Chapter 2: His Name

25 5 0
                                    


"Lyric!" napalingon ako sa lakas ng sigaw ng isang babae sa aking likuran.

"Oy Allen! Bakit?" tanong ko habang papalit siya sakin.

"Sabay na ko sayo. Napagod ako." Reklamo niya ng mapalapit siya sakin

"Aba! Sino ba naman kasing may sabi sayo na manakbo ka?" tanong ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad papunta sa aming silid.

"Siyempre! Hahabulin kita. Madalas ka kasi nang-iiwan" Reklamo niya na naman ulit.

Hindi na ko sumagot pa dahil nandito na pala kami sa tapat ng aming classroom. Bubuksan na sana ni Allen ang pinto ng biglang pumihit ang seradura ng pintuan ng kusa at iniluwa noon si Baraha.

"Aba! Napapadalas ata ang pagsasama niyong dalawa ah" Pagtatanong ni Baraha habang itinataas-baba ang kanyang dalawang kilay.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagdere-deretso sa pag-pasok papunta sa aking upuan.

"Aray! Ano ba?" Inis na tanong ni Baraha kay Allen.

"Iniinis mo na naman eh. Mamaya tayo pa pag-buntunan ng inis niyan" Mahina namang sagot ni Allen kay Baraha na para bang may gustong ipahiwatig.

"Naririnig ko kayo." Sabi ko naman habang nag-aayos ng gamit.

Biglang hinila ni Allen ang upuan sa tabi ko at inilagay ang kanyang bag doon.

"Ginagawa mo?" Tanong ko dito habang pinagmamasdan ang bawat kilos nito.

"Tinatabihan ka?" sagot niya sakin ngunit hindi naman ito sa akin nakatingin kundi sa cellphone nitong tila hindi nagugustuhan ang kanyang nakikita dahil nakakunot ang noo nito.

"Lyric!" May narinig na naman akong sumigaw pero sa pagkakataong ito ay hindi ko alam kung san iyon nag-mula. Kaya naman agad kong inilibot ang aking mata sa bawat sulok ng aming silid, ngunit hindi ko makita kung san nang-galing ang tinig na iyon.

Baka guni-guni ko lamang kaya naman ibinalik ko na lamang ang aking paningin sa aking katabi na ngayo'y parang sisirain na ang kanyang cellphone sa pag tipa rito. Iiling-iling na lamang ako ngunit sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko na naman ang aking pangalan na binabanggit.

"Lyric!"

Galit na ang boses na aking naririnig kaya naman nagsitayuan ang mga hibla ng buhok sa aking braso. Saan nanggagaling ang tinig na iyon?


"LYRIC! ALLISON!"


Sa pagkakataong ito ay napatayo na ako sa sobrang takot. Ngnit nakapagtatakang hindi manlamang natapon ng tingin sa akin sina Allen at Ace. Agad ko tinapik si Allen ngunit nagulat ako at natakot ng tumagos ang aking mga kamay sa braso nito. Agad akong lumapit kay Ace at yayakap sana dito ngunit tulad ng nangyare kay Allen ay tumagos lamang ako dito.


"LYRIC ALLISON DELA VEGA!"


Sa muling sigaw ng taong pinagmumulan ng boses ay agad akong nanakbo palabas ng aming silid ng hindi na kailangan pang buksan ang pintuan dahil ako'y tumatagos lamang dito. Takot na takot akong nananakbo ng narinig ko na naman ang sigaw ng taong iyon

"ALLISON!"

At dahil sa takot ay nawala ako sa balanse, napakabilis ng pangyayari nang tumama ang likod ko sa dingding ng aming eskwelahan. Bakit ngayon pa ko hindi tumagos. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, ni ang aking ulo ay hindi ko maikilos at unti - unti na lamang pumipikit ng kusa ang aking mata hanggang sa magdilim na ng tuluyan ang aking paningin.

A Felis Catus' TaleWhere stories live. Discover now