CHAPTER 12: Invitation

Start from the beginning
                                    

"CARD? Na naman?" pasigaw na tanong nung dalawa.

Oo, may card na naman, ’yong Ace of Spade.

"Tss, pananakot lang naman ang alam nila eh." Ni-lock ko na ’yong locker ko at chill na naglakad sumunod naman ’yong dalawa.

"Hindi ka ba natatakot?" Zils

"Sira ka ba? Walang salitang “takot” sa vocabulary n’yan. Baka nakakalimutan mo---" Sandy

"Ay, oonga pala, haha! Si Amira ka nga pala. Amira Jaine Salvador." Sabi ni Zils sabay tawa. Baliw.


.
.
.
.

It’s already 10:30 pm pero hindi pa rin ako makatulog.

Iniisip ko kasi ’yong invitation for the welcome party. Feeling ko kasi may hindi magandang mangyayari sa gabing ’yon.

Idagdag pa ’yong Ace of Spade. Pangalawa na ’yon. Ano bang ibig sabihin nun?

Well, I am not afraid. I’m just curious.

Napatingin ako dun sa dalawa. Ang himbing ng tulog.

Humangin ng malakas kaya nilipad ’yong kurtina na nasa bintana.

Tamo itong dalawa, hindi man lang sinarado ’yong bintana.

Tumayo ako at isasara ko na sana ’yong bintana nang may mapansin ako sa labas.

May mga tao. Siguro mga nasa pito sila. ’Yong iba nag uusap at ’yong iba palakad lakad lang.

Buti na lang patay ang ilaw namin dito, kundi nakita na nila ako.

Tanging liwanag ng buwan lang ang nagsisisilbing ilaw sa labas. Kaya sa tulong nun medyo naaninagan ko sila. Mga nakaitim sila. Hindi ko lang maaninag ’yong mga mukha nila. Maya Maya ay nagring ’yong cellphone nung isang lalaki kaya nagkaroon ng kaunting ilaw at tumapat ’yong ilaw ng cellphone niya sa kamay nung katabi nyang lalaki. At ’yong lalaking ’yon ay may tatoo sa likod ng kamay niya. Hindi ko lang maaninag kung anong klaseng tatoo ’yon. Basta may tatoo sya.

"Kailangan na nating umalis Xander." Medyo rinig kong sabi ng isang lalaki.

Maya maya pa ay tumakbo na sila paalis.

Xander?

Sino kaya iyong mga ’yon? Taga dito kaya sila? Or kung hindi, ano naman kayang ginagawa nila dito?

Sinaraduhan ko na ’yong bintana.

Lumabas ako ng kwarto. Tahimik na dito sa dorm building namin. Tulog na yata sila.

Na-cucurious ako. Parang may urge sa ’kin na lumabas. Gusto kong malaman kung sino ’yong mga lalaking ’yon at bakit sila nandito.

Hawak ko na ang door knob ng dorm building at bubuksan ko na sana ’yong pinto para lumabas, nang may humawak sa kamay kong nakahawak sa door knob.

"Gabi na ah, saan ka pupunta?" tanong sa akin ng isang lalaki.

"Magpapalamig." Pipihitin ko na sana ’yong door knob kaso pinigilan na naman ako.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now