Tula

24 3 3
                                    

Madaling araw na
Ngunit naisipan kong gumawa ng isang tula
Isa tula para sa kanya
Di tungkol sa aking hinanakit kundi dahil ako ay nakalimot na

Natandaan ko pa noon
Noong nakikala kita, isang bakasyon
Noong nagawan pa kita ng storya
Noong nasasaktan pa ako at ayaw magpalaya

Isang taon na rin pala ang nakalipas
Parang ang bilis ng panahon
Parang ang hirap pa sa aking magpalipas
Pero naisip kong kailangan kong ilayo ang aking tuon

Kailan lang nang aking napagtanto
Nakakatawa lang yung mga araw na kinakabahan akong makita ka
Yung hindi ko alam gagawin ko ay biglang nagiging bobo
Yung bumibilis ang tibok ng puso ko habang iniisip na makasama ka

Masyado pa akong bata noon
At di ko alam bakit mo ako pinatulan
Pwede namang matagal ka na sanang umaksyon
Pero mas pinilit mo akong saktan

Palipat lipat ng babae
Yun ang pagkakakilala ko sa iyo
Nakakatawa dahil yun din ang sabi ng aking mga kaklase
At sabing lumayo na ako sayo

Aaminin ko naging tanga din ako
Dahil masyado kong pinairal ang puso at mas pinalala pa ang nararamdaman ko para sayo
Pero ngayong natandaan ko ang lahat ay natatawa na lamang
Ang pagkakakilala ko sayo ay isa lamang hadlang

Isang hadlang sa aking kasiyahan bilang isang dalaga
Isang hadlang para sa aking tuon sa eskuwela
Pero salamat sa mga magagandang ala-ala
Kahit hanggang chat ka lang pala

Wish ko sanay ay di mo mabasa to
Lalo na at mahiyain pa naman akong tao
Sana wala kang wattpad
Dahil ang iba ko ngang mga kaklase ay meron baka mauna pa silang maglantad

Muli, isa itong tula
Isang tula para sa kanya
Hindi dahil di pa ako nakakalaya
Kundi dahil ako ay nakalimot na

Mga kaibigan ko,
Huwag niyo na akong asarin
Nakakasawang makarinig ng paulit-ulit na biro
Matagal na akong walang pake at nakamove-on na rin.

October 6, 2017 (1:56 AM)

Shorts and Poems by Ingridaaahh Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin