Chapter 3: Scar

14 3 0
                                    


"Anak!" Sigaw  ni mama sa akin

"Bakit po ma?" agad kong tanong sabay ng pag-ikot ko paharap sa kanya.

"Nakalimuran mo yung baon mo" sabi ni mama sabay abot sa akin ng aking baon para ngayong araw.

"Hala! Muntik na! Thank you ma! Alis na po ulit ako" Paalam ko ulit sabay halik sa pisngi niya.


Buti na lang talaga, panigurado wala akong pambayad nito sa tricycle at jeep. Malilintikan tayo niyan. 


Baby I'm preyin' on you tonight

Hunt you down eat you alive

Just like ani ~ 


Aba't sino naman tong natawag na to? 

Baraha Calling ...

"Oh? Kelangan mo?" Agad kong tanong nang sagutin ko ang tawag.

"Sungit! May dalaw?" Aba't ...

"Hoy! Wal-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla itong sumingit.

"Hintayin mo ko sa bayan. Kain muna tayo bago tayo pumasok." Pagkain daw?

"Sige. Madali ako kausap." Wag tayo tatanggi sa grasya

"Sa Mcdo ha? OTW na ko"


Agad kong binaba ang tawag ng sabihin niya kung saan. 6:13 am. Tingin ko sa aking relo. Maaga pa pala makakapag breakfast pa kami. Pagsakay ko pa lamang ng tricycle ay tinext ko na agad siya. 


Ako: Trike na ko.

Ace: Sige. Ingat, malapit na ko.


Bilhan ko din kaya ng pagkain si Salmon? Kaso baka tumapon naman sa bag ko pag bumili agad ako. 


Ako: Baraha, paalala mo bibili ako ng cat food mamaya para kay Salmon.

Ace: Sige. San ka na? 

Ako: Malapit na.


"Manong, sa tabi lang po." Para ko sabay abot ng bayad.

"Sukli mo neng. Eleven lang ang estudyante." Oh? Eleven pala? Bat tinatanggap ng iba yung Twelve ko. Mga mandaraya.

"Ganon po ba? Nako! Salamat po." Yuko-yuko akong nagpapaalamat kay manong driver. Grabe ang mga tao ngayon, pero buti may mga katulad pa ni manong driver.


Sa pag-pasok ko pa lang ay natanaw ko na agad si Baraha. Naka-tingin din ito sa akin at nakarinig ako ng singhap mula sa dalawang babaeng mukhang hindi nalalayo sa edad naming dalawa ni Baraha. Sixteen pa lang kami ni Ace, pero 1st year college na kami. Hindi kami inabot ng K-12 program kaya bata pa lamang ay kolehiyo na kami at IT ang kurso namin at sa Science and Technology College kami nag-aaral.


"Buti nag-order ka ng hot choco." Agad kong tanong ng marating ko ang lamesa kung saan niya napiling maupo.

"Oo, alam ko na naman ang iyo eh. May take out pala tayong fries para may kinakain ka papuntang school.

"Good. Thank you!" Nakangiti kong tugon sa kanya. Alam naman niya ang mga paborito ko at ang mga ayaw ko kaya madali na para sa kanya ang mamili ng bibilhing pagkain pag kasama ako

A Felis Catus' TaleWhere stories live. Discover now