CHAPTER 14: The truth

Start from the beginning
                                    

Ibang klase.

**End of flashback**

***
Someone's POV

There’s a lot of good news I found out.

Now, I have new information about Amira Salvador. Kaya pala.

And I heard that Amira has an asthma. Kung sineswerte ka nga naman. Hindi na ako mahihirapan pa.

Paiikutin kita sa mga kamay ko. Be ready Amira Salvador.
I think it would be happy. Exciting.

***
Amira's POV

2 days na ang nakakalipas simula noong nagkaroon kami ng punishment.

Nagulat nga ’yong dalawa noong nakita akong sugatan eh. I tried to make magpalusot kaso kilala na talaga ako nitong dalawa eh. Kaya ayun, kinwento ko sa kanila ’yong nangyari but of course hindi ko sinabing nagka asthma attack ako. Alam naman na talaga nila na may sakit akong asthma pero hindi ko na sinabi na inatake ako kasi mag aalala pa sila. Tsaka alam din nila na hindi na ako inaatake ng asthma ngayon. Kaya okay na ’yon.

Well, it's Friday. So, mamayang gabi na magaganap ang Welcome Party kaya sobrang busy ng mga tao ngayon.

Nakabili na rin kami sa Mall kahapon nina Zils at Sandy ng mga isusuot. Pinagbigyan kasi ang lahat na lumabas kahapon.

Pero bumabagabag pa rin sa isip ko ang nangyari last night.

**Flashback**

It’s already 9pm at tulog na ’yong dalawa dahil sa pagod. 6pm na rin kasi kami dumating galing sa Mall.

Hindi pa rin ako makatulog kaya lumabas ako ng kwarto. Naisip kong puntahan si Cath sa dorm niya dahil marami akong gustong itanong. May gusto akong malaman. Sana lang talaga ay wala ’yong lalaking namumuno dito sa dorm na ito.

Sinilip ko muna ang paligid ng makasiguro akong walang tao ay dahan dahan kong binuksan ’yong pinto ng dorm building at tsaka dahan dahang lumabas. Ninja moves ang peg.

Bumungad sa mukha ko ang malakas na hampas hangin. Pumikit na lang ako at dinamdam ’yon.

Sobrang tahimik ng paligid.

Napagpasyahan kong imulat na ang mga mata ko. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw. Napatingin ako sa kalangitan. Ang ganda ng mga bituin. Pero mas maganda pa rin ako.:)

Nabalik ako sa reyalidad nang may marinig akong boses ng mga tao kaya tumago ako sa may basurahan. Ito lang kasi ang malapit na mapagtataguan dito.

"Kailangan na siyang patahimikin." Rinig kong sabi ng isang lalaki na siguro’y namumuno sa kanila.

"Gawin niyo ng maayos at malinis ang gagawin niyo. Siguraduhin niyong walang ibang makakaalam nito." dagdag pa nito.

"Sige boss." Sagot naman nung mga lalaki at umalis na. See? Siya nga ’yong boss pero alam kong may mas nakakataas pa rito. Hindi pa rin umaalis ’yong boss sa kaniyang kinatatayuan at tila ba may ka-text. Kaya hindi pa rin ako makaalis dito sa pinagtataguan ko. Ang baho pa naman dito.

Nagulat ako ng may maapakan akong isang bagay na naging dahilan ng pagkakaroon ng kaunting tunog, kaya napatingin siya sa direksyon ko.

Naalerto ako ng bigla siyang naglakad papalapit dito sa may basurahan na pinagtataguan ko.

Malapit na siyang makalapit dito nang may biglang...

Meow..

Tumalon ang isang pusang itim. Shemay!

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now