Chapter 5.3: Her Sweetest Nightmare

Start from the beginning
                                    

Yan ang mga bulung-bulungan habang naglalakad ako sa campus ng bago kong school. Okay, sanay na naman ako. Lahat naman ng napupuntahan ko every year ganyan ang mga reaksyon nila.. 

Kinindatan ko nalang sila at ayun, naiwan na nagtititili.

South Apex High, huh. Sinuggest lang to ni Uncle kaya dito na ako lumipat. Next year kaya saan maganda? :] Sa susunod ko na iisipin yan. Mukhang masaya din naman dito sa eskwelahan na to eh. Maraming magagandang chicks. ;)

"Jayvee Nate Dy." Sabi ko dun sa matandang babaeng nasa front office.

Hinanap nya ang pangalan ko sa computer at binigyan ako ng isang folder with the school logo. 

"Enjoy your stay." Ngumiti sya.

Haha ano to, hotel? Parang tanga lang. That make sense though.. isang taon lang naman ako magii-stay dito. Ganun naman lagi. Every school year, different school. Syempre para hindi pare-parehas ang mga girls. nakakasawa naman kung pare-parehas ang mga mukha diba? Haha ^_^

Naglakad-lakad nalang ako.

"Hi, handsome." Isang grupo ng mga babae ang humarang sa daan ko. Tatlo silang magaganda, pero walang hita.. panget na legs. Tsk sayang.

"Hey, sexy." Bolahan nalang para jackpot.

 Tumingin sya sa dalawa nyang kasama at ngumisi. Lumapit sya sakin at hinawakan ang balikat ko.

"My name is Akiko nga pala. And yours?"

I leaned forward. "Jayvee. Call me Jayvee, lovely." Bulong ko.

"Hmm.."

Palapit na nang palapit ang mukha nya saken ng biglang may mga studyanteng nagmamadaling maglakad at may pinag-uusapan na gulo. Iniwas ko ang mukha ko mula dun sa Akiko at tinignan ang pupuntahan ng mga babae. Ang  daming mga studyanteng nagipon-ipon.

Gulo? First day ng school may na gulo na agad? haha!

"Si Brianna na naman yan! Nako." sabi nung isa sa mga kaibigan nung Akiko.

Tinanggal ko ang hawak ni Akiko sa balikat ko at hinarap ang mga kaibigan nya. "Brianna?"

"Yeah. Yung bitch na casanova.. she's one of the famous Casanova Sisters." sagot nya.

"Damn her! Sya na naman!" - Akiko

Ooh. Interesting :]

"Sorry girls. Talk to you later." Nagpamulsa ako at naglakad papunta dun sa gulo.

"W-Wait Jayvee!"

.

.

Pagkarating ko dun, nakita ko na agad ang cool na cool na si Miss Panget. Aba hindi sya nag-uusok ngayon ah. Haha.

"Bulag ka ba? Bakit hindi nakikita ang mga dinadaanan mo?" tanong nya habang nakataas ang kilay at nanlilisik ang mga mata. Those eyes. I love them >:)

"S-Sorry po.. Hindi ko sinasadya." Sabi nung babaeng nakayuko at may dala-dalang mga libro.

"Tsk tsk.. ayan ang mga mahirap sa mga new students.. hindi kasi nila alam na hindi dapat binabangga ang mga Casanova Sisters.. lalo na si Brianna." Narinig kong bulong nung lalaking nasa tabi ko.

"You don't even look like a rich kid. Tss..  mahirap ka lang noh? You know, like yung mga nakatira sa squaters." Ngumisi sya nang makita na nasaktan ang babaeng binubully nya. "Ano ba yan.. bumababa na yata ang standard ng school  namin.. pati mga mukhang pulubi pinapapasok na dito." 

Boom! Tagos yung mga mala-ahas nyang mga salita.

"Ayokong may bumabangga sakin, Miss. At kung gusto mo pang makapasok sa school na toh, you should know that. Better know your place." She coldly said.

Mukhang maiiyak na yung babae kaya pumasok na ako sa eksena.

"Hindi ko alam na ganito pala tinatrato ang mga bagong studyante dito."

Lahat sila napatingin sa akin at nagbulung-bulungan

Tapos yung reaction ni panget na dragona, priceless! Halos lumuwa na ang mga mata nya hahaha! 

Lumapit pa ako at umiling in disapproval. "Uh-oh. That was bad, miss Panget. Tsk tsk." 

Eto na. Malapit na umusok haha

Tinignan nya ako ng masama habang ako nakangisi lang.

Then dumating ang isang teacher. Sya yung teacher na nasa orientation nung isang araw.. Mrs De Guzman ata name nya.

Auntie pala sya ni Panget. Haha takot mawalan ng allowance.

***

"Hi Brianna, who's the hot guy?" may nagtanong sa kanyang babae habang naglalakad kami.

"None of your business." sagot nya sabay roll ng eyes.

Ma-asar nga toh para naman hindi maging boring.  "Ohh.. possessive much?" sabi ko sabay ngisi.

She glared at me. "I am NOT! Geez, excuse me.. mahiya ka naman."

"Bakit naman ako mahihiya? Sa gwapo kong toh? Baka nga pinagpapantasyahan mo na ako eh."

Pinikit nya ang mga mata nya at huminga ng malalim. Tapos tumingin ulit sya sakin at lumapit. Iba na ang aura nya ngayon. Parang nag-ibang tao na sya. Astig lang.

"You." She said in a quiet voice. Ay mali,. dahil pala bumubulong sya sakin ngayon.

Nag-gasp ang mga tao sa paligid.. 

"Pati ba naman ang new hot guy?? Gosh! Wala talagang patawad si Brianna.. Nakukuha nya lahat!" 

"Stay away from me from now on Mr gwapong mushroom na walang utak." she said.

O__o gwapong mushroom na walang utak?

"Gwapo ako, yes thank you." Sabi ko at hinawakan pataas ang chin nya.. to make her face closer to mine. At hindi ko na sinabi yung mushroom na walang utak.. langya lang kasi ang baho pakinggan sa image ko -__-

"But hey, Miss Brianna. Thanks to you hindi magiging boring ang school life ko dito. At sisiguraduhin ko sayo na I'm going to be your sweetest nightmare. Hinding-hindi kita lulubayan." I winked at her at naglakad na palayo.

Haha.. kung araw-araw ko syang aasarin, mukhang hindi talaga ako mabo-bored ^_^

The Casanova SistersWhere stories live. Discover now