Capitulo Cuatro

Începe de la început
                                    

Nagpatuloy ang masasayang kwentuhan ng mga Don at Doña sa salas samantala hinila ako nila ate Marina at ate Maria palayo sa mga matatanda.

"Bakit?" Tanong ko. Hindi naman ako sanay na kinakaladkad eh. Ako kasi ang nangkakaladkad sa Year 2017 kaya medyo nainis ako.

"Ano? Nakapili ka ba sa anak ni Don Rafael?" Tanong ni ate Maria. What? talagang sineryoso nila yun? Eh halos nga mauta na nga ako sa mga pinagsasabi nila.

"Bakit Patria, wala ka bang natipuhan sa kanila? May taglay na kakisigan naman yung dalawa." Gosh! I know pero hinding hindi ako magkakagusto sa Engkantong yun no.

"The hell?! Kayong dalawa nalang. Wag nyo akong isama jan." Pabalagbag kong sagot saka nagsimulang maglakad palayo.

"Patria sandali! Hindi ka ba natutuwa? Hindi tumutol si Ama nang piliin ka ni Ginoong Lorenzo! Bibihira ang ganitong pagkakataon!" Pahabol pa ni ate Marina kaya napalingon ako nang naka poker-face sa kanilang dalawa. Ano ako? tuta? Alam kong cute ako pero hindi ako tuta!

"Teka! Hindi ba kayo naiinitan? Ang init kaya!" Pag segway ko ng topic para maiiwas ako dahil mukhang wala namang planong tumigil ang dalawa sa pangungulit sa akin.

"Huh? Hindi naman mainit Patria ah. Naiinitan ka ba ate Marina?" Tanong ni ate Maria. Napailing naman si ate Marina bilang sagot.

Huh! Tanghaling tapat--- Ahh! Sanay lang siguro ako sa aircon. Naiinitan ako sa singaw ng araw sa labas.

"Magpapahangin muna ako. Kayo na ang bahala jan." Aalis na sana ako pero pinigilan pa ulit ako ni ate Maria.

"What is it this time?!" Naiiritang lingon ko sa kanya. I'm starting to think na wala na talagang katapusan 'to.

"Teka, iyo bang susundan si Ginoong Julian?" Tanong nya. Napa shut-up look nalang ako saka padabog na umalis.

Bumalik ako sa manggahan. Ito lang yata ang preskong lugar dito sa Hacienda. Umupo ako sa upuan doon at dinama ang simoy ng hangin. Tinangay ang buhok ko at nakaramdam ako ng pagka-antok.

"Buenas Tardes, Señorita Patria." (Good Afternoon) Napalingon ako. Ilang oras pa lang pero kilala ko agad ang boses ba yun. Si Mr. Enchanted nga. Aba't! Ini-spanish nya ako!

"Don't come near me Mr. Enchanted." Huh! Sige! Mag alien language ka jan! hanggang sa manosebleed ka at tuluyang malow-blood. Ka-imbyerna!

Lalo akong nainis nang umupo sya sa tabi ko, which means hindi nya gets ang sinabi ko.

"Paano at saan ka natuto ng wikang Ingles Binibini?" Usisa nya. Hindi ako umimik pero parang gusto ko nalang sabihin na sinakop ng America ang pilipinas at nalaman ko yun dahil taga 2017 ako at maraming technologies na ang umangat pero hindi. Hindi ko sinabi at wala akong nagawa kundi umirap nalang. Tsk.

"Binibini, ilang t-taon ka na?" Hindi sya nakatiis. So ngayon imbestigador siya? Interviewer?

"Bakit? Bibigyan mo ba ako ng trabaho sa taong 'to?" Deretso kong tanong sa kanya. Napakunot ang noo niya.

"A-ahh-- Hindi. Naitanong ko lamang sapagkat ako ay nagbabakasakali na magkasing edad kayo ni Kuya. Hindi ba't ikaw ang pinili nyang mapangasawa?" Paalala nya. Kahit piliin niya pa ako, wala siyang magagawa kung ayoko.

"Mag 18." Walang gana kong sagot sagot sa kanya. Nakakaboring kausap ang taong 'to. Halatang makaluma dahil kulang pa siya sa exposure. Tss.

"Dieciocho ba kamo?" Painigurado niya pa kaya napatango nalang ako saka pumikit.

"Veintidos ang aking nakatatandang kapatid. Samantalang sarado Veinte naman ako." Napamulat ako at napa-smirk sa sinabi niya. So magkasing edad lang sila nila ate Maria at ate Marina. Sakto! Hindi ko kailangang maipit sa kasal-kasal na 'yan.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum