Capitulo Seis

Magsimula sa umpisa
                                    

"Señor! Narito na po ang Gobernador-cillo kasama ang kanyang pamilya." Wika ni Aling Meling. Sya pala ang Mayor doma dito kaya sa kanya lagi pinagkakatiwala ni ama ang lahat.

"Ohh, Mas napaaga ang dating nila!" Tuwang-tuwa na sabi naman ni Don Rafael.

"Tuloy po kayo." Wika ni Aling Meling sa tapat ng pinto. Hindi namin gaanong nakikita ang tao sa labas dahil nasa gilid ng pinto ang sala kung saan kami nakaupo.

Naunang pumasok ang matandang lalaki na tingin ko ay kaedaran ni Ama. Sumunod naman ang isang babae. Tingin ko asawa nya to. Saka pumasok ang isang binata. May lahi yata sila. Mukha syang americano? Maputi sya eh tapos sobrang tangos ng ilong.

"Amigos! Amigas!" At nakipag beso-beso na ang mga Don at Doña sa tinaguriang Gobernador-Cillo. Natunganga lang kami nila ate Marina at ate Maria sa isang sulok.

"Ito nga pala ang aking unico-ijo na si Samuel." Nagmano naman ang nasabing binata. Napatingin sa aming tatlo si Samuel. At napatitig sa akin.

"Magandang gabi sa iyo Binibini." Nginitian nya ako. Napatingin naman sa akin ang dalawa kong kapatid na napakalawak ng ngiti ngayon.

"Iba talaga ang iyong Karisma, Patria hihih." Ngiti naman nila. Sinuway ko dahil baka marinig pa nila ang kalandian nilang dalawa.

"Tayo na sa salas mga kumpadre at ituloy ang kwentuhan." Nagpunta sa salas ang mga Don at Doña kasama ng Gobernador-cillo habang kami ay naiwan sa Azotea.

"Binibini. Maaari ba kitang makausap?" Yan ang approach sa akin ni Julian. Napaayos ang upo ko sa upuang kahoy kung saan tumabi sya sa akin.

"T-tungkol saan?" Tanong ko.

Umalis na ang dalawang kapatid ko sa narinig nila na para bang binibigyan kami ng privacy at si Lorenzo naman, kanina pa pumunta sa kusina dahil naghahanap daw ng tubig. So kaming dalawa nalang ang natira dito sa Azotea.

"T-tungkol sa nangyari noong nakaraang linggo....Sa burol." Panimula nya. Nanatili syang nakatingin sa malayo. Bakit kailangan nya pang alalahanin yun?

"Ipagpaumanhin mo ang aking K-kapusukan." Nanlaki naman ang mata kong napaiwas sa kanya. K-kapusukan talaga?

"Okay---ayos lang. Salamat nalang dahil kung hindi nangyari yun baka tegi na ako ngayon." Sabi ko. Tama naman, baka deads na talaga ako kung sakali.

"T-tegi?" Napatingin siya bigla sa akin habang nakakunot ang noo.

"Hindi na bale. Ang mahalaga, pinatawad na kita." Sagot ko nalang sa kanya.

"E-H-E-M." Paubong entrance ni Lorenzo kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

"K-kanina ka pa dyan kuya?" Natatarantang tanong ni Julian.

"May nangyayari na palang Kapusukan dito." Nanlaki naman ang mata ko! Namisunderstood nya! Sheyms!

"Hindi! Hindi sa ganon!" - Ako

"N-Nagkakamali ka ng iniisip!"-Julian

"Binibini, Maaari ba akong umakyat sa iyo ng Ligaw?" Deretsong tanong nya.

"Ano? Ligaw? As in COURT?!" Sigaw ko. Agad-agad?! Ni wala man lang bang hara-harana muna o pakiramdaman? Jusko.

"Oo. Ligaw. Baka maunahan pa ako ng nakababata kong kapatid. Bakit nagulat ka binibini? Hindi ba't ang sabi mo sa kanina, maaari kang ligawan?" Dagdag pa ni Lorenzo. Straight to the point talaga ang lalaking ito! Pero teka! wala naman akong matandaang sinabi ko na pwede nyo akong ligawan ah.

"Hindi ba kapatid?" Naka crossed arms na saad ni Lorenzo.

"A-ahh B-binibini! Pasensya na sa inasal ng aking kapatid." Natataranta namang sabi ni Julian habang hindi mapakali sa upuan.

"Ginoo, wala namang akong matandaang---"

"Sa iyong abaniko." Sabay nilang sabi. Napaiwas naman sila ng tingin at hindi makatingin sa akin.

"Oh my god!" Napatakip ako ng bibig ko.

"Saan mo natutunan magwika ng wikang Ingles." Napalingon kami sa bagong dating, Ang anak ng Gobernador-cillo.

"Binibini." Tawag pa nya.

"Ahh. Hindi ko maaaring sabihin." Saad ko. Alangan naman kasing sabihin ko na galing ako sa future.

"Kung gayon ay marunong kang gumamit ng wikang Ingles?" Tanong nya. Tumango naman ako samantalang nanonood sa amin ang dalawang magkapatid.

"Nice to meet you then. I am Sammuel Villareal. And you?" Pakilala nya. So hindi na ako manonosebleed kasi may kaagapay na ako sa pag english?

"I'm Patria Del Mundo." Ngumiti lang sya samantalang gulong-gulo naman ang dalawang magkapatid dahil parehong naka kunot na ang kanilang mga noo.

"Such a nice name." Dagdag nya pa. Ngumiti nalang ako.

"I think we are going to like each other." Naka-ngiti nyang sabi. So may premonition sya ganon?

"I don't think so." Banat ko sa kanya. Napatingin naman ako sa dalawang magkapatid na ngayon ay sira na ang mukha dahil mukhang tutulo na ang dugo sa ilong nila anytime.

"Why? Is it because of him? I heard that he wants to court you." Sabay tingin nya kay Lorenzo. Napataas naman ang kilay nito dahil mukhang alam nyang sya ang pinag-uusapan kahit di nya maintindihan.

"Ginoo, tagalugin mo kung may nais kang ipabatid sa akin. At mapag uusapan natin iyan. Lalaki sa lalaki." Banat naman ni Lorenzo. Napa-irap nalang ako sa kahambugan niya.

"No. I won't allow him anyway. Even YOU." Napanganga siya sa naging sagot ko. Porque ba anak ng Gobernador-chuchu kailangan na syang sambahin? Naaa. Wag ako, iba nalang.

"Please excuse me. Concelaaa!" Pumasok na ako sa bahay habang tinatawag ang P.A ko. Dali-dali naman syang sumunod sa akin hanggang makarating kami sa kwarto ko.

"Binibini, ano pong maipaglilingkod ko?" Tanong ni P.A. habang magkahawak ang dalawa nyang kamay. Palagi syang ganyan. Nahihiya siguro.

"Alam mo ba ang ibig sabihin nito?" Tanong ko saka pinakita ko sa kanya ang ginawa ko sa pamaypay ko kanina at lumaki naman ang mata nya.

"Binibini! Nais pong ipabatid ng iyong abaniko na kayo'y walang nobyo at maaaring akyatin ng ligaw!" Litanya nya na kinalaki ng mata ko! So all this time nakakahiya na pala ako?! Aish kaya pala sinuway ako nila ate!

Agad kong binaba ang abaniko ko at dali-daling tinago sa drawer ng cabinet ko. Nakakahiya talaga.

"Buksan mo na ang Gasera, at medyo dumidilim na din. Hatiran mo nalang ako ng pagkain dito." Napaupo ako sa kama ko.

"Ngunit binibini---" I cut her off.

"Sige na, sabihin mo nalang kay ama na masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakasabay sa hapunan. Tutal may bisita naman sila." Binuksan naman na ni P.A ang lampara sa apat na sulok ng kwarto ko kaya lumiwanag na ang paligid, pagkatapos non ay umalis na sya.

Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Ayoko lang talagang makiharap doon lalo sa tatlong binata na akala mo eh uhaw sa ligaw, idagdag mo pa tong anak ng Gobernador-cillo na sobrang echosero.

Gaya ng sabi ko, Dito na ako nag hapunan sa kwarto ko saka deretsong nagpahinga.

****

VOTE VOTE VOTEEEE ! ^_^v

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon