Chapter 1: Lost and Found

88 3 0
                                    


"Sh*t!" 

"Ang cute!" 

"Oh! My! Gosh!"

Pagulong - gulong ako dito sa sahig ng sala ng bahay namin dahil sa tuwa na nararamdaman ko habang pinapanuod ang isang video tungkol sa mga pusa. 

<a/n: paki play na lang po ang video. Kung gusto niyo lang din naman po mapanuod>


*meow*

nag-pintig ang tenga ko sa narinig ko mula sa pintuan ng bahay namin kaya naman agad akong napalingon at napangiti ng makita kung sino ang nasa pintuan.


"NEGI!!!" sigaw ko papalapit sa itim na pusang nasa pintuan ng bahay namin.


Si negi ay isa sa dalawa kong pusa. maitim na pusa si negi na may kaka'unting puti sa bandang tiyan nito. Ang mga paws naman ni negi ay puti, at sa mukha nito ay halong puti at itim. Sa bandang ilong nito ay may bahid na itim na tila isang bigote. Agad kong binuhat si negi kasabay naman noon ay ang pag - pasok ng isa ko pang pusa na si Gray na siya namang nanay ni Negi. Parehas na babae ang pusa ko kaya naman masakit sa ulo pag nanganak sila ng sabay na panibago ulit na sakit sa ulo dahil hindi namin mahagilap ang anak nila. Minsan naman ay patay na ang mga ito, kaya naman hanggat maaari ay inilalayo namin sila sa mga lalaking pusa.


Pero gusto ko din naman magkaroon ng pusa na lalaki dahil hindi ito mahirap alagaan, isa nang dahilan dito ay hindi nanganganak at hindi rin maarte pag bubuhatin. Si negi at gray kasi ay maselan pag dating sa mga taong gustong humawak sa kanila. Para silang mga babaeng may dalaw dahil minsan ay sobrang lambing at minsan naman ay sobrang maldita na malayo - layo pa ang paa mo ay agad nitong sasalubungin ng kalmot.


 Habang hinahawakan ko si negi ay nagtitingin tingin ako ng iba't-ibang uri ng pusa. Hanggang sa mapatigil ako sa pag'browse ng makita ko ang isang kakaibang pusa na may puting - puting kulay at may mga matang kakaiba. Agad kong sinave ang litratong ito at ginawang wallpaper sa aking cellphone.


Simple lamang ang itsura ng pusang iyon ngunit nakakahumaling ang mga mata nitong magkaiba na tila ba nangungusap na hagkan at yakapin. Gusto ko tuloy ng puting pusa. Nakaka - inis! Bukod kasi sa isang beses pa lang ako nakakita ng pusang kasing puti ng nakita ko sa litrato ay hindi pa ko nakakakita sa personal ng pusa na may magka - ibang kulay ng mga mata.

Nag-bukas ako ng messenger at chinat si Ace.


Ako : BARAHA!

Ace : Yes Musika?

Ako : sinend ko ang picture ng pusa na nakita ko.

Ako : Ang cute! ♥

Ace: Gusto mo niyan?

Ako : Oo! Pero wala namang ganyang pusa dito samin.

Ace: Pag-nakakita ako.


Hindi na ko nag-reply pa at agad na naligo dahil habang nagrereply si Ace ay napatingin na ko sa orasan at siya namang ikinagulat ko dahil alas dos na pala ng tanghali at hindi pa ako nakakaligo. Tiyak na papagalitan ako ni mama pag nagkataon. Sabado pa naman ngayon at panigurado ano mang oras ay uuwi na sila daddy at kuya. 

A Felis Catus' TaleWhere stories live. Discover now