Chapter 6: Eroan Vamenor

18 2 0
                                    




Kabaliktaran nang inaakala ko ang nakikita ko ngayon dito sa Carmina Meridionalis. Ang buong akala ko ay isang napakagulong kaharian ang sasalubong sa akin ngunit hindi, isang mapayapang lugar ang sumalubong sa akin.

Mga nakangiting tao ang sumasalubong sa akin at may iba pang mukhang nag-aalala dahil sa aking itsura ngayon. Napakagulo ng aking buhok at may mga bahid pa ng usok ang ibang bahagi ng aking mukha gayon din ang aking mga braso hanggang kamay.

"Caelum et terra dominae cura tuum in conspectu oculorum meorum" Sigaw ng isang babae habang nakatutok ang kanyang wand sa akin. Anong sabi niya teka baka kung anong mahika ang gagawin niya sakin.

"Hindi ka taga rito." wika sa akin ng babaeng kung anong mahika ang ginawa sa akin. Teka baka putol na ang mga paa ko. Tiningna ko ang mga parte ng aking katawan at kinapa-kapa at nagulat naman ako ng makita kong wala na ang mga dumi sa aking balat gayon din ang ibang galos na aking natamo kanina.

"Pinagaling mo ako. Nilinis mo ko" Gulat kong wika sa kanya. Napaka'OA kong mag-react kanina nakakahiya naman.

"Maraming salamat sayo." Yuyuko sana ako ngunit pinigilan niya ako.

"Hindi! Hindi ka maaring yumuko sa akin" Naka-ngiti niyang wka sa akin ng bahid ng gulat? takot? o kaligayahan?

"Ako nga pala si Ecaeris. Ecaeris Umena. Isa akong tagapaglingkod sa palasyo." Yumuko ito at sa kanyang pag-angat ay nagabot ito ng kamay sa akin.

"Halina Regis Filia, akin kitang ililibot sa Carmina Meridionalis." Iniabot ko ang aking kamay sa kanya at agad naman siyang ngumiti sa akin.

Mejo nasasanay na ako sa tinatawag nila sakin. Kahit hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin noon mula sa pagtawag sa akin ni Amara hanggang kay Ecaeris. Habang nag-lalakad lakad kami ay hindi ko maiwasan ang mapatingin sa mga taong hindi maialis ang kanilang mga mata sa aming dalawa.


"Ano, Ecaeris, bakit nila tayo tinitingnan?" mahina itong tumawa sa akin bago tumingin at sagutin ang aking tanong.

"Dahil sa iayong kasuotan Regis Filia. Kakaiba ang kasuotan mo kumpara sa amin." Natatawa niyang pagpapaliwanag sa akin.

"Kaya ba nalaman mo agad na hindi ako galing dito." Tumango naman ito bago huminto.

"Nandito na tayo. Upo ka" wika nito sa akin na nakatingin sa kaniyang harapan.

Nanlaki ang aking mga mata sa ganda ng tanawin na mayroon ang kaharian na ito. Napakapayapang lugar ito, tulad ng Ashvale ay mapayapa ito. Ngunit bakit hindi ganoon ang turan sa akin nila Kin tungkol sa kaharian na ito?

"Ecaeris, matanong ko lang. Bakit parang hindi maganda ang samahan ng Carmina Meridionalis sa Ashvale?" Napalingon ito sa akin nang nakakunot ang noo.

"Sino ang nagsabi niyan sa iyo Regis Filia?" Nagtataka nitong tanong sa akin.

"Si Sal- Kin. Si Kin Coventhorn." Nanlaki ang mata nito sa gulat. Na parang may mali akong sinabi. Hindi ko maintindihan na naman.

"Papaanong? Papaano mo nakausap si Kin? Matagal nang wala si Kin sa Kaharian ng Ashvale. Hindi lamang sa Ashvale kundi sa buong Eribourne"

"Kasama ko siya sa mundo namin Ecaeris, at siya din ang nag-dala sa akin sa inyong kaharian. Ang ibig kong sabihin ay dito sa buong kaharian ng Eribourne." hindi niya alam na nandito si Kin? Kaya ba nagmamadali siyang umalis kanina ay dahiil sa Amara at ako lamang ang nakakaalam kung nasaan siya? Hindi ko pala dapat nabanggit ito kay Ecaeris. Kahit papaano ay natatakot ako sa maaaring mangyare.

"Hindi maaari!" Agad nitong tumayo na ikinagulat ko. Gaya niya ay tumayo rin ako.

"Dalhin mo ako sa kanya Regis Filia. Kung maari lamang at patawad na din sa aking pagsigaw. Hindi ko sinasadya." Nakayuko nitong paliwanag sa akin.

A Felis Catus' TaleWhere stories live. Discover now