CHAPTER 24: WELCOME BACK TO 3RD WARD

Start from the beginning
                                    

"Think what you want to think Gallego. I did my best to that research but who knows you're afraid of-"

"Your best to pull me down? Don't take me for a fool, Mariano. Listen, Mariano. Ikaw ang pinakamasamang tao na nakilala ko. And I doubt if you're human! Wala kang puso!" My jaws shook because of anger.

"I've been called worst," malamig na wika niya. "And to calm you a bit, yes, inaamin ko. I read about your phobia."

I bit my lower lip to prevent myself from sobbing. "Sinusumpa ko, Trench Grande Mariano, darating ang araw na babagsak ka rin! Babagsak ka at hinding-hindi makakabangon!"

***

Maaga akong bumangon. Hindi ako natulog at hinintay lang na sumapit ang alas tres ng umaga kung kailan magbubukas ang gate ng Academy. Nakaempake na ang lahat ng gamit ko at handa na ako sa pag-alis ko. Dahan-dahan ang galaw ko dahil ayaw kong magising ang mga kasamahan ko.

Pagbaba ko sa sala ay naroon silang lahat. Nakayuko sila at walang ni isa man na nagsalita sa kanila. I forced a smile at hinigpitan ang pagkakahawak sa maleta ko.

"Aalis na ako." Thank goodness my voice didn't crack.

Unang nag-angat ng tingin si Gon at napakaseryoso ng mukha niya habang nakatitig sa akin. Nagulat na lamang ako nang tinakbo ni Iris ang maliit na espasyo sa pagitan namin at niyakap ako.

"Sunny . . ." Her voice cracked and she began sobbing. "Salamat dahil kahit sa kaunting panahon ay pinatatag mo ang loob ko. Dahil sa 'yo ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na ipaglaban ang karapatan ko bilang babae. Hindi man ako kasing tatag mo, masaya ako dahil nakilala kita at naging inspirasyon kita. Pangako ko sa 'yo, darating ang araw na tuluyan nang mawawala ang takot ko at magiging matapang na."

Hindi ko na napigilang maluha. Niyakap din ako ni Margo nang mahigpit. "Same goes with me. Masasakit man ang mga sinasabi ko sa 'yo, gusto kong malaman mo na idol kita. Wala akong kilalang babae na kasingtatag at kasingtapang mo."

Suri cried at tumalikod upang itago iyon at inalo siya ng kasintahan. Si Drix ay nakayuko pa rin at nakakuyom ang kamao, samantalang si Coco ay umiyak sa kanyang mga palad. Gosh I hate dramatic scenes like this at ayaw ko nang magtagal pa.

"I have to go. Maraming salamat sa inyong lahat," wika ko at hinawakan nang mahigpit ang maleta ko ngunit bigla iyong inagaw ni Gon sa akin.

"Ihahatid na kita." Hindi na niya hinintay ang sagot ko at nauna nang lumabas.

Sa huling pagkakataon ay ngumiti ako sa kanilang lahat at iginala ang paningin sa dorm.

Agad akong lumabas at sinundan si Gon. I didn't dare look back because I might cry. Gayunpaman, umiyak pa rin ako kahit hindi ako lumingon.

Nang makarating kami sa gate ay huminga nang malalim si Gon at kapagkuway niyakap ako. "I will miss you, Kitten. I will see you one of these days." To my surprise, he cupped my cheeks and forced me to smile. "Smile, Kitten."

Nang pilit akong ngumiti ay inilabas niya ang kanyang cellphone at kinuhaan ako ng litrato.

"What are you doing?" naiinis na tanong ko habang tinatakpan ang mukha. Ngayon pa talaga na nagmukha akong grizzly bear!

"I'm keeping a picture. If one day, my STML strikes, I will just look at your photo." Napangiti ako sa sinabi niya. "Pero ang problema, kapag sumalakay ang sakit ko, makakalimutan ko kung saan ko nilalagay any cellphone ko."

Napalis ang ngiti ko at tiningnan siya nang masama.

Tumawa naman siya ginulo ang buhok ko. "Again, smile, Kitten."

"I'm a failure, Gon."

"Kitten . . ."

"I missed the chance of fixing this twisted system. Hindi ko na maaayos ang baluktot na sistema. I just died in this battle."

Bigla na lang niyang pinalo ang ulo ko. What the fork, nagdadrama na nga ako at lahat tapos ganito? "Kitten, if you died in this battle, remember, you still have eight remaining lives."

Tinulak ko siya papasok ng academy. "Kailan ka ba titino? Wala ka talagang kwentang kausap."

Tumawa siya at nagpaalam na nang may humintong sasakyan sa tapat ng Academy.

"Goodbye, Kitten."

I counted a few seconds to see if someone will come and revoke my banishment gaya ng mga nangyayari sa mga palabas. But hindi ito teleserye. This is reality that f*cked me up. I let out all the remaining tears and promised myself that I will never cry again kapag nakabalik ako sa 3rd Ward.

Maging sa pagdating ko sa train station ay umaasa pa rin ako na may darating pero halos magkabali-bali na ang leeg ko sa kalilingon ay wala pa ring lumalapit upang sabihin ang mga salitang nais kong marinig.

My sight blurred the moment I stepped inside the train. I found an empty seat on the corner at agad akong naupo roon. Hinayaan kong umagos ang mga luha ko. I let the memories of my short stay at the academy flow. I imagined the opportunities that I just missed. I let pain become my company at the moment.

Ilang oras din ang tinakbo ng tren bago ako nakarating sa 3rd Ward. The cold breeze and the sign which say 3RD WARD met me. I closed my eyes as I breathe in and out.

When I open my eyes, gone was the painful look that lingered on it for a while. Nang mga sandaling iyon ay tila nag-aapoy ang mga mata ko sa panibagong takbo ng buhay ko. Life doesn't end here, I told myself. With burning will, I walked the road towards our humble abode.


RUN FOR YOUR LIFEWhere stories live. Discover now