Chapter 3

12 0 0
                                    


Eh, hindi ko nga siya crush.  

Nang gabing yun, hindi ako makatulog ng maayos dala ng kahihiyang nangyari sa akin kanina. Hindi ko kasi lubos maisip na titingin siya sa gawi ko. Isang napalaking katangahan at kahihiyan yun para sa akin.

Pasado alas dose na ng gabi nang biglang umilaw yung phone ko. Napansin ko agad to dahil nakapatay sa lahat ng ilaw sa kwarto ko. 

Sinusubukan ko kasing matulog pero hindi ako makatulog. Tinignan ko kung sino ang nagtext nang makitang hindi nakaregister ang pangalang niyo.

"Hi! Gising ka pa ba?" Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Magtetext, hindi naman nagpapakilala.

Ibababa ko na sana yung phone ko nang umilaw ulit ito. Binuksan ko ang text ng kung sino mang istorbong ito na agad ko pinanlakihan ng mata nang makitang galing pala kay Rafael ito.

"Tulog ka na ata. Si Rafael pala to! Kinuha ko no. mo kay Kenzee kanina. Umalis ka na daw kasi" Nang makarecover ako sa gulat ko, napangiti ako at kinilig. 

Biruin mo, yung crush ko, kinuha no. ko. San ka pa?

Nangingiti akong nagtitipa ng reply nang maalala ko ulit yung nangyari kanina.

Napabuntong hininga na lang ako at tinuloy ang pagtiti pa ng reply para kay Rafael.

"Oy! Ikaw pala. Hahaha, hindi kasi ako nagrereply sa mga new no. Sorry" Napangiti ako nang makitang nasend na ito. 

Wala pang isang minuto nang makatanggap ulit ako ng text mula sa kanya.

"Okay lang. Sorry din. Di agad ako nagpakilala. Anyway, ba't gising ka pa?" Ngumuso ako dahil talagang di ako linulubayan ng nangyari kanina. Umiling na lamang ako at nagtipa ulit ng reply para sa kanya.

"Di kasi ako makatulog. May mga iniisip kasi ako hahaha" Pagkasend ko ng text na yun ay humiga ulit ako para mas comfortable ako.

Umilaw ulit yung phone ko at agad kong binuksan yung text ni Rafael.

"Tulog ka na. Masamang magpuyat hahahha" Nang mabasa ko yun. Agad akong napangitit at kinilig. Ang caring naman!!!!

"Haha, sige na nga! Matutulog na ako. Hahaha, ikaw rin matulog ka na" Pagkatapos kong maisend yun. Binaba ko na ang phone ko at pumikit. 

Naramdaman ko pang umilaw ulit yung pero tuloyan na akong hinila ng antok.

---

Kinaumagahan, para akong zombie na pumasok sa skwelahan. Wala na rin naman kaming gagawin since tapos na yung final exam namin. So bale, nagprapractice na lang kami for graduation. 

Umupo ako sa tabi ni Kenzee na kasalukuyang nanonood at saka bumuntong hininga. 

"Oh? Anong problema mo? Umagang-umaga ang lakas mong makabuntong hininga. Umayos ka nga!" Inirapan ako ni Kenzee at agad ring tinutuloy ang  panonood. 

Umayos ako ng upo at saka hinarap ang nanonood na si Kenzee.

"Kasi bes, tinext ako ni Rafael kagabi" Sabi ko. Itutuloy ko na sana yung main na problema ko nang biglang ibinababa ni Kenzee yung pinapanood niya at humarap sa akin.

"Talagaaa?? Nagtext na siya sayooo? Kinuha niya yung phone no. mo sakiiin bes! OMG! congraatsss!!!" Nagulat ako sa bigla-biglaang pagsabog ni Kenzee sa harapan ko at agad na napasimangot dahil sa itsura niya ngayon.

"Anuba! Tumigil ka nga! Oo kinikilig ako pero may problema akoo!" Napasimangot ako saka siya inirapan. 

Tumigil siya at napalitan ng pagtataka ang expression niya sa mukha.

"Bakit? Anuba problema mo? Ayan na nga oh! Nagtext na sayo si Rafael." Nakatuon sa akin ang buong atensyon ni Kenzee na siyang nakapagpa-ilang sa akin.

Umiwas ako ng tingin at ngumuso. "E-eh kasiiiii--" Hindi ko maituloy-tuloy kung anong sasabihin ko kung kayat hinampas ako ni Kenzee sa braso.

"Sabihin mo nang gaga ka! Curious nako!" Napadaing ako sa hampas niya at inirapan siya.

"Eh kasi, crush ko si Rafael pero may taong gumugulo sa isipan ko huhuhu Bes! Di ko na alam gagawin ko" 

Tumingin sa mata ko si Kenzee at saka nagsalita, "Si Kuya Dreinuel ba?"

Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ni Kuya Dreinuel. 

"Pano mo nalaman!?" Gulat na gulat ko pa ring tanong. 

"Wala, feeling ko lang. Nahuli kasi kita nung nagliinis tayo na tinititigan siya." Nanlaki ulit ang mga mata ko sa gulat. Shit! Nakita niya yun? NAKAKAHIYA!!

"Hindi ko siya crush!!" Sigaw ko sa kanya. Yung ilang mga kaklase kong sinipag pumasok ay napatingin tuloy sa amin.

Ang ilan sa kanila ay napapailing na lang at ang ilan sa kanila ay nang-aasar na tumitingin sa akin.

Inirapan ko napan sila saka binaling ulit ang atensiyon kay Kenzee na ngayo'y natatawa na. 

Sinamaan ko siya ng tingin at agad naman nitong pinigilan ang pagngiti na parang inaasar pa ako.

"Hindi ko siya crush. Naiirita lang ako minsan sa kanya pero hindi ko alam kung anong dahilan. Kaya nagugulohan ako." Paliwanag ko.

Umismid si Kenzee at sinabing, "Hindi ko naman sinabing crush mo siya. Ba't ka defensive?"

Napatigil ako sa sinabi ni Kenzee at sa hindi malamang dahilan, namula ang mga pisngi ko. Bakit nga ba? Hindi naman talaga niya sinabing crush ko siya. 

Bakit ko sinabi yun? Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganun na lang ako nahihiya? Bakit nagugulohan lang ako sa kanya? Eh, hindi ko nga siya crush.

----

Hi! If may nagbabasa man nito, thank you sa pagbasa and sorry if ngayon lang ako nag-update. Dinedepende ko kasi sa mood ko. And I have so much things in mind ngayon kaya naisip kong magsulat! Anyways, have fun!

Choose My Heart Insteadحيث تعيش القصص. اكتشف الآن