Chapter 1

17 1 0
                                    

Mogu-Mogu

"Okay good! Now, take a break and come back after 30 minutes for another set of songs. Understood" sabay-sabay kaming sumagot at agad na tumayo na para magmerienda.

Kasama ko ngayon ang kaibigan kong si Kenzee na naglalakad palabas ng simbahan.

Naabutan naming kumakain ang mga sakristan sa may kumbento at masayang naonood ng tv.

Napatingin ako sa crush kong sakristan na si Rafael at agad akong namula nang nakatingin din ito sa akin.

Nag-iwas ako nang tingin at agad na napamura sa loob-loob nang nakita kong nakatingin din pala sa aking si kuya Coke.

Mas lalong nagkulay kamatis ang aking pisngi at pasimpleng hinila si Kenzee.

"Kumain na lang kayo dito Viennice. Papuntahin mon a rin yung ilan pang choir members kasi sinadya naming isama kayo sa biniling pagkain" pag-aaya samin ni Kuya Miguel na siyang pinaka leader ng mga sakristan.

"Sige po kuya. Saglit lang at tatawagin lang namin yung mga ibang choir members."

Tumango lang si kuya Miguel bilang sagot.

Napatingin ulit ako sa lalaking gumulo sa magandang araw ko nung isang buwan at nakitang nakangisi ito sa akin.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, agad na itong umiwas ng tingin at seryosong nanood na lang ng TV.

Now, what? 

Umiling ako at winaglit iyong sa aking isipan. Naglakad kami ni Kenzee palabas ng kumbento at sinabihang may merienda sa kumbento na para sa amin. Isa-isa namang naglakad ang mga kapwa namin choir members papuntang kumbento.

Nag-CR muna kami ni Kenzee bago bumalik sa loob ng kumbento at makisalo sa mga nagmemerienda.

Nang makabalik kami, wala na doon yung crush ko kaya agad akong nawalan ng gana.

Tumingin din ako sa kinauupuan nung lalaking iyon pero wala na din ito tulad ni Rafael.

Siguro bumalik na sila sa kanya-kanyang practice at pag-aayos sa loob ng simbahan. Sila kasi ang nag-aayos sa mga kakailanganing gamitin tuwing may misa.

Kumain kami ni Kenzee ng tahimik at saka bumalik na rin sa loob ng simbahan para makapagpractice ulit.

At OO, isa akong choir member. Nagsimula ako nung 4 years old pa lang ako pero hanggang pag-aangel lang tuwing Resurrection sa Semana Santa.

Nang malaman ko na may binuong choir sa simbahan agad akong nagrequest kay lola na ipasok akong choir member since malapit naman kami sa parish priest. Hindi naman ako magaling kumanta. Medyo sumasablay nga minsan pero mostly maayos naman. 

Pinasok naman ako ng lola ko bilang regular na choir nung grade 4 ako hanggang sa ngayong, grade 6 na ako. Hindi ko alam kung magtutuloy pa ako sa highschool pero siguro hindi na.

Pagkatapos ng isang oras na practice, dinismiss na kami ng trainer namin. Naglakad kami ni Kenzee palabas at tumambay sa labas ng simbahan. Umupo ako sa may tamabahay namin. Sa ibaba ng isang hagdang bato na kinakapitan ng isang puno ng balete. 

Doon kami nagpalipas ng ilang oras at nagchikahan. Nang dumating na ang sundo ni Kenzee ay nagpaalam na ito at umalis. Ako nama'y hihintayin pa ang anticipated mass na gaganapin mamaya pang 6:00

Tumingin ako sa relo ko para tignan kung anong oras na at saka napagtantong may dalawang oras pa kong hihintayin bago magsimula ang anticipated mas. 

Pinasak ko ang earphones ko at nagpatugtog. Sumandal ako sa may malaking bato at saka pinikit ang mga mata para matulog.

Naalimpungatan ako nung maramdam ako ng init na tumatama sa mukha ko. Inis akong nagdilat ng mata. Nakita kong malapit na palang lubog ang araw saka napabuntong hininga na lang. Nagpalinga-linga ako sa paligid saka sumadal ulit.

Hindi ko pa man naipipikit ang mga mata ko nang may masagi akong bagay sa kaliwang kamay ko.

Agad akong napadilat para tignan kung ano yun at nakakita ako ng isang mogu-mogu na hindi pa nabubuksa.Kinuha ko at tinitigan. May nakita akong nakadikit na sticky note at agad na tinignan iyon kung kanino galling.

Ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang walang makitang pangalan kung kanino galling.

  Nakumoyos ko ang sticky note nang mabasa ko nang buo ang nakalagay doon.  

"Mukha kang isang pulubi na natutulog sa daan habang nakanganga. Naawa ako kaya binigay ko nalang sayo tong mogu-mogu ko. P.s Di pa yan nabubuksan –D"

Umirap ako sa kawalan saka tumayo para makaalis na sa lugar na yon.

Inis na inis akong naglakad papuntang 7/11 para magpalamig ng ulo.

Malalaman ko lang kung sino yun, talagang maghihiganti ako. Akala naman niya, hindi ko kayang bumili ng ganto. Bwisit!

Inis kong binuksan iyon at uminom. Agad namang nawala ang inis ko nang malasahan ang lychee flavor nito.

Ngumiti ako at saka pinapatuloy ang pag-inom. Tumitig ako sa hawak kong mogu-mogu at napabuntong hininga.

"Pasalamat ka, favorite flavor ko ang binigay mo sakin. Nawala kahit papaano yung inis ko" umiling ako at pinagpatuoy ang pag-inom.

Choose My Heart InsteadWhere stories live. Discover now