibigan kong loka-loka ang sumalubong sakin. “Taray! Kumo-kotse ka na bakla! Hatid mo 'ko later ha?” sabay kawit sa braso ko at walanghiya! Nag-beautiful eyes pa si loka.

“Hoy, Pierrine Kingscotte! Ako nga tigil-tigilan mo. Ginawa mo pa 'kong driver mo eh, noh? Kung dunggulin kaya kita diyan!” umakto pa kong sasapakin ko siya pero di talaga natinag at tinawanan pa 'ko.

“Ewan ko sa'yo, bakla! Pero omg! I'm so happy at naisipan mo ng lumipat dito sa University namin. You know, I still don't have friends here kahit 3rd year na tayo.” biglang sumimangot yung mukha niya kaya natawa ako “Eh kasi naman! Kakaibiganin lang nila ako for two reasons. First, dahil isa ako sa anak ng may-ari ng University na 'to and second dahil kuya ko ang pinagpapantasyahan nila!” Wait, kuya?

“May kuya ka pala?” tanong 'ko. Hindi naman kasi kami pala kwento ni Pierrine kasi 2 months pa lang naman kaming mag-bestfriend. We met with a mutual friend then we clicked, that's all. We became friends to bestfriends.

“Yep, his name is Kiel. Ay, oo nga pala! Alam mo na ba yung about sa ru—OUCH!” nagulat ako nang biglang nagsitakbuhan yung mga students papuntang gate and unfortunately nabangga ang madaldal kong bestfriend. “What the hell?! Humanda kayo sakin mamaya!” sigaw pa niya then she raises her middle finger. The fvck?!

“Hoy!” pinalo ko yung kamay niya “Bad kaya 'yan! Halika na nga!” hinila ko na siya papuntang room namin. Yep, we're classmates. Since kinabisado ko na yung University kagabi, alam ko na kung saan yung room namin.

30 minutes pa bago mag-start yung class kaya nag-paalam muna ako kay Pierrine na magc-CR muna ako. “Sige, bilisan mo. 30 minutes na lang before mag-start yung class.”

Nasa 2nd floor pa yung CR eh nasa 4th floor kami, musta naman 'yun diba. Tumakbo na 'ko dahil ayokong ma-late, noh! Baka maabu—“ARAY!”

Saktong papaliko na 'ko nang may saktong papaliko rin sa direksyon 'ko kaya unexpectedly nabangga namin ang isa't-isa. “Hala, sorry!” tumayo ako agad at nilapitan siya. Masakit ata yung pagkakabagsak ng pwet niya, lagot ako. “Di ko sinasadya, okay ka lang ba?” Ihing-ihi na 'ko!

Napakunot ang noo niya at kalauna'y tumawa rin. Baliw ba ang isang 'to?

Tumayo siya sa pagkaka-upo at tinignan ako. “It's okay. It just hurts right here.” sabay hawak niya sa pwetan niya kaya napatawa kami parehas. “I guess, you're a transferee?” tumango ako “Oh, that's why. I'm Joshua Alonte.”

MISSION: BREAK THE PRINCE RULEKde žijí příběhy. Začni objevovat